chapter 48 >Their Official Break Up!<

3.4K 50 7
                                    

ang hirap mag-isip ng update lalo na kapag may WB ka, sorry talaga, kung hindi lang ako nakapangako na mag-update, hindi na lang ako magaupdate ee, kaso ayan na, nag-update na ako ^_^ sana maappreciate niyo na lang, hehehehe...


ayun, alam na kung ano ang content, title pa lang alam na, hehehehe.. enjoy reading na lang po ^_^


VOTE.LIKE.COMMENT na lang po sa may gusto :))


thanks po ^_^


--sassyabhie05

***************************************************************************************************


RICH’S POV...

 

30 remaining days. Ang bilis ng panahon, malapit na kaming makatapos. Saktong isang buwan na lang at graduate na kami, panibagong panimula ang aming tatahakin, bagong environment, bagong mukhang papakisamahan at bagong buhay na dapat ayusin.

Sana, bago matapos ang lahat, matapos na din ang gulo sa pagitan ng mga kaibigan ko. Hindi na ata naging normal ang pagpasok ko sa araw-araw simula noong magkandaletse letse ang samahan naming magkakaibigan.

Nakakamiss iyong mga panahon na sabay sabay kaming kumakain sa canteen, nagkukulitan kami, nagbabatuhan ng sagot sa trigo at kung ano-anong kalokohan na pwede naming gawin.

Nakakamiss ang bonding moments naming lima. Tama, lima, Ako, si Inah, si Magz, si Yassie at Danica. Minsan naiisip ko, sana hindi na lang kami nainlove, sana hindi na lang namin sila nakilala, para kumpleto padin kami, para hindi kami malulungkot at magkakahiwahiwalay kami ng sira ang samahan namin. Pero, sa tuwing iisipin ko kung gaano ako kasaya kay Thanee, kung gaano kamahal ni Inah si Yuki, kung gaano katiyagang naghihintay si Magz para kay Daniel, naiisip ko, hindi, mali... binigay sila sa amin on purpose, may nakatadhanang mangyayari kaya sila ipinagkaloob sa amin. At sa sitwasyon ni Yassie at Danica, sinusubok lang ang friendship nila sa katauhan ni Jayden.

I can’t deny the fact that I hated her when she seduced Jayden, but then, I realized, she just loved the guy, yun nga lang, yung lalaking mahal niya, mahal ang best friend niya and at the same time, mahal din ng best friend niya. Mali lang siguro talaga yung definition ni Dan ng love. Everyone knows that love is sacrificing, but Danica. She used to have this selfish love. Iyon ang paniniwala niya. I can’t blame her, nagmahal lang siya, yun nga lang, sa lalaking may mahal ng iba, best friend niya pa.

Nakakalungkot lang isipin na lalaki lang pala ang bubuwag sa friendship nilang dalawa. Ang tatag ng friendship nila, they treat each other as sisters. They love each other, until love takes over.

Kung ano man ang mangyayari sa story nilang dalawa ay walang nakakaalam, pero... isa lang ang wish ko, sana matagpuan na nila ang lalaki para sa kanila at magkapatawaran na silang dalawa.

Hindi man maibabalik ang samahan nila noon, at least, maging civil man lang sila sa isa’t isa, hindi iyong katulad ng ginagawa nila ngayon, nag-iiwasan, nagpapaligsahan at nagtuturingan na magkalaban.

LOVING MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND!!~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon