CHAPTER 7: LIFE IS NOT FAIR

54 1 0
                                    

Jam……………..akala ko naka-moveon na ako. Hindi pa pala.

Sa pagkakarinig ni Jam sa boses  ni Riz, alam nito na umiiyak si Riz. Tila ba tinutusok din ang dibdib ni Jam sa sinabi ni Riz. Magkasama ngayon si Yael at Riz. Hindi man sila magkarelasyon ngayon, ramdam nya na mahal pa rin ni Riz si Yael. At yun ang masakit sa kanyang kalooban.

Wala siyang magawa kundi maging isang tapat na kaibigan kay Riz. Sa panahong iyon, siya ang kailangan ni Riz para maging isang karamay sa sakit na nararamdaman niya nang makasama ulit si Yael.

Hinanap ni Yael sa loob ng barko si Riz. Malapit na silang bumaba. Nakita niya ito na may kausap sa cellphone. Huminto na ito sa kakaiyak pero halata pa rin na mapula at maga ang mata sa pag-iyak. Nilapitan niya ang dalaga.

“Riz, ok ka lang?” tanong nito sa dalaga. bago pa man siya nakalapit ng tuluyan ay kinuha na ni Riz ang kaniyang mga gamit at bumaba para ihanda ang kotse niya.

Tila ba hindi siya napansin nito. Pagpasok nito sa kotse ay tahimik lang ang dalaga at nakahanda sa pagpapaandar ng kotse palabas ng barko.

“Pasensya ka na kanina Yael. Stress lang ako sa trabaho. Salamat sa pag-alala.” Sambit ni Riz.

Hindi nakapagsalita si Yael. Hindi niya alam kung nagsasabi ng totoo si Riz. Maya-maya pa ay tumunog ulit ang cellphone ni Yael. Tumatawag si M.M ngunit hindi niya ito pinansin.

“Sagutin mo na yan. Baka importante yan.” Sambit ng dalaga. Alam niya si M.M ang tumatawag. Sinagot ni Yael ang tawag. Hindi na lang ito pinansin ni Riz.

Ibinababa ni Riz sa opisina nila sa isla si Yael para matulog. Hindi na siya bumaba pa at dumiretso na sa pag-uwi.

Buong gabing nakatingin sa langit habang nakatambay siya sa rooftop ng kaniyang apartment. Bakit ang unfair ng buhay? Bakit pagkalipas ng dalawang taon kailangan magkasama ulit kami? Ok na ako oh. Wag nyo naman po ako pahirapan ulit. Please lang po….

Kinausap niya ang langit. Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Number lang ang nag-appear sa kanyang screen.

Sinagot niya ito at nalaman ang boses ng taong tumatawag.

“Riz, kaw ba ‘to?” tanong ng isang lalake sa cellphone.“Si Yael ‘to.

Naapektuhan nanaman siya pero hindi niya iyon pinahalata sa kanyang boses.

“Oh Yael. May kailangan ka?” tanong niya sa binata.

“ahhmm.. gusto ko lang magpasalamat sa paghatis sa akin kanina.” Sambit niya sa dalaga.

Tila ba sabik na sabik siya na marinig at makausap pa si Yael pero hindi niya iyon ginawa. Hindi na siya muli pang aasa pa na magkabalikan sila.

“Ah Yael, wala yun. Sige. Matutulog na kasi ako eh. Night na lang. Kita na lang tayo bukas sa office.” Sagot niya sa binata sabay patay ng kanyang cellphone.

LIFE IS NOT FAIR.

Move on na ako.” Sagot ni Riz kay Rosa habang pinaguusapan nila ang pagiging isang IEC Staff ni Yael. Halata sa mukha niya na problemado siya. Hindi niya inaasahan ang pangyayaring ito sa buhay niya.

LIFE IS NOT FAIR.

“Riz, andiyan na si Yael. Uuuuuyyy.. “ biro sa kaniya ng mga katrabaho niya.

LIFE IS NOT FAIR

Riz, isama mo si Yael sa barrio bukas hanggang sa Sabado. Kailangan niya kasi mag-interview tungkol sa IEC needs doon. “ utos sa kaniya ng boss niya.

LIFE IS NOT FAIR

Umiiwas na nga siya kay Yael, bakit kailangan lumapit ni Yael. Bakit andito si Yael? Sa dinami-dami ng trabaho bakit dito niya naisipang magtrabaho.

LIFE IS REALLY UNFAIR.

Bakit ganun? Bakit iniiwasan ako ni Riz.tanong ni Yael sa sarili habang nakaupo sa kaniyang mesa at pinagmamasdan si Riz na busy sa pagreresearch.

LIFE IS NOT FAIR

Kung kailan okay na kami ni M.M bakit ngayon ako ulit nahuhulog sayo Riz. Naisip niya si MM. Ang pangako niya at ang lahat ng pinagdaanan nila ngayon.

LIFE IS NOT FAIR

Noon pa sana kita hinabol. Noon pa sana kita ipinaglaban. Sana ngayon tayo pa rin. Nagsisisi si Yael. Mahal niya talaga si Riz.

LIFE IS REALLY UNFAIR.

Bakit kailangan magkita si Riz at Yael.Ngayon ko pa lang maipadadama na ilalaban ko ang pagmamahal ko kay Riz. Sambit ni Jam. Habang iniisip ang huling pag-uusap nila ni Riz.

LIFE IS REALLY UNFAIR.

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon