C h a p t e r 3

7.6K 307 47
                                    

Kakapalan ko na talaga ang peys ko. Kumatok ako ulit at ipinakita sa kanya ang sinulat ko sa notebook. Tiningnan niya ako saglit. Akala ko talaga di na uubra ang pagpapacute ko sa kanya. Buti nalang, pumayag siya. He opened the side door and made a sign to let me in. Heaveennnnn~ *u*

Umupo ako ng maayos at tumingin ng diretso sa daan. Medyo awkward at hindi ko magawang lunukin yung laway ko. Nagnanakaw ako ng tingin sa kanya, seryoso siya sa pagddrive hanggang sa napabaling ang atensyon ko sa ID na suot niya. Oo nga pala~ Schoolmate ko siya. "Were in the same school. Anong course mo?" tanong ko. Ang sama naman kung hindi ako magsasalita nuh!

"Business Management" Maikli niyang sagot. Woaw~ Isa ata siya sa mga inheritors ng family niya. Baka mayaman sila. Baka ang dami nilang negosyo. Kadalasan kasi, ganong mga course ang kinukuha ng mga anak ng mga negosyante.

"Oh I see. I'm Gemini and you're?"

"Luhan" Cute name tho.

"Ay, diba kapitbahay namin kayo?Sino yung babaeng kasama mo dun? Si Aling Yolanda lang kilala ko dun  eh" Tanong ko ulit. Pasenya pasensya. Mejo curiouth lang ih.

"None of your business" He replied shortly. Isang maikling sagot pero feeling ko tumagos yun sa heart ko. Parang pinagsabihan ka na itigil ko ang pagiging chismosa mo. Oh well, its okay. Totoo naman eh XD

Hindi na ako nagsalitang muli at nanahimik nalang sa upuan. Medyo malapit na kami sa school at nakasurvive na rin kami kasing bagal ng pagong na traffic.

Mejo sumakit nga lang noo ko nang biglang siyang nagpreno at saka ako tumilapon sa unahan na sanhi ng pagkakaroon ko ng mapulang bukol. Nakahithit kasi ako kanina ng betadine. Nakalimutan ko tuloy maglagay ng seatbealt. Poor me.

Abala ako sa paghaplos ng noo ko  habang si Luhan naman ay dali daling lumabas sa kotse "Shit" narinig kong sabi nito. Sinundan ko siya ng tingin. Bumalik ulit siya sa loob dala ang isang napakaliit ng kuting.

Isang kuting? Tiningnan ko yung kuting at nakuta kong may sugat ito sa bandang paa "Hala may sugat siya sa paa" sabi ko. Mejo worried din pag may time.

"I'll handle this. I'll bring it to the veterinarian" Wow ah. Veterinarian agad? Rich kid. Halatang halatang animal lover siya. Pero ang sakit talaga ng noo ko. Muli ko iting hinawakan at confirmed! May bukol ako~ Kapalit ba to ng pagpasakay niya sa akin? :'(

Bumaba na ako nung nakarating kami sa university at nagpasalamat. Habang siya naman ay walang pakialam sa bukol na aking natamo at masyadkng attached dun sa kuting. Akalain mo yung hindi siya papasok para lang dalhin yun sa veterinarian.

Beautiful BoyWhere stories live. Discover now