VB2: A clairvoyant

1.4K 39 0
                                    

Jane's P. O. V::
Gabi gabi nalang ako hindi makatulog ng maayos palagi akong nakakarinig ng boses sa ulo ko. Nawawala rin ako sa sarili paminsan minsan. Haayy

"Jane pasensiya na talaga ah alam kung gusto mong lumabas dito" sabi ni Lorraine habang umiinom ng kape nandito kasi kami ngayon sa garden.

Naudlot nga pala ang plano naming mamasyal sa lugar nila kasi nga dumating yong bata na yon naiintriga talaga ako sa isang yon.

"ayos lang " aniya.

"Raiven?? " nakita kung nagulat si Lorraine at Kristal nakatingin sila sa may likuran ko paglingon ko ang batang yon kasama ni Raiven.

"hi there " pagsisimula ni Lorraine nakita kung nagtago ito sa likuran ni Raiven hala mahiyain pala siya hindi katulad ng kakilala kong isa pang bata si Shiro. Tsk.

"wag ka ng mahiya kaibigan sila" singit na rin ni Daniel.

"oo nga wag kang mag alala mabait kami" wika ko at lumapit ako sa kanya. Lumuhod ako para magkalebel kami pero nagtago lang siya sa likuran ni Raiven.

Fufu di talaga ako malapitin sa mga bata.

"hahaha. Hindi raw kasi kapanipaniwala ang pagmumukha mo" wika ni Raiven.

"what??!! Sa gandang kong to grabe siya oh" sambit ko.

"hahaha" tumawa lang sila sa sinabi ni Raiven. Tsk kahit kailan tong isang to.

"oh bakit?? " napatingin nalang ako ng lumuhod si Raiven at bumulong ang bata sa kanya sabay turo nito sa parte ng garden na puno ng bulaklak.

"Daniel samahan mo siya" pag uutos ni Raiven.

"tara Reina " nakangiting yaya ni Daniel at lumayo na rin sila sa amin. Reina pala ang pangalan niya ang ganda.

"ano bang nangyari sa kanya at wala siyang malay kahapon?? " pagtatanong ko.

"haayy.. It's Zero" maikling wika ni Raiven habang umuupo ito .

Tuwing naririnig ko ang pangalan na yon kinikilabutan ako ewan ko ba kasi naman siya lahat ang may kagagawan tuwing may nangyayaring masama dito.

"totoo ba yon Raiven na siya yon?? " pagtatanong na rin ni Kristal.

Ano bang pinag uusapan nila??

"yes" sagot ni Raiven habang umiinom ng kape tsaka wow kape ko yon ah.

"hoy kape ko yan! Haayy.. Ano bang pinag uusapan niyo?? " pagtatanong ko at umupo nalang sa ibang upuan kasi may nang agaw po eh.

"ang batang yan Jane ang tinatawag na "God" dito sa amin dahil sa kakayahan nitong makita ang hinaharap" pagpapaliwanag ni Lorraine. Huwat?? God?? Ang batang yon?? Napatingin tuloy ako kay Reina na binabantayan lang ni Daniel habang nakaupo lang ito at nilalaro ang salamin nito.

"God?? " pagtatanong ko tumango naman sila.

"simula ng maipanganak ang susunod na magiging "God" kukunin sila at ni kahit kailan ay hindi sila nakakalabas sa temple kaya nga naaawa ako kay Reina hindi niya naranasan ang simpleng buhay. Ito siguro ang kauna-unahang lumabas siya sa temple." dagdag pa ni Lorraine.

Kawawa naman pala siya.

"teka ano ba ang God dito?? " pagtatanong ko.

"sila ang nagpapanatili sa balanse sa mundo namin sa mga visions na nakikita nila sa hinaharap naiiwasan ang mga panganib dito sa amin. Sila rin ang Original Vampires dito sa mundo the first one died 8 years ago umabot siya ng 10,000 years dito sa mundo at ang napili niyang susunod sa kanya ay si Reina dahil sa taglay nitong kapangyarihan" - Lorraine.

Vampire Blood 2: Unexpected Love Story Where stories live. Discover now