C h a p t e r 2

8.9K 373 43
                                    

Hinanap ko ang nawawala kong phone "Aish asan na ba yun?" hinanap ko ito sa side table, sa loob ng cabinet at maging sa balde ng cr namin.

Lumapit si Nana sabay bigay ng phone ko "Minsan kasi gamitiin ang mata, okay?

"Nyenye! Tinago mo lang to kaya di ko makita (¬_¬) " sagot ko habang ina-unlock ang asawa kong iphone.

 "Well excuse me but nasa kama mo lang siya" she protested.

Okay okay! This is enough. Pagod na akong makipag-away "Okay, you win" I surrendered.Napangiti siya sabay tayo at nag ayos ng sarili. Nagpaalam na siya sakin ay umalis na ng bahay. May appointment daw kasi siya at di ko alam kung ano yun.

Baka may appointment siya with the ice cream owner. Charot! Sagad kasi yun kapag kumakain ng ice cream eh. Nakaka limang serve yun kapag nasa ice cream parlor kami.

Nana is my bestfriend. Syempre, hindi mawawala ang isang bestfriend sa isang storya. Kaso nga lang yung bestfriend ko, adik sa yelong krema. Baka nga pag nagcostume ako ng ice cream, kainin niya pa ako eh.

I sat outside the balcony. Dumampi ang malamig na hangin sa pisngi ko. Tumingin ako sa langit. Nakakita ako ng cloud na hugis dinosaur, ang weird.Tumingin ako sa ibaba. Nakakita ako ng itim na kotse na huminto sa tapat ng bahay namin. Hinintay ko ang pagbukas ng pinto ng kotse at bumaba ang isang dalagang ubod ng puti. Nakashorts at loose shirt lang siya at naka-braid ang buhok. Kaso di ko makita ang peys, naka shades -.-

Hinintay nitong bumaba ang lalaking nasa driver's seat. Isang lalaking nakashorts at sleeveless. Naka shades din. Di naman ata sila inlove sa shades.Kinuha nila ang mga bagahe sa likod ng kotse nila. Naglakad yung dalawa papasok sa bahay at sinalubong ni Aling Yolanda.

Oo. Si Aling Yolanda. Ang naghasik ng lagim sa Pilipinas ---I mean ang care taker ng katapat naming bahay. Three years na kaming nandito sa village pero ngayon lang may nagtangkang manirahan jan.

Oh well, nangangamoy na ang paborito kong adobo *growl* Me is so gutom na.

Bumaba ako at nakita ko si mama na naghahanda ng mga plato sa dining table "Gemini,  tawagin mo na si Papa mo sa kwarto. Kakain na" so ayun, tumaas ulit ako at kumatok sa pintuan ni Papa.

"Paaaa~ Kakain na poo~" Lumabas si papa na may hawak hawak na ipad. Napalingon ako sa screen nito. What the heck! Flappy bird? "PA BAT KA NAGLALARO NIYAN?!"

Tiningnan ako ng masama ni Papa "Bakit? Bawal ba to sa matanda?" sabi niya. Di na ako sumagot kasi di ko alam ang sagot (¬‿¬) Saka baka pag sumagot ako, makakalipad akong papuntang Korea.Bumaba ulit kami at nagsimulang kumain. Tatlo lang kami sa bahay. Wala nga kasi si kuya, nasa abroad. Ang tahimik tuloy.

"Ma, nakita ko kanina may lumipat jan sa katapat nating bahay" Pag oopen ko na topic. Wala na akong marinig kundi boses ni vice ganda sa tv eh.

" Ah oo. Sabi ni Aling Yolanda kanina, anak daw yun ng amo niya" Pagpapaliwanang ni mama. Oh I see. Mabuti naman kung ganon. Sana same age lang kami para naman may kabonding ako dito sa village namin.

**

""Gee gee gee gee baby baby baby baby ♪"  Ginalaw galaw ko ang katawan ko habang nilalakasan ang volume ng audio set sa kwarto ko.

This is one of my past time. Ang pagkakaroon ng mini concert sa kwarto ko. Weekends kasi tapos wala naman akong lakad kaya heto. Nag aala-GG muna ako (*'▽`*)

"Neomu bbanjak bbanjak nuni busyeo no no no no-- Aw!~ ♪" Napatigil ako sa pagkanta nang biglang may bumato ng tsinelas sakin. Di ko alam kung saan ito galing basta ang alam ko, bukas ang bintana. Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa bintana sa tapat namin bahay na may hawak na papel.

May nag aaral, Bawal ang maingay

Yan! Yan ang nakasulat sa papel niya. Lumapit ako sa bintana for better vision. Di ko kasi maaninag yung lalaki "Sorryyyypooooooooooo! Ohanookayna? Kailanganbatalagangbatuhinakongtsine----   

----OMO!(゚ Д゚)I-IKAW YUN DIBA?"

Paking tape! Siya yung bakla na may girlfriend na nakasabay ko sa bus na ubod ng hinhin kung gumalaw! (゜◇゜)

"IKAW NGA YUN! JAN KA NAKATIRA? ANONG PANGALAN MO? BAKIT KAYO LUMIPAT DITO?" sigaw ko para marinig niya ako mula sa bintana. Pero imbis na sagutin niya ako, tinarayan niya lang ako at saka isinara ang kurtina ng bintana niya. Futengene, nakakahurt yun ah. Ako na nga tong nakikipagkaibigan ako pa ang tinatarayan ;_______;

**

"Ma, i'm going" hinalikan ko si mama sa pisngi at saka lumabas ng bahay. Hinawi ko ang buhok ko at nakita siyang palabas ng gate ng bahay nila.

Kinuha niya ang susi ng kotse sa bulsa niya at pumasok dito. Wow~ Baklang may kotse. Buti pa siya. Merong ganyan, ako sa debut ko pa ata. Heol~ (╯3╰)

Iggreet ko sana siya ng good morning but nevermind. Baka tumirik na naman yung mata niya. Naglakad na ako papuntang gate ng village at pumara ng taxi. Sobrang traffic sa daan pero keribels lang, maaga pa naman :)

Aandar na yung taxi pero biglang huminto ito "Ma'am sira po ata tong taxi. Pasensya na po. Lipat nalang po kayo sa ibang taxi"  sabi ni Manong. Nanlumo naman ako (╯3╰)  Lumabas ako sa taxi at tumayo sa gilid ng kalsada. Lahat ng nakikita kong taxi puno na so I have no choice kundi maglakad. Pero buti nalang nakita ko ang kotse ni bakla (*'▽`*)

Lumapit ako dito at kumatok sa sidewindow. Lumingon siya pero di niya ako pinansin. Kinuha ko ang notebook ko at nagsimulang magsulat dito.

Pwede makisabay? Pretty pleasee~

Kakapalan ko na talaga ang peys ko. Kumatok ako ulit at ipinakita sa kanya ang sinulat ko sa notebook. Tiningnan niya ako saglit.

winterized

Beautiful BoyWhere stories live. Discover now