Chapter 5: Gwapo sa Jeep's POV

101 2 0
                                    

Coding yung kotse ko kaya naisipan ko mag-jeep papunta sa kaibigan ko na nakatira sa Makati. Nakakamiss din kasi sumakay sa jeep kaya hindi na ko nagtaxi. Wow puro lalaki yung sakay nitong nasakyan ko. Patingin-tingin lang ako sa paligid nang mapansin ko na medyo lumilikot ang mga mata ng kasama kong pasahero. Anong meron?

May pasakay na babae. Chx siguro ‘to.

Hindi muna ako makiki-usi. Sa harap muna ako titingin. Matutulad lang ako sa mga ‘to. Halatang hayok na hayok sa babae. Cool dapat. Makikita ko rin mamaya kung chx nga yan.

Napansin kong sa tapat ko siya napa-upo. Eto na. Lilingon na ako. Hindi naman sa naghahanap ako ng chx o ano. Nacurious lang dn ako kanina pa siya hinuhubaran ng tingin ng mga lalaki dito eh.

Pagkaharap ko sa babae.

Rina? Sht. Bumibilis tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ko o ano?

Napatitig na lang ako.

Oo maganda nga siya. Long, black & wavy yung buhok, manipis yung lips but looks sexy, matangos yung ilong at almond shaped yung mga malalalim niyang mata. I think she’s around my age.

Around my age? Si Rina? Impossible. She’s not Rina.

Bakit ganun? Kamukhang kamukha niya si Rina.

Nakatitig na rin pala siya sa akin. Nagtataka na siguro to sa reaksyon ko. Inalis ko na lang agad yung tingin ko saknya baka kung ano pa isipin niya.

*sigh*

Malapit na rin pala ako bumababa. Kaming dalawa na lang dito sa jeep at mukhang may sariling mundo na yung look-a-like ni Rina.

Gusto ko ulit makita yung mukha niya. Yung mukha ni Rina. Kaya titignan ko ulit siya.

Pero imbis na sa mukha ako mapatingin, sa dibdib niya bumagsak ang mga mata ko. What the hell? Ang puti.

Sheez ano gagawin ko? ANO BANG TAMANG GAWIN SA GANITONG SITWASYON? Haaaaaayy bahala na.

“Miss”

Agad naman siyang lumingon.

“Nakabukas.” Sabay turo sa dibdib este butones ng polo shirt niya.

Yumuko siya para tignan kung saan ako nakaturo. At bago ko pa makita ang magiging reaksyon ng mukha ni ‘Rina’, bumaba na agad ako sa jeep. Pero nakita ko pa rin na gulat na gulat siya.

Pareho sila ni Rina pag nagugulat at napapahiya ng ganun. Di ko tuloy mapigilang ngumiti with the thought of Rina’s shocked expression.

The First Love BasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon