Part 15

5.5K 94 0
                                    

James pov

 im on my way to kristoff’s house. Hay buhay lagi nalang ba sila mag aaway ng kapatid ko? Tss. Saglit lang naman ang binyahe ko nakarating din ako agad.

After nito dadaan ako kina Kristine para makapagusap kami. Hindi ko kayang galit siya sa akin. Peste bakit pa kasi hindi ko agad sinabi? Alam kong nagulat siya at may karapatan siyang magalit because she trusts me as her friend and she think that I betrayed her. Which is not totally false.

Pagbaba ko ng kotse agad naman ako pinagbuksan ng guard.

“si kristoff nandyan ba?” aniko sa gwardya.

Umiling naman ito at kumamot sa ulo “ ay boss wala kakaalis lang din. Hindi ko po alam kung saan pupunta.” Ani ng gwardya.

Tumango nalang ako. “ ah sige salamat.” Saka ako lumabas ulit at agad sumakay sa kotse ko.

Baka pinuntahan na niya sis ko di rin niya siguro matiis yun kahit bratinela yun. Natawa nalang ako sa naisip ko.

Pinaandar ko nalang yung kotse ko. Pupuntahan ko si Kristine.

Kristoff pov

“hi” bati ko ng makalabas na si tine sa gate.

“OH? Napadalaw ka? Ano ba sasabihin mo?” nagtatakang tanong ni tine.

Sakanya ko kasi gusto magkwento about sa amin ni jessy. Kailangan ko ng kaibigan alam kong magiging awkward pero nilakasan ko nalang ang loob ko. Baka mabigyan niya din ako ng advice. Lagi nalang kasi kami nagtatalo ni jessy sa mga walang kwentang bagay.

“ah tara upo muna tayo.” Saka naupo kami sa may hagdan na malapit sa gate. Naupo naman din siya sa tabi ko.

“sorry naistorbo ata kita.” Panimula ko. Baka kasi may importante itong ginagawa

“uh- ayos lang di naman ako busy.” Aniya habang nakatingin sa kalsada

“gusto ko lang sana magsabi sayo ng problema. Well actually hindi siya literally na problema.” Pag oopen ko ng topic.

Nilingon muna siya ni tine saka nagtanong “about san?” sabi nito

Ngumiti muna ako ng mapait kay tine saka humarap sa kalsada “ si jessy.. hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya.” Panimula ko saka humugot ng malalim na hininga “ napaka spoiled bratt kasi. Kaya lagi kami nagtatalo. Tapos yung kuya niya pa kampi sakanya. Kaya lalong nagiging spoiled.” Mahaba kong sabi. “palibhasa nagiisang babae eh.” I added

Nilingon ko si tine na nakatingin din sa malayo pero alam kong nakikinig lang ito.

“Mahal ko naman siya eh. Mahal na mahal. Kaya lang parang nakakasawa pag lagi nalang kami nag aaway. Paano pa kaya pag kinasal na kami diba?” saka ako ulit bumuntong hininga

Hinarap naman na ako ni tine “ ano kaba? Hindi dapat ako ang kinakausap mo about sa issue na yan dapat si jessy talaga. Feeling ko naman maiintindihan ka niya. “ paliwanag niya sa akin

“sayo na din mismo nanggaling, MAHAL mo siya diba? You should understand her nalang. At saka pag mahal mo ang isang tao wala ang salitang NAKAKASAWA at NAKAKAPAGOD para sa taong tunay na nagmamahal.” She added.

 Seryoso siya habang sinasabi iyon kaya ng nilingon ko siya hindi ko maiwasan ang mapangiti at the same time ang manghinayang. Bakit pa kasi na fall out of love pako sakanya? Kung tutuusin perfect na siya para sa akin eh. Tsk tsk ang labo din minsan ng tadhana.

“siguro nga.” Pag sang ayon ko. Saka ngumiti sakanya.

Ngumiti din ito at tumayo na, “ oh pano ? kausapin mo na siya.” Aniya sa akin

One night stand (ONS)Where stories live. Discover now