chapter 39 >GOODBYE!<

3.7K 45 31
                                    

YASSIE’S POV...

 

Maaga akong pumasok ngayon, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya maaga akong nagising... halos ako pa nga lang ang tao dito ee, himala to, dahil kadalasan, ako ang pinakahuling dumarating sa classroom namin...

Nakaupo ako sa upuan ko, actually namin ni Bes.... yeah~ after all, kahit gaano kasakit yung mga nangyari, natatawag ko padin siyang bes, hindi ko alam kung bakit ganito, ansakit nung nagawa niya pero, hanggang hindi ko siya nakikita at nakukumpirma mula sa kanya mismo ang mga nangyari, ayokong maniwalang pinagtaksilan niya ako... parang mas tanggap ko na si Jayden ang nagkasala sa akin kesa ang sariling best friend ko...

Kamusta na kaya siya?? Simula kasi nung isang linggo, hindi pa siya pumapasok... ang sabi naman nung kapatid niyang si Danna, na nasa section B, hindi rin naman daw niya alam ang dahilan kung bakit since hindi sila nagkakasama...

Nakakapagtampo rin si Bes, hindi ko manlang alam na may kakambal siya... at ito namang si Kuya, hindi ba niya nahahalatang magkamukha talaga yung dalawa?? Masyado na siyang nabubulagan, nakoo, ibig sabihin, hindi si Danica yung nakita ko sa wallet nyang picture dati?? Si Danna pala yun?? Grabee lang hah...

Ok, nakuha ko pa maging ganito?? Kanina lang nag-eemote ako... ewan ko sayo Yassie, baliw ka ng talaga.. ikaw ba naman pagdaanan mo mga nangyayari sa akin, ee talaga namang mawiwindang ka...

Napalingon ako ng biglang bumukas ang pintuan...

Pareho lang kaming nakatingin sa isa’t isa... siya, blangko lang ang expression niya, samantalang ako, hindi ko alam kung paano magrereact ngayon andito siya sa harap ko...

Pumasok siya sa classroom namin, umupo siya sa upuan niya, ako naman, nakatayo padin, tulala padin sa pinanggalingan nya...

Ganito na pala kami kalalang dalawa, hindi ko agad napansin kasi masyado akong naging busy kay Jayden... may kasalanan ba ako?? Kaya nangyayari sa akin to?? Nagkulang ba ako?? Para gawin sa akin to??

“b..bes...an.ano ka---”

 

“alam kong alam mo na ang lahat Yassie, yes, totoo yun, totoo ang lahat ng nasa picture, I kissed him, and he kissed me back, I love him... I love him so much... ikaw lang naman ang hadlang sa aming dalawa e.... BES!” saka siya humarap sa akin, makikita mo sa mga mata niya yung galit....

Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko para gawin sa akin to... bakit ganito? I know I’ve been a good bestfriend to her and a good girlfriend to him.. pero bakit ginaganito ako??

“bakit hindi mo agad sinabi sa aking mahal mo siya?? *sob* bakit hindi mo agad sinabi sa aking my nararamdaman ka para sa kanya, edi san---”

 

“PAANO KO SASABIHING MAHAL KO SIYA KUNG SA TUWING MAGKASAMA TAYONG DALAWA ANG LAGING LUMALABAS SA BIBIG MO AY MAHAL MO SIYA! Sabihin mo sakin Yassie, paano ko ipagtatapat sayo ang lahat, kung alam kong mahal mo din siya...” putol niya sa sinasabi ko, nakatayo na din sya ngayon, nakatitig sa akin... parehong naglalandas ang mga luha sa mga pisngi namin...

LOVING MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND!!~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon