C h a p t e r 10

5.9K 297 76
                                    

Pagkatapos ng mga pangyayaring yun, hindi ko na nakausap ang magkapatid na si Luhan at Luigi. Maging si Keith ay di ko na nakikita. Tama ang tadhana. Kailangan ko na silang iwasan. Simula nang nakikilala ko sila, nagulo na ang buhay ko.

Ilang araw akong di nakatulog at nagtransform na ako bilang zombie.  Di ako makatulog dahil sa mga pinagsasabi ni Luhan idagdag mo pa ang Final examination namin ┐('д`)┌

"Kumain ka na Gemini. Tingnan mo nga yang sarili, kamukha mo na si sadako" pagbibiro ni mama. Syempre, pinilit kong kumain kahit na wala akong gana. Isa pa, mag aaral pa ako.

Umakyat ako sa kwarto at naupo sa study table kung saan tanaw ko sa kabilang bahay ang kwarto ni Luhan. Bukas ang ilaw nito pero hindi ko siya makita. Ba't ko ba siya hinahanap? Aish. Sinara ko ang kurtina para makapagconcentrate sa pag aaral.

Bakit kaya di siya nakaupo sa study table niya at mag aral din? Finals na kaya namin bukas. Sabagay, matalino naman siya. T-teka! Di ba sabi ko mag aaral na ako? Lechugas, puro Luhan nasa bibig ko pwe!

Ipinagpatuloy ko ang pagrreview pero di ko talaga mapigilan ang sarili kong sumilip sa bintana. Nakita ko siyang nakaupo na sa study table niya at hawak ang papel na may nakasulat na ..

Tulog ka na?

Napangiti at natawa ako at the same time. Ang tanga tanga niya. Pano kung tulog na nga ako? Makakapagreply ba ako sa kanya? Like hello. Agad kong kinuha ang notebook ko at nagsimulang magsulat dito.

Obvious ba?

Nakita kong ngumiti siya. Binuksan ko ulit ang kurtina maging ang bintana sa kwarto ko.

Come out

He once again replied. Ewan ko pero sinunod ko ang sinabi niya. Lumabas ako nang bahay at nakita siyang nakatayo sa harap ng gate nila. Matagal kaming nakatayo at nakatingin lang sa isa't isa.

Hindi ko na kayang ihandle ang awkwardness kaya pinilit ko nang magsalita.

"Gemini/Luhan"

"Ah sige, mauna ka na" pagpapaubaya ko.

"No. Ladies first" he said. Patola naman oh! Ano nga yung sasabihin ko? (;>_<;) Shizxs.

"Yung kahapon, ano --" naputol yung sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. Akala ko ba ladies first?

"Totoo lahat ng sinabi ko kahapon Gemini. I don't care about what the other people will say" he said. Pakshet, ito na nga ba ang sinasabi ko. Umuurong na naman ang mga dila ko.

"Luhan, mali. May fiancé ka na. Mali ang ginagawa natin" Nakakainis ang mga luhang gustong gusto nang pumatak. Utang na loob mga luha! Wag kayong lumabas sa mga mata ko.

"Pero--"

"Hindi tayo ang para sa isa't isa Luhan!" Di ko sinasadyang maisigaw ang mga katagang iyon. Nabigla ako. Maging siya ay nabigla din.

Beautiful BoyWhere stories live. Discover now