C h a p t e r 4

7.3K 333 56
                                    

"Class dismissed" isang segundo kaming natahimik at saka nagsitayo at lumabas ng room. Sa wakas, makakauwi na ako. Nakakabobo ang math ih. Di naman yun kailangan sa literature pero bakit may algebra pa. Like hello? Engineering is not my course.

Pababa na ako ng hagdan since nasa third floor kami ng building "Gemini, uwi ka na?" tanong ni Max.

"Ahh oo. Ikaw?"

"Hindi pa. Jamming muna tayo! Nangalok kasi si Jane. Ano? Tara na! Friday naman ngayon" Pinilit ko ang sarili ko na wag sumama at tumanggi pero ang kulit talaga nila. So wala akong nagawa kundi sumama sa kanila. Actually, madami kami. Halo halo, may boys, may girls, may bakla pero walang tomboy XD Close ko na sila. They're super funny and witty. Nahawaan nga nila ako ng pagiging kalog nila eh.

"Wooo! Let the party started!" Sigaw ni Graham. Siya yung sinasabi kong bakla. Sasakit talaga ang tiyan mo kapag kasama mo siya dahil sa kakatawa.

Umupo ako sa bar counter. Actually, this is not my first time in a bar pero I'm not used to be here very often "Anong gusto mong drinks?" tanong ni Max. Sumagot lang ako ng yung mild lang. Ayaw kong magpakalasing. Di ako lasinggera! Yung tama lang. Honestly, napilitan lang nga ako ngayon. Kung hindi ako sasama baka isipin nila, ayaw ko sa kanila. So kailangan kong makisama.

Magdadalawang oras na kaming nasa loob ng bar at nakalimutan ko palang hindi ako nakapagpaalam kina mama ta papa. Asdfghjkl! Jojombagin ako nun for sure! Oh noes~

"Ah Max, mauna na ako ah? Di kasi ako nakapagpaalam sa parents ko about this" sabi ko kay Max. a sa tingin ko ay medyo lasing na. Nakailang bote na rin kasi siya ng beer samantalang ako cocktail drinks lang yung ininom ko.

Humarap siya at sinabi saking "Kung ganon ihahatid na kita"

Ihahatid niya ako. Ayoko nga! Baka maaksidente pa kami sa kalsada. Baka madedu ako ng maaga. Balak ko pa namang manganak ng sampu. Charot lang!

"Ah wag na Max. Kaya ko na at isa pa lasing ka na. Di mo na kayang magdrive" I insisted.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko sabay nagwave sa mga kanila. Lumabas ako sa bar at natamdaman ang malamig na hangin. Ang init kasi sa loob dulot ng maraming customers "Ihahatid na kita!"

Dinig kong sabi ni Max sa likod ko. Napalingon ako at nakita siyang nay dala pa ring isang bote ng alak at bukas na ang polo nito hanggang sa pangalawang butones. Lumapit siya sa akin at saka ako inakbayan "Sabay na tayo umuwi. May gagawin pa tayo diba?" bulong niya sa tenga ko.

Kinilabutan ako. Tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko. Automatic na naglanding yung kamay ko sa pisngi niya.

*PAK!*

Beautiful BoyWhere stories live. Discover now