CHAPTER SEVENTEEN

3.6K 59 36
                                    

Sa condo unit ni Bernice tumira si Naomi,hindi na niya muling nakita pa si Lionel.Binihisan at muli siyang pinag aral ni Bernice na kinausap ang kuya ni Lionel na si France para muling makapag aral sa university na pagmamay ari nito ang dalaga.

''Mabuti kang tao Bernice,salamat naman ay nakumbinse mo tong si Naomi na umalis sa bahay na iyon.''wika ni France kay Bernice habang si Naomi naman ay yakap yakap ang anak ni France na si CHelsea.

''Hindi ka na aalis ate Naomi? hay salamat namimiss ka na ni Helen ate lagi kaming nag prapray na sana bumalik ka na.''wika ni Chelsea sa mapapangiting si Naomi.

''Mabuti naman at good girl kayong dalawa,hindi na ko aalis promise ko yan.''wika ni Naomi sabay tingin kay Bernice at France.

''Mabuti pa pumunta ka na sa klase mo Naomi at ikaw naman Chels andito na ung tutor mo.''wika ni France kay Naomi at Chelsea.

Agad na lumabas ng office ni France si Naomi,bigla niyang makakasalubong si Jared sa labas na agad siyang hihilahin papunta sa may fountain.

''Jared may pasok pa ako!''wika ni Naomi ng tumigil sila sa may fountain.

''Oh!''wika ni Jared sabay labas ng isang box para kay Naomi.

''Ano to?''wika ni Naomi ng tanggapin niya at buksan ang kahon at magulat ng makita ang isang bagong iphone.

''Pansin ko kasi wala kang cp,kaya binilhan kita ng latest na iphone.Globe ang sim niyan, postpaid  at naka save na skin ung no. mo kung sakaling puntahan at laiitin ka ng Margaritang iyon tawagan at itext mo ako agad ok?''wika ni Jared na unti unti ng nahuhulog ang loob kay Naomi.May pusong babae man si Jared ay hindi nito maitatanggi sa sarili na may pagtingin siya sa dalaga.Napahanga siya sa lakas ng loob at tatag ni Naomi na kahit alipustahin man ng ibang tao ay nagagawa paring tumayo upang lumaban sa buhay.

''Salamat Jared.''wika ng mangiyak ngiyak na si Naomi ng maalala nito si Lionel.

''Oh bakit ka umiiyak? tell me sinaktan ka ba ni Margarita? anong ginawa nila sayo?''tanong ni Jared ng biglang may lumapit na lalake sa kanila.

''Wala akong ginawa sa babaeng yan? why the hell is she here? kinuha mo siya kay Bernice ha jARED?'' tanong ni Lionel na nooy nakita sila Naomi at Jared sa may fountain.

''Lionel!''mahinang wika ni Naomi na lumundag ang puso ng makita ang lalakeng iniibig.

''Hindi ko kilala si Bernice,i just saw her kanina sa office.''wika ni Jared ng maalala nito na oras na pala para klase nilang dalawa ni Naomi.

''You! tumakas ka ba kay Bernice? wala ka talagang utang na loob!''bulyaw ni Lionel na ikinagulat ni Jared.

''Whats wrong with you Nel? hindi ka naman dating ganyan ka Naomi ah? ''wika ni Jared kay Lionel na mapapatingin kay Naomi.Sa hindi malamang dahilan kumirot ang puso ni Lionel ng makita ang takot at lungkot sa mga mata ng dalaga.May isang parte ng isip nito na nagsasabing tama na ang pagpapahirap nito kay Naomi.

''Ano ba ako kay Naomi dati? tulad mo rin ba ako na nadadala sa awa dahil sa kadramahan ng babaeng yan? She cant fool me anymore Jared kaya wag ka naring magpapaloko sa babaeng yan!''wika ni Lionel na ikinagulat nina Naomi at Jared.

