Chapter 5: A Night to Remember

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos maisara ni Red ang tiyan ng pasyente at nasiguradong nakuha na lahat ng tumor sa loob nito ay nakahinga na siya ng maluwang. Pumukaw sa kanyang pagod na mga mata dahil sa thirteen hours operation ang umiiyak na Katherine sa isang sulok ng room.

            "Okay na siya. Pwede na siyang ilipat sa Intensive Care Unit." Wika ni Red at tinanggal na ang duguang gloves at tinapon sa basurahan. Agad naman na inabot ng isang nurse ang alcohol sa doctor. "Salamat." Ani ni Red. Pagkatapos ng operasyon ay isa-isa na silang naglabasan ng OR.

            Tinungo ni Red ang pamilya ng matanda upang ibalita ang magandang balita. Pagkatapos ay sinundan ang nag-take ng break na si Katherine. Nagtungo ito sa garden ng hospital. Pero bago siya tuluyan lumapit sa dalaga ay may tinawagan muna siya.

            "Sige na bro alam ko gabi na pero alam mo naman nagpapa-charming ako sa kanya eh. Please? Please?" Pamimilit ni Red sa kaibigan sa kabilang linya.

            "Alright!" Suko ni Nate. "Sige gagawin ko na." Ani nito saka ibinaba ang linya. Napapasuntok pa sa hangin si Red dahil sa pagpayag ni Nate sa pinapagawa nito. Pagbaba ng linya ay lumapit siya sa dalagang tulala at nakatingin sa malayong-malayo at malalim ang iniisip. Umupo siya sa tabi nito sa bench sa may ilalim ng mayabong na puno.

            Katahimikan.

            "P-pasensiya na sa kinilos ko kanina. H-hindi ko lang talaga kinaya." Marahang wika ni Katherine. Lumapit pa ng mas malapit si Red.

            "You can talk to me, may problema ka ba?"

            Suminghot pa ni sipon s Katherine bago nagsimulang magsalita. Kaya naman medyo napatawa ng tahimik si Red dahil sa tingin ng binata ay cute.

            "Sorry ulit sa nangyari kanina Red. H-hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong 'di maalala ang nangyari noong huling pumasok ako doon," saka muling napasinghot si Katherine.

            "Bakit ano bang nangyari sa'yo sa OR?" Seryosong tanong ng binata ng mapansing naging seryoso si Katherine.

            "I was there when my mom died. N-noong inoperahan siya dahil din sa colon cancer sa OR na 'yun. At nataranta din ako k-kaya siya namatay." Atsaka na humagulgol si Katherine sa braso ni Red. "It's all my fault kaya namatay si mama!" Yinakap ng mahigpit ni Red ang dalagang umiiyak. "I was there at wala akong nagawa kundi panoorin siyang mamatay."

            "Hindi mo kasalanan 'yon Katherine. Wala man ako sa panahong 'yon alam ko hindi mo kasalanan 'yon. God planned it. Hanggang doon na lang ang buhay niya kaya kinuha na siya ng Panginoon." Malamig na ani ni Red. Humiwalay sa pagkakayakap si Katherine.

            "Tama ka, tanggap ko na pero hindi ko pa rin maiwasan mangatog kapag may mga operasyon gaya nang kanina. Sorry ulit sa katangahan ko." Payukong ani ng dalaga.

            "No, no, no, no. It's me the one who should say sorry right now. Back there I was so grumpy because I was afraid that I might lose the patient and thankfully not. Kaya sorry Katherine dahil nasigawan kita, I really do." Tinitigan niya ito mata sa mata at sinabi muling sorry.

            "O-okay na." Iwas ni  Katherine dahil alam niya kung saan patutungo ang tinginan nila ni Red. Tumayo si Kath at sumunod naman si Red saka sila nagsabay maglakad sa munting hardin.

            "Ilang oras na lang holiday's over." Komento ni Katherine habang patuloy sila sa paglalakad.

            "Yeah. And I want to invite you to a dinner." Ani ni Red saka tumigil sa paglalakad sa may gitna ng damuhan.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon