Chapter 27: Happy for him

47 0 0
                                    

Bakit ba siya nandito? Sino kaya hinihintay niya? Haaaaaay. Pls wag sana date, wag sana date, wag sana--- *POKE*

*lingon to the left*

"Oh. AJ!", remember him? That guy who thinks he's so gwapo to make me a reserba? 

"Hi Tor :) " bago ko siya sagutin, lumingon muna ulit ako sa direksyon ni Cyrus. Mukhang di pa niya ko napapansin. Medyo malayo layo naman kami ni Justine, phew buti na lang. 

"Uhm AJ this is Justine my bestfriend, Justine si AJ schoolmate ko." Nakwento ko na kay Justine tong si AJ, dati pa. Syempre updated tong besfriend ko no. 

"Hello. As much as i want to stay & chat, I have to go to the restroom first. Excuse me for a sec :D " So conyo ha. Iniwanan ako. Oh nooooo. Awkward to. Pagkalingon ko kay Justine na naglalakad papuntang CR, bigla naman lumabas yung hinihintay ni Cyrus. Bigla kasi siya napangiti sa may direction nung CR. 

Ouch 

Di ko na tinignan yung girl dahil baka manliit lang ako sa sarili ko. I know I'm pretty and gorgeous, I gain people's respect because of those. Pag nakita ko yung girl, ayoko mabawasan confidence ko sa sarili ko kasi for sure super model type ang kasama ni Cyrus. Hula ko lang. If Cyrus is a 10, of course 10 din yung girl niya. Ayan na nga ba sinasabi ko e, nanliliit na ko di ko pa nakikita.

Hinarap ko nalang si AJ kaagad.

"So...are you on a date?", lumingon ako sa paligid niya to check if he's with a girl. Wag kang ano! Alam ko iniisip mo. Hindi ako interesado sa kanya, not anymore. 

"I'm waiting for her. Tagal nga niya eh. Bakit kaya kayong mga babae laging ang tagal mag-ayos? Gusto naman namin kayo kahit simple lang e." 

Grabe ngayon pa siya nakipag-chikahan. Anyare dito sa lalaking to? Close kami? 

"Well kasi uhh syempre ayaw magpatalo sa ibang girls. Alam kasi namin ang mga lalaki may makita lang na mas maganda, maiiwan na yung tingin dun sa girl. SO kung confident ka na katabi mo lang ang pinakamaganda sa lahat, there's no need to look around. Right?"

"Right :D Kamusta na Tori?" alam mo yung ang haba ng sinabi ko tapos..

"Okay naman :) "

"Wala kang date ngayon?" takang taka naman si loko.

"She just went inside the restroom."

"Bi ka na? " 

"What?! NO. Date ko bestfriend ko."

"Haha. Yeah. Joke lang e."

I knew it. Awkward talaga.

"AJ!" sabi nung girl na tinabihan sa AJ. Date niya 'to for sure.

"Hi :D Sino siya?" sabi nung girl kay AJ, pwede naman ako yung tanungin niya. Sus.

"Uhm si Tori, schoolmate ko. Campus crush yan samen babe." wow. anyare? "Tori si Mae girlfriend ko, Mae si Tori."

"Hi Tori :)" Hmm di siya pretty na kayang lumevel saken. Di pansinin tong girl pero pag tinitigan mo maaappreciate mo naman features niya. Pwede na. Nice one AJ. "Pretty niya babe di na ko magtataka." sabi ni gf ni AJ. Forgot the name agad. Medyo iniisip ko pa rin si Cyrus eh. 

"Sige Tor, una na kami. Bye :) " they walked to somewhere i dont know. Im so not caring.

Ba't kaya ganto? Ang sungit ko ngayon pansin ko lang. Ang pangit ng araw na to ha. Wala na ngang ka-date, puro couples pa nakikita ko, kita ko pa si Cyrus na may kasama, nagkita pa kami ni AJ na ex-manliligaw ko na mukhang happy na sa lovelife niya.

Ano nangyayari sa buhay ko? 

Anyways, habang tinitignan ko sila mukha namang ang saya-saya nila sa relationship nila. I'm happy for AJ. Pasalamat siya saken binasted ko sya! If not for that di niya makikilala gf niya ha. Di siya magigign ganyan  ka-happy dahil alam kong hindi siya magiging masaya saken. Alam ko medyo nasaktan siya saken before, his fault not mine. It's good that he finally found someone who can make him happy. And i'm also happy for him :]

"Kainis ang haba haba ng pila!", nasa likod ko na pala si Justine. I went back to my senses and looked around.

Wala na si Cyrus.

~~~~~~~~~~~~

Wala ako characters. :(( Suggestions pls.

The First Love BasisWhere stories live. Discover now