VB2: fart??? (EDITED)

3.3K 91 2
                                    

Jane's P. O. V::
Haayy... Papasok na naman ako sa work oh diba napakahardworking ko. Sa isang cafe mag o-overnight nga pala ako para may dagdag sa sweldo ko
ng makarating nako sa tinatrabahuan ko pumasok ako sa back door...

"Oh Jane, maghanda kana marami ang costumers natin ngayon" masayang wika ni Manager Rain yep siya ang manager namin...

"Opo manager" at nagbihis nako ng mabilis paglabas ko agad akong tinulak nila Juvia at Sam palabas sa pantry wow ha dami nga talagang costumers namin ngayon...

(A/N: nasa media po ang pic ng suot ni Jane continue reading po)

"Ahm, sirs can I get ur order please " nakangiti kung sabi sa mga lalaki sa suot nilang uniform nasa Leighton high academy din sila nag aaral nako mga mukhang adik ang mga to ah...

"Ikaw" sabi nung lalaki na nasa right side ko...

"I'm sorry sir pero hindi po ako kasali sa menu nagtatrabaho lang po ako dito" sagot ko sa kanya...

"Pfft... Ang boring mong kausap miss sige na nga coffee lang amin" aba ako pa naging boring eh kayo nga ang mga siraulo eh. Sinulat ko naman ito sa notes ko at inulit sa kanila matapos non nakakapagod ang araw na ito grabe nasa dressing room nako at kakatapos ko lang magtrabaho at tumulong sa iba magbibihis na sana ako ng...

"Jane, pwede mo bang itapon ang mga basura sa likod please" pagmamakaawa ni Manager Rain napabuntong hininga nalang ako...

"Sige po ako na bahala" at kinuha ko na ang trash bags...

"Grabe ang bigat nito ahh" bigat talaga nako ano bang alam nito at ganito to ka bigat. Nang mailagay ko na ang mga trash bags sa gilid ng basurahan napahilot ako sa mga balikat ko...

"Kaya mo to Jane wag na wag kang susuko kailangan mo to para makaipon ka sa sarili mo" haayy makauwi na nga" hindi nagtagal at matapos akong magbihis bumuntong hininga muna ako sana pumayag si manager Rain...

"Ahm, Manager Rain may hihingin po sana akong pabor" ako...

"Oh ano yon?? " phew~~ pinapawisan ako ng malamig na pawis ah ..

"Puwede po bang mag cash advance kasi po kailangan ko po sa mga bayarin sa school " pagpapaliwanag ko sana pumayag...

"Nako Jane, ikaw pa oh hito alam kung kailangan mo yan sige na umuwi ka na gabi na rin baka may makasalubong ka pang mga siraulo sa kanto" nako ang bait talaga ni Manager Rain nahihiya na rin ako dahil hindi pa ko nakakabawi sa hiniram ko sa kanya noon...

"Maraming salamat po sige po mauna na po ako" pagpapaalam ko at umalis nako.
I check the time 9:00 pm na wala nakong masasakyan nito dito sa ganitong oras no choice ako ngayon nito malayo layo pa naman bahay namin. Haayy, buhay parang life pag uwi ko ramdam ko ang pagod inaantok na talaga ako inilapag ko sa couch ang bag ko at dumiritso na sa kwarto...

"Ugghh~~ " bulalas ko masama to ang bigat na ng mga mata ko kailangan ko pa namang magbihis bahala na nga inaantok na ko good night world.....

KINABUKASAN~~~~~~~~~

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Kainis naman oh maganda na panaginip ko eh kinapa kapa ko sa night table ko at inoff na ito matingnan ko ang oras 6:25 A. M pa dibale na nga makapaghanda na nga lang...

After kung magpaganda na hindi mo naman nakita ang epekto sa mukha ko charot dumiritso nako sa school....

"oh ang aga mo Jane ah himala na ata hahaha" pang aasar ng boyfriend ni Pauline si Jay ang badboy ng school...

"Ha. Ha. Ha. Shut up Jay " at dumiritso lang ako sa seat ko. Sorry siya mainit ulo ko ngayon kulang pa ang tulog ko kaya may eye bag's ako... Sigh~~~

Wala pa naman si maam iiglip muna ako sshh wag kayong maingay....

Kristal's P. O. V::
Matutulog si Jane?? Kahit kailan ang tigas ng ulo niya ano naman kaya ang mangyayari padating na si maam...

"Good morning class!! " nakangiting bati ni maam ng mapansin niya si Jane na natutulog at inis niyang inilapag sa teacher's table ang librong dala dala niya...

"Lagot galit na naman si maam" pagbubulungan ng mga kaklase namin..tsk..

"Jane!!!! "

"Jane Dale!!! Kung hindi ka gigising papupuntahin kita sa detention room!!! "sabi ni maam pero ayaw pa ring gumising ni Jane kakaiba rin siya tulog mantika kung matulog ah...

"Aba Jane Dale!!!!!!!!! Gumising ka na!!!! "this time ay sumigaw si maam sh*t that hurt my ears...

"Hindi po yon ako hindi po ako ang umutot maam" biglang tumahimik ang buong klase at sa ilang sandali ay napuno ng tawanan...

"Thank you for sharing. Oh and Jane magkita nalang tayo sa detention office mamaya matapos ang class!! " tsk... May sayad na yata sa utak tong si Jane eh hindi lang siya nakakatawa sobra siyang nakakatawa napahiya yata siya at napaface palm siya at binaon nalang ang mukha niya sa desk niya...

Vampire Blood 2: Unexpected Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon