Part 14

5.4K 79 2
                                    

Kinabukasan

Kristine pov.

*alarm!!

Agad ako napabangon sa lakas ng tunog ng alarm ko. Agad ko naman iyon kinuha sa side table at piñatay iyon

Pupungas pungas pa akong bumangon sa kama. Nakakatamad. Parang ayokong pumasok ngayon.

Maya maya nakarinig na siya ng katok mula sa kabilang pinto. “hoy tine tine! Ang sabi mo maaga ka ngayon? Anong oras na! bangon na diyan.” Ani ni nanay habang kinakalabog yung pinto ko.

“opo gising nap o.” sigaw ko habang pakamot kamot pa sa ulo ko. Agad naman ako kumuha ng tuwalya at dumretso na sa banyo.

After 12345yrs natapos na ako magprepare bumaba nako sa kwarto para mag almusal. Napangiti ako ng Makita si nanay na nag hahanda ng almusal.

“morning.. “ bati ko ng makalapit na ako sa hapag.

“Bakit nga pala maaga ka ngayon ? anong meron?” tanong ni nanay habang naglalagay ng kape sa tasa ko.

“Eeeh my meeting eh . imimeet na naming yung big boss .. nakakatamad nga eh. “ pagrereklamo ko. Saka sumandok ng fried rice.

“oh? Ilan taon kana diyan hindi mo pa nakikita ang boss mo? “ takang tanong ni nanay

“eh malay ko, baka panget kaya ayaw lumabas sa opisina niya.” Medyo mapang lait kong sabi saka kinagat yung hotdog

“loko ka talaga. O siya bilisan mo na diyan anong oras na mapagalitan kapa.” Utos ni nanay saka kumain na din ito.

Nakasakay naman agad ako ng taxi kaya hindi ako nalate.

Nagmamadali akong umaakyat sa hagdan ng makasalubong ko si kate.

“huy tine, baka madapa ka.” Aniya. Napangiti nalang ako dahil doon saka huminto sa harap niya

“ayoko kasi malate alam mo na.” pagdadahilan ko. “ uy bakit wala ka kahapon? Hindi ka sumabay sa amin kumain.” Nakapout kong sabi.

“oo nga sorry may inaasikaso kasi ako kaya hindi ako nagsayang ng oras. Hehe pero mamaya sabay na ako.” Aniya saka ako hinila papasok sa opisina.

Pagdating namin  wala ng mga ibang office mates naming patay! Nasa conference na siguro,

Nagkatinginan kami saglit ni kate saka tumakbo papuntang confe room.

Agad naman kaming nakapasok pero napalakas ata yung pagbukas naming ng pinto dahil halos lahat ng mata sa amin nakatingin.

“AY SORRY..” mahina kong sabi saka sinara yung pinto. Sumenyas naman si jane na dun kami umupo ni kate sa tabi niya nagreserve siya .. naks true friend. Nakita ko din si tim medyo malayo siya sa seats naming. At nakita ko din yung bakanteng upuan sa tabi ni tim dun siguro uupo si boss.

Tumahimik na ang lahat. Dahil wala pa naman daw nagdaldalan muna kami nila jane.

“Sana gwapo.” Ani kate na akala mo eh nagwiwish kay god,

“hihi oo nga saka sana mabait no? para hindi nakakailang..” dagdag pa ni jane

“sus. Pustahan matanda nay un saka panot na hahaha.” Napalakas ata yung pagkakasabi ko dahil napatingin sa akin yung ibang staff.

Nagpeace sign nalang ako sa kanila.

“bruha ka talaga.” Bulong ni jane napa “hehe “ nalang ako.

Grabe inaantok pa talaga ako. Pipikit n asana ako ng biglang bumakas na yung pinto

“Good Morning everyone! “ masigla nitong bati at agad naman napatayo ang mga staffs upang magbigay galang nang napansin ko na ako nalang ang hindi nakatayo agad naman akong tumayo at binaling ang tingin sa taong pumasok.

One night stand (ONS)Where stories live. Discover now