Chapter 9

67.4K 670 28
                                    

Chapter 8: Promote

--*--

Mikay's POV

Napag-isipan ko na ng mabuti ang gagawin ko. I mean, gagawin namin. I think, its the best idea. After kong manganak, that's the time na sasabihin ko sa pamilya ko. Natatakot parin ako. Natatakot akong mahusgahan.

Hindi rin pumasok sa choices ko, ang sabihin sakanila ang kalagayan ko.

Sabi nga ni Gino last month, lagi niya kong iuupdate. Nangyari nga, lagi niya akong inaupdate, kasabay ng pagkamusta sakin at pagpapaalala sakin na bawal ako mastress. Nakatulong naman siya kahit papano.

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!

Hindi ako ang sumagot ng telepono kundi si Kiko.

"Hello?" Rinig kong sabi ni Kiko. Nakaupo ako ngayon sa sofa sa sala. "Okay, teka lang ho.."

Narinig ko ang yabag ng paa niya.

"Kambal, may naghahanap sayo"

Tumango naman ako at pumunta patungo sa telepono.

Ako: Hello?

????: Ah ma'am, pinapasabi po ni Sir Gino na, ok na daw po.

Ako: Ah yun lang ba?

????: Opo.

Ako: Sige, salamat.

Binaba ko na at let the drama start.

"Omg!! Ma! Ma!" Sigaw ko. Pinilit kong maging masigla. Kailangan effective ang acting ko para maniwala sila. "Mama!"

"Maria Mikaela! Huwag ka ngang sumigaw!" Saway ni Kiko na lumapit na din sakin. "Baka akalain nila may sunog!"

"Mama!!!"

Nagmadali namang lumapit si Mama samin. "Ano? Ano?" Natataranta niyang tanong habang hawak pa ang sandok.

"May good news po ako!"

"Ano yun?" tanong ni Mama.

"Napromote po ako!!" Balita ko,

Halatang nagulat silang dalawa. Pano, magsasiyam na buwan pa lang akong nagtatrabaho sa Dela Rosa.

"Napromote?! Talaga?!" Tanong ni Mama na nakangiti.

"Anong position?" Tanong ni Kambal.

Sasagot na sana ko ng biglang bumukas ang pintuan. "Hanggang labas ng bahay, rinig ko mga boses niyo!" Reklamo niya sabay bato ng bag niya sa sofa. "Anong chika?"

"Napromote ako."

"Omg! Talaga bruha?!"

Tumango-tango ako.

"So?? Anong position??"

Napalunok ako at nag-alinlangan ng makita ko ang masasaya nilang mukha.

"N-napromote po a-ako na magtrabaho sa A-america." Nanginginig kong sabi.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon