CHAPTER 6 ~Trouble~

165K 3.3K 287
                                    

CHAPTER 6

SKY'S POV

"Bakit? Ano ba ang iniisip mo?"

Kill me now.

Right now.

Hindi ko alam kung bakit pagdating sa taong to lagi akong talo sa usapan. O kalimitan pinapahiya ko ang sarili ko sa harapan niya. Mula ata ng makilala ko siya puro sakit na lang ng ulo ang tinamasa ko. "Ewan ko sayo."

Sinibukan kong lagpasan siya pero pinigilan niya lang ako sa braso. Pumiksi ako pero as expected hindi na naman ako nakakawala.

Sumilay ang mapangakit na ngiti sa labi niya. "Tell me. Ano nga ba ang iniisip mo?"

"None of your bussiness."

"It is my bussiness."

"My mind, my thought, MINE. Wala ka ng pakielam roon. Pwede ba pakibitawan mo na ako? Kung napapansin mo kasi yang hawak mo eh braso ko. Pwede mo namang hawakan yang sayo. Promise tutulungan kita."

Sinubukan ko ulit na makawala sa kaniya pero hindi niya parin ako hinayaan. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at ipinameywang ang isang kamay ko. "Pakawalan mo ko."

"Ayoko."

"Stranger-"

"Ano muna ang iniisip mo?"

Bumuntong-hininga ako. "Ang kulit mo din ano? Edward Cullen much? Anyways, I was just thinking what you thought I'm thinking. Akala ko you're adding another clause to our abnormal agreement, like you know, fucking me whenever you'll see me with another man-"

"Mouth."

"Tignan mo 'tong taong 'to. Pasalamat ka gwapo ka kundi hindi ka na tumagal ng sampung segundo sa mundo na 'to."

Kumawala ako sa kaniya at this time ay nagtagumpay ako na makaalis. Lumayo na ako ng ilang dipa sa kaniya para siguradong makakatakbo ako kapag nagtangka na naman siya na i-hostage ang braso ko.

"I was just asking a simple question." he said.

"And I was just answering your question...in my own beautiful way."

"Anong maganda do'n?"

Nginitian ko siya at pagkatapos ay kinindatan. "Masyadong boring ang mga salita ninyong tao na tuwid ang daan. Matagal ng baliko ang dinadaanan ko kaya matagal narin na makulay ang mga salita ko. Ilang beses ko ng sinabi sayo. I am who I am and I will never change that even for you."

"Whatever. Basta ang kasunduan natin-"

"So I need to fuck-"

"Mouth!"

I rolled my eyes. "What I meant is, I need to do the 'thing' with you kapag nahuli mo ako na may kasamang ibang lalaki?"

"No."

"W-T-F dude." sabi ko na inispell pa ang mga salita para hindi madangil ang kaabnormalan niya. "Anong pinagaaksayahan nating pag-usapan ngayon?"

"Masyado lang talagang madumi ang utak mo. Simple lang naman ang ibig kong sabihin. Literal kang matutulong sa bahay ko. With me and on my bed."

Tinitigan ko siya ng matagal na animo ineeksamin ko ang pinaka rare na specie sa mundo. "At bakit mo naman gugustuhin iyon?"

Nagkibit-balikat ito. "Maybe I just want to experience seeing your face for the first time when I wake up in the morning."

"Ang weird mo. Diyan ka na nga." sabi ko at sabay karipas ng takbo palayo.

"SKYLEE!"

"See yah!"

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now