''Hindi ko alam kung napano ka Lionel pero kung ganyan ang trato mo kay Naomi wala na akong magagawa.Lets go Naomi may klase pa tayo!''wika ni Jared sabay hawak sa kamay ni Naomi papalayo kay Lionel.

''Shit ano ba tong nararamdaman ko? bakit ganito ang tibok ng puso ko pag nakikita ko ang babaeng un!''wika ni Lionel ng may tumurok sa puso niya ng makitang  hawak ni Naomi ang kamay ng kapatid niya.

Sa klase ay hindi nakapag focus ng maigi si Naomi,nasa isip parin niya si Lionel.Katabi niya si Jared na pansin ang kalungkutan sa mukha ng dalaga.Dumating na ang prof nila ng magulat na kasabay nitong pumasok si Lionel.Tumabi sa kaliwa ni Naomi si Lionel,nasa gitna nila si Naomi na speechless at tense na nakaupo.Pasulyap na tiningnan ni Lionel ang reaction sa mukha ni Naomi,halatang d komportable ang dalaga na katabi siya.Natapos ang klase ay napabuntong hininga si Naomi,parang naninikip ang dibdib niya sa buong oras na tinitigan siya ni Lionel.

''Tara sa cafeteria Naomi.''yaya ni Jared na hahawakan muli sa kamay si Naomi.

''Ano ba kayong dalawa mag jowa? ''iritang tanong ni Lionel sa papaalis na sina Jared at Naomi.

''Eh kung sabihin kong sayong OO? she's mine now Lionel!''wika ni Jared sabay hila papalabas kay Naomi.

''Jared bakit mo ginawa un? ''tanong ng asar na si Naomi na hindi nakapag react dahil sa bilis ng mga pangyayari.

''Mabuti na rin un para tigilan ka na niya,pansin ko kasi iba na ang trato sayo ni Nel simula ng mag bonding sila ng bruha niyang Nanay sa America.''wika ni Jared na may punto naman sa tingin ni Naomi.

''ANo kayang nangyari kay Nel? bakit parang galit na galit siya sakin?''tanong ni Naomi ng may kamay na umakbay sa dalaga.

''Kamusta ang klase? i hope Nel is not bothering you?''tanong ni France na nooy sinadyang puntahan si Naomi ng malaman nito kay Bernice na tila na brainwash ni Margarita ang utak ng anak niya.

''Well he seems so weird Kuya,kung tratuhin niya si Naomi ay ibang iba sa dati.''wika ni Jared.

''Parang ikaw noon!''pabirong wika ni Naomi sabay irap sa kanya ni Jared.

''Na brainwash kasi siya ni Margarita,he lost his memory sa aksidente at hirap siyang maintindihan ang lahat.Hayaan muna natin siya at mas mabuti kung lumayo ka sa kanya.He is going to marry Bernice and i know Margarita ayaw niya sayo at kapag bumalik ang feelings niya sayo at masira ang kasal ng dalawa ikaw ang mapaparusahan at padidiskitahan ng babaeng yun.''wika ni France na nag take advantage rin sa situation para ipagpatuloy ang nararamdaman nito para kay Naomi.Sumang ayon ang tadhana sa kanya,hindi na mahal ni Nel si Naomi.Pagkakataon na niya para maipakita kay Naomi ang pagmamahal nito sa dalaga.

''Well mabuti nalang at sinabi ko kay Nel na kami na ni Naomi at least he knows na hindi na niya siya lalaitin.''wika ni Jared sa magugulat na si Lionel.Hindi inaasahan ni France ang situation sa pagitan nila ni Naomi.Agad niyang mapapansin na may gusto na pala ang kapatid nitong si Jared kay Naomi.

''Sige mauna na ako may work pa kasi ako sa office,basta Naomi wag ka munang maglalapit kay Nel dont worry about everything.''wika ni France na mabigat ang puso na iniwan si Naomi kay Jared.

''I thought magiging akin ka lang,may kahati pa pala ako.''wika ni France sa sarili na malungkot na tiniis ang nararamdaman para kay Naomi.

Itutuloy.....................

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Master, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon