CHAPTER 10: QUESTIONS

31 1 0
                                    

Nagulat si Riz sa ginawa ni Yael. Bigla siyang napalayo sa binata at sinabi kay Jam na bumalik na sa barrio. Natahimik rin si Jam sa nasaksihang pangyayari.

Hindi nagpansinan ang tatlo. Pagdating sa barrio ay dali-daling bumaba si Riz sa Bangka. Sinundan siya ni Yael ngunit hindi siya pinansin nito. Nagtinginan lang si Jam at Yael. Iniwan ni Jam si Yael sa dalampasigan.

Dali-daling pumasok si Riz sa loob ng banyo. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya ni Yael. Pagkatapos makapagbanlaw ay napatingin siya sa salamin. Hinaplos niya ang kaniyang mga labi at naalala ang paghalik ni Yael sa kaniya.

Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang luha. Alam niya sa sarili na mali ang ginawa ni Yael. Pero ang mas masakit, ginusto niya na mahalikan siya ni Yael. Dahil pilit man niyang itago sa sarili na kaya niyang wala na sila ni Yael, pilit din siyang hinahamon ng pagkakataon kung hanggang saan niya kayang itago na mahal niya pa rin si Yael.

Buong araw na umiwas si Riz kay Jam at Yael. Sinamahan siya ni Mike sa kubo habang tinatapos ang trabaho.

“Alam ko mahirap pinagdadaanan mo ngayon. Ang daming tanong tumatakbo diyan sa isip mo.” Sambit ni Mike kay Riz habang inaayos ang Stethoscope at kinuha ang mga braso ni Riz.

Napatingin si Riz sa ginagawa ni Mike. “Hindi mo ako kailangan kuhanan ng BP noh. Hindi naman ako high blood o low blood.” Sabi niya sa binata.

“Basta. Mag-relax ka lang.” kinuhanan ni Mike si Riz ng BP. Tahimik niyang pinakinggan ang tunog ng mga pulso ni Riz saka binasa ang resulta ng BP ng dalaga.

Normal naman. Pero iba pintig ng puso mo. Parang…… agaaab laaaggaab yooogouuu..” pabirong sabi ni Mike.

Napangiti si Riz. “ Para kanino naman yung I love you na sinasabi ng puso ko?” tanong kay Mike.

Napatingin si Mike sa dalawang binata na noo’y nagkwekwentuhan kasama ng mga matatanda sa may dalampasigan.

“Dun oh. Sa gwapong binata na naka-short at t-shirt ng UP.” Sagot ni Mike.

Napatingin si Riz sa binatang tinutukoy ni Mike. Nakita niya si Yael, nakasuot ng short at ang t-shirt nitong regalo na galing sa UP.  Nalungkot siya bigla at naalala ang nangyari kanina.

“Alam ko nangyari kanina Riz. Sinabi sa akin ni kuya. Hindi mo kailangan itago Riz. Masasaktan ka lang kapag hindi mo nailabas.” Sambit ni Mike. Natahimik si Riz at napatingin sa malayo.

“Ang dami kong tanong Mike. Sobrang dami hindi ko na alam kung saan ko uumpisahan. Gustong-gusto ko siya kausapin pero sa tuwing magkalapit na kami, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Parang lahat ng sakit nagtatago at napapalitan ng nagkukunwaring Riz na ok. Yung ok na Riz.” Kwento ng dalaga.

Sabi ko na nga ba… mahal mo pa rin eh.” Sagot ni Mike.

Tumingin ang dalaga kay Yael at saka ibinalik ang pagkakatitig sa binatang kausap. “Ayoko na Mike. Tapos na eh. Matagal na.

Natahimik si Mike. Saka hinawakan ang balikat ni Riz. “Minsan Riz, kailangan maulit ang isang pagkakataon para malaman mo kung worth it pa ba ito para ipagpatuloy o hindi na. Sa tingin mo bakit andito ngayon si Yael? Isipin mong mabuti. Alam ko, alam mo ang rason.” Sambit ni Mike sa dalaga sabay tayo at pumunta kung saan tumatambay sina Jam at Yael.

Nanatiling nag-iisa si Riz sa kubo. Maya-maya pa ay pinuntahan siya ni Yael.

“Oh Yael, nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo? Maaga tayo babalik ng opisina bukas.” Sambit ng dalaga kay Yael.

“Riz, pwede ka ba makausap?” tanong ni Yael kay Riz.

“Yael, mauna na ako sa loob ha. Inaantok na kasi ako.Night!” dali-dali na lumabas si Riz sa kubo.

“Riz wag mo naman ako iwasan! Sorry! Sobrang I’m sorry!” pasigaw ni Yael kay Riz. Hinahabol niya ito para pilit na kausapin.

Napatigil si Riz sa paglalakad.Humarap siya kay Yael. Nilapitan niya ito at saka sinampal.

Tama na. Kung iisipin mong babalikan pa kita, wag na Yael. Dahil hindi na mangyayari yun.” Sagot ni Riz sa binata na minamasdan ang paghaplos sa kanyang pisnging namumula.

Aalis n asana si Riz nang biglang hinawakan ni Yael ang kamay nito.

Iiwan ko si MM para sayo. Ikaw talaga ang mahal ko Riz. Ikaw lang simula pa noon.” Sambit ni Yael habang pilit na kinakausap si Riz.

“Kaya ka ba andito Yael ha?.............................Kaya mo ba ginugulo ako ulit? “ tanong ni Riz.

Hindi nakapagsalita si Yael. Niyakap niya ng malumanay si Riz. Sa pagkakataong iyon, hindi na nagpumiglas si Riz sa mga yakap ni Yael. Napaiyak siya sa mga bisig ni Yael. Sobra niyang pinangarap na mauulit ang dating sila pero sa sitwasyon nila ngayon, mas lalo siyang nahihirapan. Biglang lumayo si Riz kay Yael.

“Pumili ka na noon Yael.. At hindi ako yun.. at ngayon andito ka pero ang desisyon ay nasa akin… Gusto ko lang malaman mo…. Sorry.. pero this time it will not be you anymore.

Tumalikod si Riz at iniwan si Yael. Sobrang nasaktan si Yael sa sinabi ni Riz.

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon