Part 27

5.5K 85 0
                                    

9pm na ng makaalis kami ni gel sa bahay nila. Una naming pinuntahan yung mga posibleng puntahan ni james kung saan may mga hotel pero wala.

Tinignan ko din yung mga kotse na dumadaan kasi alam ko itsura ng kotse niya pati plate number.

Napagpasyahan din naming maglakad lakad parang may mga tiangge ditto.

“baka naman bumalik na yun ng manila?” ani gel

Nilingon ko muna siya “ hindi iyon uuwi ng basta basta. Magpapaalam sa akin yun.” Aniko saka nagpatuloy sa paglalakad.

“eh diba hindi kayo bati? Pano magpapaalam? Kawawa nga yun si kuya eh hindi mo man lang pinatuloy sa bahay kanina.” Edi siya na naawa. Ako din naman naawa. Tss

I just rolled my eyes saka ulit nilibot ko ang paningin ko ng mahagip ng mata ko yung familiar na kotse. Tama kay james yun. Agad kaming lumapit sa kotse at pinagmasdan. Tinted kasi ang kotse niya kaya hindi alam kung may tao sa loob or wala.

“katukin mo kaya!” utos ni gel. Tumango naman ako saka pumunta sa gawi ng driver seat saka kumatok.

Nakakatatlong katok palang ako at bumukas na agad yung bintana. Lasing na james ang bumungad sa akin

“bakit diyan ka natutulog?!” bulalas ko ng makalabas na ito sa kotse niya.

Halatang hilo ito dahil agad siyang napasandal sa kotse niya.

“nakuha mo pang uminom! Nakakainis ka!” irita kong sabi.

Si gel nasa likod ko lang ayaw magcomment. Na startruck kay james gwapo eh. Kaharap ko si james ngayon.

“naholdap ako eh. Sorry.” Paliwanag niya “ babalik na sana ako sa inyo kaya lang naubusan ako ng gas.” He added.

“sabi na eh. Madami kasi talagang maloloko ditto kuya.” Sabat ni gel.

“tsk! Tara na. umuwi na tayo. Bukas kana maghanap ng mapagstayan mo.” Aniko saka siya inalalayan.

“pano yung kotse niya ate?”gel.

“balikan ko nalang yan bukas.” Sagot naman ni james. Naiinis ako kasi nakuha niya pang uminom! Tssk

12:30am na kami nakarating sa bahay at agad na kami dumeretso sa kwarto namin.

Si gel nagpaalam na din para matulog.

“si baby?” aniya saka umupo sa kama. Wala kasi si ethan sa crib.

Nakasimangot ko siyang sinagot “ na kay nanay.” Aniko.

Tumango tango lang ito saka hinubad yung polo niya. Lalaking ito hindi alam ang salitang wakward at hiya. Tsk. Siya na may 6packs na abs.

Medyo naginit ang pisngi ko sa ginawa niyang iyon kaya agad akong umiwas ng tingin.

“magshower ka muna. Kunin ko lang si baby kay nanay.” Aniko saka lumabas ng kwarto.

Nang makuha ko na si baby agad naman na akong bumalik sa kwarto namin. Dahan dahan ko siyang nilapag sa crib niya tulog pa din kasi.

Bigla naman ng lumabas sa banyo si james bagong ligo. Nakaboxer nalang siya at sando.

Hindi tuloy ako makatingin sakanya ng derecho. Agad naman siyang dumerecho kay baby sa crib saka kiniss sa noo.

Ako naman dumerecho na sa kama at nahigang nakatalikod sakanya.

“thankyou ha.” Bigla niyan sabi. Hindi ko pa din siya tinitignan “sa pagalala at paghanap sa akin” he added. Hindi ko na siya sinagot nagkunwari nalang akong tulog.

One night stand (ONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon