CHAPTER 11: THE BIGGEST MISTAKE

33 1 0
                                    

FULL MOON.

“Makakabalik nga siya sa lugar kung saan kami nagkakilala pero hindi naman sa panahon kung kailan kami nagkakilala…” sambit ni Yael kay Jam habang nakaupo sila sa may dalampasigan at tinatanaw ang bilog na buwan.

“Nakita ko nga siya ulit pero hindi ko na mauulit ang nararamdaman niya sa akin noon..” patuloy ni Yael na  sinasambit kay Jam.

Hindi pansin ni Jam na tumutulo na pala ang luha sa pisngi ni Yael habang tinatanaw nito ang buwan.

“ Lahat ng nangyari sa amin ay isang gunita na lamang ngayon. Parang isang bintana sa kahapon na paminsan-minsa’y gusto kong masulyapan.. at sabihing.. sana pwede pang ibalik ang mga nagyari noon para magawa kong itama ang mga maling  desisyon ng pagkakataon.” Napayuko si Yael at pinunasan ang mga luha sa pisngi.

Nanatiling tahimik si Jam. Naiintindihan niya si Yael. Dahil wala man siyang naging kasalanan kay Riz, mahal niya rin ang dalaga at ramdam niya rin ang mabale wala at hindi mahalin nito.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Yael.

Isang text message galing kay MM ang natanggap niya.

I wish I was there holding you tight instead sending this text telling you goodnight. I miss you babe. –MM

Pare, mahal ko si din si Riz.  Andun ako nung panahon na nasaktan mo siya. At ngayon, eto ka nanaman. Sinasaktan siya. May MM ka na. Di ba siya pinili mo? Ano pa ba ang gusto mo?” tanong ni Jam kay Yael.

“Nagkamali ako sa pagpili. Akala ko tama lang ang ginawa ko… hindi pala.” Sagot ni Yael.

“Siguro lahat naman tayo may pagkakamali. At siguro magkakamali ako kapag sinabi kong gusto ko na magkabalikan kayo ni Riz. Hindi ko matatanggap yun. Sakim man kung isipin pero yun ang totoo. Ipaglalaban ko rin ang nararamdaman ko para kay Riz.” Palaban na sinabi ni Jam kay Yael.

“Alam ko mahal pa ako ni Riz, Jam. At kahit anong mangyari, siya pa rin ang iibigin ko. Kung kinakailangan na hiwalayan ko si MM, gagawin ko.” Sabi ng binata.

“At ano? Para magsawa ka ulit at hanapin naman si MM?? Yael tama na! Tahimik na ang buhay ni Riz! “ pasigaw na sabi ni Jam.

“Jam………. Tama na. Hayaan mo muna na mag-usap kami ni Yael.” Sambit ni Riz habang papalapit siya sa dalawang binata.

Napalingon ang dalawang binata sa kinatatayuan ni Riz. Umalis si Jam habang lumapit si Yael sa kinatatayuan ni Riz.

Mahal kita Riz.” Sambit ni Yael.

Ngumiti lang ang dalaga. Pilit niyang nilalabanan ang mga luha niya pero hindi niya rin naitago ito kay Yael. Pinunasan ito ni Yael. Ramdam ni Riz ang haplos ng kamay ni Yael sa kanyang mga pisngi. Napapikit si Riz at sumunod pa ang mga luha na tumulo sa mga pisngi nito.

Hinalikan ni Yael sa pisngi si Riz at binulong…

“Ikaw lang.

Hindi napigilan ni Riz ang nararamdaman at hinalikan niya si Yael sa labi. Isang halik na malumanay. Isang halik na tila ba walang sakit na nararamdaman at ang tanging nangingibabaw ay tunay na pagmamahal.

Niyakap ni Yael si Riz. Isang yakap na napakahigpit. Sa pagkakataong iyon, nakalimutan nila ang lahat. At ang tanging nagingibabaw ay ay ang pagkakataong sila ay magkasama. Magkayakap.

Kinaumagahan ay nilisan na nila Yael at Riz ang barrio. Umakyat muli sila sa bundok pabalik sa siyudad. Masaya silang bumalik at magaan ang pakiramdam. Naiwan si Mike at Jam sa barrio.

Sa panahong iyon, tuwa ang nararamdaman ni Riz. Alam niya na mali dahil si Yael at MM pa rin ang magkasintahan. Ngunit nangako si Yael na aayusin niya ang pagkakamali niya.

Pagbalik niya sa siyudad ay hihiwalayan na niya si MM at aaminin ang totoo.

Sa pagkakataong iyon, umasa ulit si Riz. Umasa na sa panahong iyon, tama na ang lahat sa kanila n

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon