Part 22

4.8K 89 2
                                    

Kristine pov

Hindi niya nga ako maalala.. kanina dinaanan niya lang ako. Hindi ko napigilan ang maiyak. Ang sakit sakit kaya.

Napapitlag ako ng magring yung telepono dito sa table ko. Na alam ko naman kung sino yung tumatawag.

Matagal bago ko sagutin yon. “He-hello?” aniko.

“anong hello?! Can you please send me my appointment for today ms?” bakas sa boses niya ang pagkairita.

“um—okay Jame-sir!” aniko saka ilalapag na sana yung phone ng magsalita ulit siya.

“what’s you surname again?” aniya.

“Gonzales sir..” aniko.

“ah ok.” Bagot niyang sabi saka binaba na niya yung phone.

I sigh a deep breathe saka nagumpisang gawing ang pinapagawa niya.

Lunchbreak

Napapitlag ako ng biglang sumulpot si tim sa office ko.

“lunch?” aniya with his smiling face.

“sure.” Aniko saka kinuha yung bag ko at hinanap ko yung purse ko.

Bigla naman lumabas si james.

“where are you going?” suplado niyang tanong sa akin.

“magbebreak kami brad.” Ani tim na nakangiti pa din.

“maybe later. Ms. Gonzales is busy.. look.” Saka binagsak ang mga papers sa table ko.

Pareho kami nagulat ni tim sa ginawa niya.

“ang daming mali. Ulitin mo. Saka mo ibigay sa akin yan kung tapos na. and then you can take you break.” Aniya saka pumasok na ulit sa opisina niya.

inaayos ko yung mga papel na nilapag niya sa table ko.

“sige tim. Ikaw nalang muna maglunch.” Nanghihina kong sabi pinipigilan kong umiyak.

“loko yun ah. Tsk. Pagpasensyahan mo na. “ ani tim.

“yaan mo na. hindi niya naman kasi ako kilala. “ naiiyak kong sabi.

“sige balikan kita maya maya ,” aniya saka nakapamulsang umalis sa station ko.

Bakit ganon? Hindi na nga niya ako matandaan kelangan maging mean pa siya sa akin?

Tinapos ko agad yung pinagawa niya. Pumasok ako sa opisina niya at nakita siyang may kausap sa phone.

Nakangiti itong nakikipag usap. Hindi ko mapigilan ang titigan siya.

“what?!” nakataas niyang kilay ang sumalubong sa akin.

Napapitlag ako sa sigaw niya. “uhm- eto na po tapos na..” aniko saka akmang lalabas ng marinig ko yung pinaguusapan nila.

“okay babe. Later in my place...” hindi ko maiwasan ang masaktan. Nakuha niya pang mambabae. Tuluyan na akong lumabas sa opisina niya.

Ayokong Makita niya akong umiiyak.

Time passed. Bumalik na ulit si tim sa station ko to take our lunch.

Habang naglalakad na kami sa hallway. Hindi ko maiwasan ang malungkot.

“sorry dahil sa akin nalate ang lunch mo.” Pagpaumanhin ko ditto habang nakayuko.

“its fine! What are friends for? Wala din kasi akong kasabay,” aniya habang nakapamulsa.

“si james.. ibang iba na siya..” pabulong kong sabi.

Tinignan niya muna ako. Saka hinarap ako sakanya. “look. We all know na he has an accident right? Kaya dapat tayo ang magadjust sakanya. Hindi naman ibig sabihin nun na naging masamang tao na siya.. “ paliwanag niya habang nakatitig sa akin at nakahawak sa shoulders ko.

One night stand (ONS)Where stories live. Discover now