chapter 32 >P R O B L E M S<

3.8K 34 21
                                    

DANNA’S POV...

 

“DANICA?” sabay naming sabi ni Jayden ng mapalingon kami sa pinanggalingan ng boses na nagsalita...

Nagpatakan ang mga luha niya, tapos galit siyang lumapit sa aming dalawa...

“what do you think you two doing?” galit na sabi niya.. kumalas ako sa pagkakayakap kay Jayden...

Naguguluhan ako, bakit ganito siya...

Bakit nagkakaaganito ang kakambal ko? Bakit sobrang galit siya...

“Danica, don’t act as if you’ve been cheated...” simpleng sabi ni Jayden... pero may diin...

Pinaghahampas ni Danica ang dibdib ni Jayden.. “bakit ba ganyan ka? Una, yung bestfriend ko, tapos ngayon naman, yung kakambal ko... bakit ba lagi mo kong sinasaktan? Gustong gusto mo kong nahihirapan... hindi pa ba sapat sayo na nasira kami ng bestfriend ko ng dahil sayo?”

 

“wag kang umarte na para bang kasalanan ko ang lahat Danica, ikaw ang sumira sa friendship niyo ni Yassie at hindi ako.. ikaw itong patuloy na lumalapit sa akin kahit alam mong nagmamahalan kami ng bestfriend mo... at tungkol naman sa aming dalawa ni Danna, magkaibigan lang kaming dalawa.. at higit sa lahat... hindi ko alam na kapatid mo siya..” sabi ni Jayden habang hawak nito ang dalawang kamay ni Danica na kanina’y panay ang hampas sa kanya...

So? Si Jayden... siya pala ang mahal ng kakambal ko.. kaya pala siya pamilyar... dahil siya yung lalaki sa litrato... tama, natatandaan ko na.. siya yung lalaking nasa litrato na kasama ng litrato ni Danica at Yassie...

Nagkakasira si Yassie at Danica ng dahil sa minamahal nila ang iisang lalaki... magulo nga ito, pero... kung si Jayden at si Yassie na...

Bakit hindi kayang magparaya ni Danica para sa Bestfriend niya?

“Ikaw naman, kapatid pa man din kita.. tapos, aagawan mo pa ako..” sumbat sa akin ni Danica...

“t-teka Dan... h-hindi ko naman alam na si Jay--”

 

“enough.. ayoko munang makausap ka..” sabi niya tapos inalis na ang pagkakahawak ni Jayden sa kanya...

Umalis na siya... hahabulin ko sana siya kaya lang pinigilan ako ni Jayden..

“hindi ito ang tamang panahon para magpaliwanag sa kanya... hayaan mo muna siya, lalo lang kayong magkakasira kapag kinausap mo siya ng mainit ang ulo niya..”

 

Tinitigan ko na lang ang pintong nilabasan niya.. hindi ko naman talaga alam na si Jayden yung lalaki sa picture ee.. at saka, wala naman kaming ginagawang masama.. bakit ba napakakitid ng utak niya? Ganoon niya kamahal si Jayden? Kaya pati bestfriend niya, kinakalaban niya.. at maging ako, kinamumunghian niya?

LOVING MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND!!~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon