VB2: Near to an end

1.4K 46 2
                                    


Jane's P. O. V::

Nanghihina ang buo kong katawan wala akong lakas lalo't pa ang mga kadinang ito ay nakagapos sa aking mga kamay at katawan.

"Jane! "

Ang boses na yon, Raiven. Sigaw ako ng sigaw wala akong magawa kundi iyon lamang pilit kong kumalas mula sa mga kadinang kanapalibot sa buo kong katawan at sa paligid.

"Jane it's me " asik pa ni Raiven.

Ang susunod kong nakita ay hindi ko inaasahan.

"Raiven! " pagsigaw ko.

Nakikita ko ang nangyayari ramdam ko ang tensyon gusto kong pigilan ang pag ataki na ginagawa ko kay Raiven. Sunod sunod ito kong hindi ko ito matitigilan mapapahamak si Raiven at ang kinatatakutan ko ay nangyari nga.

Hindi siya umilag nandoon lang siya at sinalo ang pag ataki.

"Hindi!! " pagsigaw ko.

Bakit?

Bakit Raiven?

Pwedeng pwede mo naman iyong ilagan.

"Jane, come back. Please"

Those words creep inside me , I can feel his sincerity but seeing Raiven with sadness in his eyes my heart becomes heavy.

"come back to me" tears starts to flow I tried to move but those chains stopping me from escaping.

"Kill him"

Just hearing his cold emotionless voice send chills down my spine.

"Jane, your strong fight him I know your in there somewhere I believe in you"

Raiven....

Lend me your strength, Raiven.

"ahh!! " ang sakit bawat paggalaw ko ay mas lalong dumidiin at sumisikip ang mga kadinang ito.

"hintayin niyo ko. Tama na ayoko nang makita pa ang mga taong nasasaktan dahilan sa akin. Ayoko nang may masaktan pa" pilit kong kumawala bawat paggalaw at paglaban ko ay mas lalong sumasakit at dumidiin ang mga ito, maluha-luha akong pumipiglas sa mga kadina.

"tumigil ka na! " napatigil ako nang marinig ko ang boses ko hindi si Sovereignity iyon. Nang maiangat ko ang aking ulo natanaw ko siya mismo sa aking harapan.

"bakit mo to ginagawa? Bakit mo siya sinusunod? " sunod sunod kong tanong.

"Bakit?  Dahil ama ko siya " simple nitong sagot.

Sa hindi ko malamang rason nakaramdam ako ng lungkot habang nakatingin sa kanyang mga mata na walang emosyon. Ramdam ko na para bang nakikita at nararamdaman ko ang kanyang pakiramdam. Nang sumagi sa isipan ko ako ay siya iisa lamang ang katawan namin, iisa lang kami ng pagkatao.

"hindi mo ba alam na mali ang mga ito? Bakit kailangan pang masaktan ang mga kaibigan ko? Kaibigan mo" wika ko.

"mali? Kaibigan? " tanong nito.

"oo, sila yong mga taong sinasaktan natin ngayon. Ang mga taong pumunta lang dito para iligtas tayo mahalaga sila para sa akin" pagpapaliwanag ko.

Napahinto ako ng lumapit siya sa akin ng unti-unti.

"mahalaga? " aniya.

Mas lalo akong nabigla ng makita kong lumuha nalang siya.

"a-anong nangyayari sa akin? " wika niya na bakas ang pagkagulat sa kanyang inaasal.

"natural lamang yan para sa isang katulad mo. Ang pagluha ay isang sinyales na may puso ka pa rin at nagmamalasakit sa ibang tao" wika ko at sinubukang iabot sa kanya ang kamay ko.

Vampire Blood 2: Unexpected Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon