Chapter 1

10.4K 77 1
                                    

Nanginginig sa takot,makikita ang isang babaeng hawak ng dalawang lalake na kinakaladkad papunta sa stage kung saan siya ibebenta ng mga ito sa mga mayayamang tao.Pangalawang beses na niya sa lugar na iyon,ang unang nakabili sa kanya ay ibinalik siya sa blackmarket matapos nitong makuha ang kaliwang kidney niya.Takot at pighati ang makikita sa mukha ni Naomi ng muling isabak sa stage ng pagbebentahan sa kanya.Hindi naman siya mapupunta doon kung hindi dahil sa amain nitong si Berto ng ibenta siya sa sindikato dahil sa pagkakautang .Naalala ni Naomi ang ina at mga kapatid nito na umaasa sa kanya,hindi kayang tustusan ng lasengero at sugarol nitong ama amahan ang kanyang pamilya.Papano na lamang sila ngaung andito siya sa kamay ng mga sindikato at ang buhay ay nasa peligro.

''Muli mga kaibigan isang babae,nasa edad disi syete,sariwang sariwa,malusog ang katawan at type AB.''paglalarawan ng host kay Naomi habang nakatingin ang mga mata ng mga mayayamang tao sa kanya.

''Sampung libo para sa babaeng yan.''sigaw ng isang babaeng may katandaan.

''May tututol ba sa sampung libo?''muling tanong ng host ng auction.

''50k.''sigaw ng isang lalake.

''75K''sigaw naman ng matandang babae.

''100K''sigaw ulit ng lalake.

''150K''sigaw ng hindi papaawat na babae na mukhang desperado na makuha si Naomi.

''500K SPOT CASH.''sigaw ng isang lalake sa may likuran na agad tiningnan ng mga kasama nitong mayayaman.

''May gusto pa bang tapatan ang 500k ni Mr. Montreal?''wika ng host na napalunok ng laway ng marinig ang napakalaking halaga sa ulo ni Naomi.

Walang gustong tumapat sa halaga na sinabi ng tinatawag nilang Mr. Montreal.Napakalaki ng halaga para lang sa isang babaeng hindi naman ganun kalahaga para sa iba.Malakas ang tibok ng puso ni Naomi ng muli siyang kaladkarin pabalik sa likod ng stage habang pinoproseso ang bayaran sa pagitan ng sindikato at ng lalaking nakabili sa kanya.

''Jackpot tayo boss akalain mo mabebenta pa natin tong babaeng to sa ganyang kalaking halaga.''wika ng lalakeng may hawak kay Naomi.

''Akala ko nga wala na itong silbe kasi kung hindi to mabenta eh baka ipakatay ko nalang to para mapakinabangan ng maayos.Interesado din si Rosa na kunin siya para sa Casa pero mabuti narin at naging ganito malaking pera na ang 500k para sa isang pipitsuging babaeng tulad nito.''wika ng boss na agad hahawakan ang mukha ni Naomi na magang maga na kakaiyak.

''Ano kaya sa tingin mo boss ang dahilan bakit binili tong si Naomi? ''tanong ng lalake sa kanyang amo.

''Dalawa lang yan,mga lamang loob o sa kantutan.''wika ng boss sabay ngiti sa muling mapapahagulhol na si Naomi.

''Kuya maawa na kayo wag niyo po akong ibigay sa kanya,doon niyo nalang po ako sa Casa pagtrabahuin kaya ko pong tiisin ang lahat wag niyo lang po ako ipapatay.Gusto ko pa pong mabuhay,maawa na po kayo.''pagmamakaawa ni Naomi para sa kanyang buhay.

''Ano ako baliw? barya lang ang ibibigay ni Rosa sa akin kumpara sa ibabayad sayo ng nakabili sayo.Oh eto na pala siya,magpakabait ka ha hehehe.''ngiting demonyo ng boss na napatingin sa isang lalakeng matangkad,matipuno, may mala anghel na mukha at kulay asul na matang nakatingin sa dalagang nanginginig ang tuhod sa takot.

''Pakisakay na lamang siya sa kotse ko sa labas,eto ang bayad maraming salamat.''wika ng lalakeng nakabili kay Naomi na agad tumalikod habang si Naomi ay maiiwan at gagapusin ng maayos ng mga miyembro ng sindikato.

''Maswerte ka bata mukhang kama lang ang habol sayo ni Sir Pogi,malaki ang chansa mong mabuhay kaya kung ayaw mong isauli dito magpakabait ka at maging masunurin sa kanya ok?''wika ng boss ng sindikato sa takot na takot na si Naomi.Kahit papano nakahinga siya ng maluwag at nakakita ng pag asa na hindi mamatay ng maaga.Kahit gusto ng sumuko ni Naomi ay pilit siyang nagpapakatatag, ayaw niyang mamatay gusto niyang mabuhay.Puno siya ng pag asa na makikita pa niya ang kanyang pamilya,malaki ang pangarap niya para sa mga ito at iyon ang nagbibigay ng lakas sa kanya na lumaban para mabuhay.

Nakatali ang mga kamay ng dalhin na sa loob ng magara at mahabang sasakyan ng mayamang binata si Naomi.Pagsakay sa loob makikitang busy ang binata na nagtatype sa kanyang laptop at si Naomi naman ay namangha sa laki ng sasakyan na tila ba para ng isang bahay.May sarili itong bar at tv,never pa siyang nakakita at nakasakay sa ganitong kagarang sasakyan sa tanan niyang buhay.

''Happy shopping sir sa uulitin.''wika ng nakangising boss ng umandar na ang sasakyan kung nasan si Naomi at ang bago nitong amo.

Tahimik lamang si Naomi habang nakatingin sa kamay nitong nakatali.Nangangati na ang balat niya dahil sa lubig kaya naman kahit mahirap at pipiliting abutin ng kanyang mga darili ang parte na makati ng biglang tumayo ang amo sabay luhod sa harap ng tila nagulat na si Naomi.

''Akin na,pasencia ka na nakalimutan kong nakagapos ka pala.''wika ng binata na may boses na payapa sa tenga ng dalaga.

''Aray.''mahinang wika ni Naomi ng makalas na ang mahigpit na lubid na nakatali sa kanyang mga kamay.

''Im sorry napalakas ata,wait gamutin natin.''wika ng binata sabay kuha ng first aid sa isa sa mga cabinet na nasa loob ng mahaba at magara nitong sasakyan.Nang makuha ay agad niyang lalapitan si Naomi at dahan dahang nilapatan ng gamot ang namumula at halos labas ang laman na bakat ng lubid sa kamay niya.

''Huwag po niyo akong patayin Sir,gagawin ko po ang lahat wag niyo lang po ako patayin.''pagmamakaawa ni Naomi na muling tutulo ang mga luha sa mga mata habang mapapatingin ang binatang nakabili sa mga mukha niya.

''Hindi kita papatayin,ligtas ka na sa mga halimaw na kumuha at umabuso sayo.Tahan na natatabunan ng mga luha mo ang mganda mong mukha.''wika ng binata na agad pupunasan ng malambot nitong palad ang mga luhang tumutulo sa mukha ni Naomi.

''Gagawin mo ba akong sex slave?''deretsong tanong ni Naomi,gusto na niyang malaman ang totoong pakay ng nakabili sa kanya.Ayaw niyang umasa ng magandang kapalaran dahil masakit pag sa huli kabiguan lang ang kanyang makakamtan.

''Your funny,well nakakatukso na malamang virgin ka pa,virgin ka nga ba?''wika ng binata na lababas ang dimples sa magkabilang pisngi ng mapangisi ito sa tila naguguluhan na si Naomi.

''Oo,virgin pa ako.''nahihiyang wika ni Naomi na pilit iniiwasan ang malalagkit na tingin ng amo na biglang matatawa sabay kurot sa pisngi niya.

''Ang cute mo pag nahihiya,dont worry hindi ako maniac binili kita para makalaya sa blackmarket na yun.Nagpatawag na rin ako ng mga pulis para mahuli ang mga hayop na nagbebenta ng mga tulad mo.Ligtas ka na Naomi,wala ng mananakit sayo mula ngaun.''wika ng binata na ikinagulat ng hindi makapaniwalang si Naomi.Sa sobrang tuwa ay yayakapin ng mahigpit ni Naomi ang kanyang tagapagligtas ng mahigpit sabay tulo ng mga luha dahil sa galak.

''Im sorry hindi ko lang mapigilan ang sarili ko dahil sa tuwa,please hindi ito biro wag mo akong paasahin kung hindi ito totoo.''wika ni Naomi ng biglang yakapin ng binata sabay himas ng buhok habang nakalapat ang ulo nito sa matigas na dibdib niya.

''Tapos na ang paghihirap mo ligtas ka na at malaya.Wala ng mananakita sayo,pangako ko yan Naomi.''wika ng binata habang yakap sa kanyang mga bisig ang umiiyak na si Naomi.Isang tawag sa telepono ang dahilan upang kumalas sa pagkakayakap ang lalake at babalik sa dating kinauupuan nito sa magarang kotse.

''Yes hello? ok Chief kayo na po bahala sa kanila, I trust you na mapaparusahan sila sa mga illegal activities na nagawa nila.''wika ng lalake habang si Naomi ay mapapangiti at makakaramdam ng hilo.Dalawang araw na siyang hindi nakakain ng maayos simula ng kunin ng una nitong amo ang kaliwang kidney nito.Unti unting magdidilim ang kanyang paningin hanggang sa mawalan ito ng malay sa upuan.Agad siyang lalapitan ng lalake at itatayo upang ihiga sa may binti niya ang dalaga.

''Hindi na kita pakakawalan Naomi,i will never lose you anymore.''wika ng binata habang hinihimas ang mukha ng dalagang matagal na niyang hinahanap.

Itutuloy

My Master, My LoverWhere stories live. Discover now