Chapter 3: The Dangerous Type

161 4 9
                                    

It’s Friday afternoon at naglalakad na ako pauwi nang mapansin kong may sumasabay na kotse sa paglalakad ko. Hindi ko na ‘to nilingon, alam ko na agad na si Mico yun. 

“Hi there gorgeous”. Napangiti ako sa sinabi niya habang tuloy pa rin ako sa paglalakad. 

“Oh hello there handsome Mico.” Handsome talaga ‘tong si Mico. 

“Hop in.” I stopped walking to face him. Nginitian niya ako with his killer smile, how can I say no? I actually wanted to go home alone today, wala ako sa mood para mag-entertain ng manliligaw[?] but I still managed to give him a sincere smile. Yep, nililigawan ako ni Mico, I think. It’s only been 3 weeks since he started being this sweet. He didn’t officially asked me kung pwede niya ako ligawan but he always tells me that I’m his dream girl at hindi niya ako hahayaan na makawala pa. Lagi din siya nagjojoke about “us” and dating stuff. 

OO! Kinikilig ako sa kanya :> Sa gwapo ba naman nito eh sinong hindi kikiligin? Pero something doesn’t feel right kapag kasama ko siya. Ewan ko, baka sa isip ko lang yun. 

I walked to the other side of the car; it’s weird that he did not open the car door for me. He usually gets out of his car para lang pagbuksan ako ng door. 

Nagulat ako nang makita ko yung passenger seat. A huge bouquet of white roses and some really ‘epensive-looking’ chocolates were sitting there. 

“Wow. Mico, you surprised me.” 

“You’re welcome dear”, then he started driving to somewhere I don’t know but I don’t really care. Tahimik lang ako na nakatitig sa gifts. Hindi ako makapaniwala na binigyan niya ako nang ganito. 

“Nililigawan mo ba ko?” Salubong na yung dalawa kong kilay because of the confusion. 

“Umm yeah. It’s been like, 3 weeks or so.” Medyo natatawa siya habang sinasabi yun. SHT. Sabi na tama yung hunches ko e. Malamang iniisip na niya na ang manhid ko naman para hindi ko mapansin. Argh. T*nga mo Tori! Nakakahiya ka.  

*flashback*

Nasa loob ako ng cubicle ng restroom at nagpapalit ng damit for the parade. Some guy who’s crushing on me begged me to represent their team sa parade na ‘to and by ‘represent’ he means be-our-team’s-muse. 

Yung basketball team na irerepresent ko ay mostly taga higher batch ng course ko. Di ko sila close -.- 

Medyo ok kami nung nagrecruit saken, si Jason na nasa higher batch din. Alam kong matagal na siya may gusto saken pero hindi ko siya pinapansin. Hindi naman kasi pasado sa standards ko ang lalaking ‘to so ayun. 

I’m now wearing short shorts, and a shirt na mukhang jersey or something; terno sila na color blue. 

I really don’t get this, bakit kailangan pa ng parade? Like, seriously sino ang gusto makakita ng bball players ng school na hindi naman kasali sa  UAAP or NCAA man lang? 

Paglabas ko CR pinagtitinginan lang naman ako sa suot ko. Kailangan ko lumabas agad bago pa isipin ng mga tao dito na F na F ko ibalandra ang suot kong shorts.

Nasa exit na ko ng school, papunta sa parking lot kung san magsstart yung parade. Nandun na yung lahat nang basketball teams na kasali, iniikot ko pa yung tingin ko para hanapin yung blue team. 

I spotted them pero yung tingin ko nandun pa rin sakanila. Naghahanap lang naman ako ng gwapo sa team na yun di ko pa kasi kilala lahat & unfortunately wala akong type. 

Bumababa na ko ng stairs, eyes still on the team when….

“Hi” May mga lalaki nga pala na nakatambay sa stairs na to. Hindi ko napansin. Mababa ako ng isang step kung san nakatayo yung guy, nalagpasan ko na siya. Lumingon agad ako sa likod ko just to see this guy smiling ‘flirtily’ at me. Tinitigan ko siya for about 3 seconds before realizing na hindi ko siya kilala. 

My goodness. Ang tagal bago ko marealize na hindi ko siya kilala! WOW I’m slow. 

Yung mga kasama niya natawa nalang. Pero parang nabigla din sila sa ginawa ng malanding lalaking un.

I just ignored them and continued walking. 

Kahit nasa malayo, tinitignan niya pa rin ako. Di ko maiwasan na hindi tumingin paminsan-minsan pero habang tumatagal naiilang ako. Unang tingin pa lang alam ko na na that guy is a player. He knows how to make a girl not to forget him. 

He has a cigarette on his left hand, his right hand was on his pocket & he’s still looking. Ako naman, I wore my poker face on para hindi halata na I was getting interested sakanya. Don’t get me wrong, gusto ko lang malaman ang personality niya. Unang tingin pa lang alam ko na he’s dangerous. His handsome face & the way he looked at me earlier can prove it. Tambay siya sa smoking area, which is yung parking lot. I bet he also owns a car. I can see it on the way he moves and the way he talks. Mahangin ang dating eh, ganun naman silang mga rich kid eh. Porket may mga ride kala mo kung sinung gwapo pero infairness may karapatan naman siya magmayabang. 

Nung nagstart yung parade (at last), nawala na rin siya sa stairs na yun. 

@present

“Wag mo ‘ko titigan. Nahihiya ako.”

I shaked my head a little. Nakatitig na pala ako sakanya. Hindi ko napansin. 

I laughed a little. “Bakit ka naman nihihiya? Ako lang to noh.”

“The hottest chick in school is beside me inside my car and stared at me for about who knows how long. Paano ba ko hindi mahihiya nun?” Eto nanaman tayo sa ngiti niyang mapang-akit pero hindi ako nagpatinag. I just smiled but not the smile, smile. Hindi yung ngiting wagas. Smile that’s more like I-didn’t-like-that-thing-you-just-said-but-I’m-letting-it-go-just-this-once kind of smile. Ayoko ng tinatawag akong “hot”. Nakakabastos. I prefer guys who’d call girls pretty, beautiful or gorgeous but not sexy & hot.

Dinala ako ni Mico sa condo unit niya sa Makati. I don’t know but I somehow regret na sumama ako sakanya dito nang kami lang dalawa. But I trust him so…

We’re watching a movie right now at medyo inaantok ako. Katabi ko siya sa sofa, nakaakbay siya sa akin at nakasandal naman ako sa kanya. 

Parang kami na nito ah. Sagutin ko na kaya? 

Right here.  Right now. 

*Exhale* OK OK.  

“Mic--” Did he just touched my legs? 

I looked at him with a what-the-eff-are-u-doing look. Bigla naman niya akong hinalikan. It’s not just a peck but a torrid kiss. I was so pissed sa paghawak niya sa akin tapos ninakawan pa niya ako ng halik so I pushed him away immediately. Naguguluhan ako, if really like him hindi dapat ako magagalit sa ginawa niya. I mean, di ba dapat ayos lang saken kasi sasagutin ko na rin naman siya?

Then I realized something.

 Hindi siya si Eli.

“Tori? Come on.” 

“Excuse me?” 

“Para namang ngayon mo lang gagawin ‘to”

“Gagawin ang!?” Ano to? Ano bang tingin saken ng lalaking ‘to? Nabbwiset na ko ha. Mukha ba kong kabastos-bastos? 

He just smirked. “Bakit ka ba galit? I just kissed you, that’s all. I know you want it.”

“What the? Well guess what? I HATED IT! Ano feeling mo saken?  Easy to get? Go to hell Mico. Fck you!” I rushed to the door. I want to get away from here as soon as I can. I feel so betrayed. Hindi naman ako in love kay Mico pero nasaktan pa rin ako. Hindi pala totoo yung akala ko na pwede siyang pumalit kay Eli. I hate this feeling. Mali nanaman ako ng taong pinagkatiwalaan. At the end of the day ako nanaman yung mali, ako nanaman yung talo. 

Why can’t I find someone who’s worth loving? 

Why do I get the feeling that he’s irreplaceable?

And why is this always happening to me?!

FML.   

The First Love BasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon