VB2: The mirror

1.5K 42 0
                                    

Jane's P. O. V::

Haayyy... Ang tagal naman ata ng magchecheck up sa akin 148 years na ang nakalipas oh. Haha joke. Nakakabagot pa naman maghintay dito. Nandito ako ngayon sa isang silid na puno ng machines and stuff na makikita mo kadalasan sa ospital kompleto rin sila dito.

"pasensiya na sa paghihintay" napatingin ako sa nagsalita isang babae na nasa mga 30's ang itsura kulay brown ang buhok niya na shoulder length lang, aba salamat naman at hindi pula ang mata niya, grabe mestisa rin tong babaeng to ito pa ha ang sexy niya. Paano ko nalaman??

Eh kasi namin nakasuot siya ng uniporme ng pangnurse kaya kitang kita ang hubog ng katawan nakasuot rin siya ng lab coat.

"hi I'm Roxanne " nakangiti niyang sabi.

"ahm hello po" bati ko naman.

"nga pala ito nga pala si Shiro" sabay pagpapakilala niya sa batang lalaking kasama niya. Nginitian ko siya aba deadma ang batang to ah.

(A/N: nasa media po ang itsura ni Shiro)

"ahm. Sisimulan niyo na ba ang pagchecheck up po sa akin?? " pagtatanong ko.

"yes sisimulan na natin pero hindi ako ang magchecheck sayo" nagulat ako sa sinabi niya at hindi pa kaagad masink in sa utak ko.

"hindi po kayo edi sino?? Wag niyo sabihin ginogood time niyo lang ako?? " sabi ko.

"hahaha. Pala biro ka nga talaga siya ang titingin sayo assistant lang naman ako dito" wika pa ulit ni Roxanne napatingin naman ako sa bata na tinuro niya.

"teka nagbibiro ka ba??!! Pala pa po siya oh" sabay turo ko at tumayo ako sa gilid nito.

"tingnan niyo hanggang baywang ko palang siya. Ano to lokohan??!! " dagdag ko pa ng sinyasan ako ni miss Roxanne napatingin ako sa bata ng bigla niya akong sinipa.

"aray!!!! " teka ano ba tong nangyayari dito.

"may problema ka sa akin?? " pagtatanong ng batang lalaki.

"hehe. Meron pasensiya na ha talaga bang ikaw ang titingin sa akin?? " pagtatanong ko.

"oo ako nga" simple niyang sagot aba wala pang galang ang isang to ah.

"mawalang galang na ha" diba parang siya pa ang matanda.

" ilang taon ka na ba?? " pagtatanong ko pa ulit at nakayuko pa rin para magkalebel kami.

"8 years old. " sagot nito.

"8??!!! Naman oh nagjojoke ba kayo eh nung 8 years old pako eh naglalaro palang ako non eh" sabi ko nakita ko naman na tumawa ng mahina si Miss Roxanne.

Lumapit siya sa akin at biglang itinanggal ang benda sa may leeg ko ng biglaan.

"ouchy. " sabi ko at napahawak sa leeg ko.

"magaling na ang sugat mo diba" wika pa nito.

Paghawak ko oo nga wala na ang sugat ni wala na akong maramdaman.

"kailangan namin ng kaunti mong dugo para sa blood test" pagsasalita ni Miss Roxanne kaya nag nod ako at umupo ilang sandali pa ay nagsimula ng kumuha ng dugo ko si Miss Roxanne.

Ayan na tutusok na ang karayum sa napakaganda kong balat. Echus akala ko masakit yon pala para lang siyang kagat ng langgam.

"okay this is enough " sabi ni Miss Roxanne.

Tiningnan ko si Shiro busy siya sa pagsusulat ng kung anu-ano. Hmm..

"how is she?? " ng may nagsalita bigla.

Vampire Blood 2: Unexpected Love Story Where stories live. Discover now