Chapter 4

3.7K 34 0
                                    

Halata ang panlulumo sa mukha ni Naomi ng masuot na ang uniform nito sa university na papasukan nila ng among si Nel.Napaka iksi ng palda though naka blazer na pink ito lantad parin ang makinis na legs niya.Dyahe rin ang napakataas na takong ng kanyang sapatos na pinarisan ng knee high na medyas.Para siyang sasali sa cosplay pero ito talaga ang uniform ng San Carlos University,isang paaralang kolehiyo ng mga elite at mayayaman.

''Bagay pala sayo ang uniform Naomi.''papuri ni Nel ng humarap na si Naomi sa kanya ng umagang iyon.

''Naiilang ako Nel,parang ang laswa ng uniform na ito.'' wika ni Naomi sa mapapangiting si Lionel.

''Hindi ka lang sanay,actually ang cute mo nga suot nyan eh.''wika ni Nel na lalapitan si Naomi sabay halik sa buhok ng dalaga.Hindi maintindihan ni Naomi ang pakikitungo ni Lionel sa kanya,ano ba siya sa binata? kung makaasta kasi ito daig pa ang nobyo.Bakit ang sweet ni Nel sa kanya,may feelings ba si Nel sa kanya?Ngunit takot magtanong si Naomi,ayaw niyang magmukhang feelingera baka mapahiya siya sa binata.Hinayaan na lamang niya na tratuhin siya ni Nel ng ganun,sakyan na lamang niya ang trip ng binata hanggang sa matupad ni Nel ang pangakong pakakawalan siya at makikita na niya ang pamilya nito.

''Tara na baka malate pa tayo,basta cool ka lang wag kang ma tense ok?''wika ni Nel sa mapapangiting si Naomi.Siya matetense? bakit may dapat bang ikatense eh mag eenroll lang naman siya.

Pero may dapat ngang ikatense si Naomi,kasi pagdating mismo sa university halos manliit siya sa mga estudyanteng nakikita niya habang nasa loob ng sasakyan ni Nel.Magaganda at gwapong estudyante na lalong pinatingkad ng mga mamahaling alahas at gadgets.May mga servants o yaya pang kasama ang iilang sa mga estudyante halata dahil sa unipormeng suot ng mga alila nila.Naalala ni Naomi na isa rin siyang alila,alila na binili at binigyan na ng karapatan na makisalimuha sa mga tulad nilang mayayaman.Napa buntong hininga si Naomi ng akbayan siya ni Nel sabay yakap ng mahigpit.

''Ako bahala sayo,basta pag tanungin ka kung ano ka sa buhay ko sabihin mong future husband mo ko.''wika ni Nel ng biglang mamula ang mukha ni Naomi sa pagkabigla.

''Future husband?Bakit kailangan ko ung sabihin Nel?''tanong ni Naomi ng lalong lumapit ang mukha ng binata sa nagtatakang dalaga.

''Your innocence is killing me Naomi,but its ok gusto ko maging ganyan ka lang.''wika ni Nel ng ilapit nito ang mga labi sa labi ni Naomi na nooy pumikit at hinihintay ang susunod na mga mangyayari ng biglang may tumapik sa bintana ng sinasakyan nila ni Nel.

''Making out is not allowed.''wika ng isang babae sabay tingin nila ni Naomi at Nel sa kanya.

''Lhian!''wika ni Nel na pagkalabas ng sasakyan ay agad yayakapin at hahalikan sa pisngi ang fiancee na si Lhian.Nakaramdam ng selos si Naomi ng makita niya ang sweetness ni Nel at ng babaeng si Lhian.Akala ni Naomi na siya lang ang babaeng pinapakitaan ni Nel ng sweetness,akala niya may pagtingin ang binata sa kanya.Tama ang desisyon niya na hindi tanungin si Nel sa mga pinapakita nitong paglalambing sa kanya.Natural ang pagiging playboy ni Nel,at ang tanga niya para isiping pwedeng ma in love si Nell sa kanya.

''So this must be the Legendary Naomi,nice to meet you finally.''wika ni Lhian na yayakapin ang hahalikan sa pisngi ang nagulat na si Naomi.

''Ganun ba talaga sila dito naghahalikan at nagyayakapan ng harapan?''tanong ni Naomi sa sarili na binigyan lamang ng isang ngiti si Lhian.

''Yes so be nice to her ok?''wika ni Nel sa mapapangising si Lhian ng biglang yakapin ng isang lalakeng naka eye liner na itim ang mga mata.

''So siya pala si Ms. Destiny ha bro.''wika ng lalake na bf ni Lhian.Punong puno ng katanungan ang inosenteng isip ni Naomi kung sino at ano ang mga relasyon ng tao sa paligid nila.Makikita kasing super close nila ni Nel at Lhian pero may lalaking biglang yumakap kay Lhian sabay halik sa dalaga.

''Oo siya nga,oist PDA na naman kayo naiinggit tuloy ako.''wika ni Nel na agad hihilahin si Naomi sa kanya sabay yakap sa bewang ng tila nagulat na dalaga.

''Parang d alam ni Naomi na Destiny mo siya tingnan mo ang reaksiyon oh.''wika ni Lhian na natatawa sa gulat na expression ni Naomi sa mukha niya.

''Sooner or later malalaman din niya,inggit ako eh kaya lalambingin ko rin ang future wife ko.''wika ni Nel na nagpamula sa mukha ni Naomi na speechless sa mga naririnig sa kanyang paligid.

''Mukhang na shock ata bro tingnan mo nangamits na ang mukha niya sa hiya.''wika ng bf ni Lhian na si Rock na super na cute-an sa pamumula ni Naomi.

''Gusto ko nga laging siyang ganyan kasi lalo akong naiinlove.''wika ni Nel na titingnan ng deretso sa mga mata ni Naomi na agad na umiwas ng tingin at mapansing may isang lalaking naglalakad papunta sa kinaroroonan nila.

''I see your enjoying yourselves Nel and Lhian,but i had to remind you both that your getting married this year.So un necessary relationships should be terminated as soon as possible.''wika ng tila striktong ngunit gwapong lalakeng nagpasira sa mood nila Nel,Lhian at Rock.

''Kuya im not giving up on Naomi,so is Lhian to Rock.Walang mangyayaring kasalan between Lhian and I.''wika ni Nel sa mapapataas na kilay na si France,nakakakot ang aura ni France pero may something lonely sa pagkatao niya na nararamdaman ni Naomi sa kanya.

''Tell that to your Mom,so this is your Naomi the new transfer student? What family does she belong to? ''tanong ni France na pilit iiwasan ni Nel,dahil alam nila ni Naomi na mahirap lamang ito at ayaw ni Nel na kutyain ng mapagmatang kuya niya ang iniibig na dalaga.

''I think shes late sa entrance exam Kuya France,Nel ako na sasama kay Naomi sa testing room ok? Sunduin mo nalang siya doon after.''wika ni Lhian na agad hahawakan ang kamay ni Naomi upang ilayo kay France sa takot na baka harassin ito ng nakakatandang Montreal.

Punong puno ng katanungan ang utak ni Naomi ng iwan siya ni Lhian sa testing room at nagpaalam na babalik na sa kanyang klase.Sinabihan siya ni Lhian na hintayin si Nel sa labas ng room pagtapos na niyang sagutan ang mga test papers.Itinuon na lamang ni Naomi ang isip niya sa mga tanong na madali naman niyang nasagutan dahil sa natural nitong katalinuhan.Nang matapos ay lalabas na siya ng kwarto ng mapansin ang isang lalakeng may kulay pula ang buhok na nakasandig sa pader at ngumunguya ng chewing gum.

''Ikaw pala ang bagong alaga ng kapatid kong si Nel.''wika ng kulay pulang buhok na lalake sa magtataka na si Naomi.Lalapit ito ng dahan dahan sa dalaga na macocorner sa may pader sabay hawak sa babae ni Naomi.

''Hindi ka naman maganda tulad ni Lhian,anong nakita sayo ng kapatid ko na kung umasta parang isang baliw na aso.''wika ng kulay pulang buhok na lalake ng dahan dahang ilapit nito ang mukha sa nanginginig sa takot na si Naomi.

Itutuloy

My Master, My LoverWhere stories live. Discover now