WISHES 2

258 2 2
                                    

CHAPTER 1: ANG HILING NG ISANG BAGONG SIMULA

“Isa lang ang hiling ko ngayon Jam. Na sana, wag ako hayaan ng pagkakataon na ma-inlove sa isang tao. “  ang sagot ni Riz kay Jam habang kumakain sila sa isang restaurant sa Manila.

***

Dumalo si Riz sa isang seminar para sa research na ginagawa niya. Dalawang taon na siya sa kanyang trabaho sa isang Research Institute. Siya ang ipinadala ng kanilang opisina para dumalo sa isang seminar sa Manila. 

Nagkataon rin na si Jam ay isa sa mga participants. Kakagraduate niya lang sa kanyang Master’s Degree on Environmental Management at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang Non-Government Organization na may layuning pangalagaan ang kalikasan.

Niyaya ni Jam si Riz na kumain pagkatapos ng kanilang seminar bago bumalik si Riz sa isla kung saan siya nagtatrabaho. Kitang-kita ni Jam ang pagbabago kay Riz simula nung huli sila magkita sa isla. Mas magandang Riz ang nakita niya. Mas masaya at mas masigla. Naisip tuloy niya sa sarili niya, nakapagmove-on na si Riz. 

Naisip ni Jam, maganda ang trabaho ni Riz. Masaya siya sa pamilya niya at mga kaibigan. Naisaayos na rin ang kaniyang research sa barrio at ngayon ay patuloy ito sa pagreresearch habang nasakatuparan niya na mabigyan ng hanap-buhay ang mga tao sa barrio.  Ano pa nga ba ang hiling ni Riz sa panahong ito?

“Riz, ang ganda na ng buhay mo ngayon. Hinihiling mo pa ba na magkaroon ka ng bagong pag-ibig?” tanong ni Jam habang kumakain sila sa restaurant.

Natigilan si Riz sa pagkain at napaisip ng isasagot kay Jam. TUmingin siya ng diretso sa mga mata ni Jam at tila ba may ibig sabihin ang titig na iyon.

“Jam, hanggang ngayon pa rin ba umaasa ka pa rin? “ tanong ni Riz kay Jam. Nakatingin siya ng diretso sa binata at tila naghihintay ng isang kasagutan. Tila ba umaasa siya na sana tama ang maisagot ni Jam sa tanong niya.

“Alam ko naman magkaibigan tayo eh.” Tila ba nakaramdam si Jam ng kirot nang isinagot niya iyon kay Riz pero alam niya na yun ang inaasahang sagot ni Riz mula sa kaniya. Alam niya sa sarili niya na mahal niya pa si Riz sa di niya maintindihang dahilan at kahit anong gawin niya, mananatili siyang kaibigan sa dalaga.

“Isa ang hiling ko ngayon Jam. Na sana, wag ako hayaan ng pagkakataon na ma-inlove sa isang tao. “  ang sagot ni Riz. Yun ang gusto ni Riz. Ramdam niya na sana wag dumating ang pagkakataon na ma-inlove siya. Dahil sa dalawang taon na yun, ang peklat sa kaniyang braso ang nagpapaalala sa kaniya na minsan sa buhay niya, nadapa na siya nang dahil sa pag-ibig.

Sa dalawang taon niyang pamumuhay simula nang nawala ang lalakeng una niyang minahal, nabuhay siya ng mapayapa. At hanggang ngayon, patuloy niyang pinaglalaban na maging masaya kahit wala siyang buhay pag-ibig.

Masaya na si Riz. Alam niya sa sarili niya na masaya na siya. Marami siyang nagawa mag-isa na noong pinapangarap niyang gawin kasama si Yael. Nabili niya ang camera na matagal nilang pinagplanuhan ni Yael. Natuto na siya magmaneho at nakabili na siya ng sarili niyang kotse. 

Naging inspirasyon ni Riz ang mangarap na ang tanging pinanghahawakan niya ay ang kaniyang sarili at ang mga taong nagmamahal sa kaniya. Natupad ang hiling niya na maging maayos ang pangalawa niyang buhay. At hindi niya hahayaang mawala lahat yun nang dahil sa pag-ibig.

Hiling niya na huwag ma-inlove. Dahil iniisip niya na masyado na siyang kuntento sa ganito kaysa magkaroon muli ng pag-ibig sa buhay niya, hindi dahil sa takot na siya magmahal muli, siguro dahil hindi niya na kaya magmahal pang muli. 

Hindi na muli nagtanong si Jam tungkol sa buhay pag-ibig ni Riz. Naiintindihan niya ang dalaga. Masyado siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ni Yael. At simula nung nagkalayo sina Riz at Yael, siya ang tumayong best friend ni Riz. Kahit hindi man siya masuklian ng pagmamahal ni Riz, tanggap niya na masaya si Riz sa pagkakaibigan nila.

“Sana mapili tayo na mag-study tour sa Palawan noh?” tanong ni Riz kay Jam. 

“Oo nga eh. Sakto kung mapili tayo. 3 buwan din yun. “ sagot ni Jam habang tinutulungan niya si Riz na ilagay ang gamit niya sa kotse niya.

“Ah Riz, sigurado ka ba na ngayon ang gusto mo mag-drive pabalik sa isla?”  tanong ni Jam pagkatapos niyang mailagay ang gamit ni Riz sa loob ng kotse nito.

Pumasok na si Riz sa kanyang kotse habang niyaya na ihatid si Jam sa Quezon kung saan siya na-assign magtrabaho.

“Alam mo Jam, wag ka matakot noh. Hindi ako kaskasero noh. Nakarating ako dito sa Maynila na safe, uuwi din ako na safe. Tsaka andyan ka naman eh, may kasama ako kahit hanggang Quezon lang. “ kampanteng pagkakasagot ni Riz kay Jam.

Pumayag si Jam sa gusto ni Riz. Nagbyahe sila nung araw na iyon. Naupo si Jam sa front seat habang minamasdan si Riz na nagmamaneho sa kahabaan ng SLEX. Namangha siya sa pinagbago ng dalaga. Mas matapang na ito at mas nag-matured. Hindi na siya ang dating Riz na iyakin sa bundok, isa na siyang Riz na independent. Mas lalo siyang humanga at nagmahal sa Riz ngayon. Ang Riz na independent.

“Riz, hiling ko, sana kung ano ang hiling ng puso mo, sana makamit mo.” Ang sabi niya sa dalaga.

Napangiti si Riz.

WISHES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon