chapter 40 >MAKE UP or BREAK UP??< [PART 2]

3.5K 40 17
                                    

JAYDEN’S POV...

 

Kanina ko pa dinadial ang number ni Yassie, pero hanggang ngayon, hindi niya pa sinasagot... siguro, ganun nga talaga siya kagalit sa akin... pero, hayaan muna sana niya akong mag’explain db??

Tokwa kasing yan, san ba nanggaling yung litratong yon?? Pakana na naman kaya ito ni Danica para magkasira kaming dalawa ni Yassie? Tss... Notorious na talaga ang isang iyon...

“Bro...” iniangat ko ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Jacob, he handed me a can of beer... tinanggap ko naman iyon...

Nasa may roof top kaming dalawa, at bawal mag-inom, pero dahil kasama ko ang anak ng may ari ng school, walang bawal-bawal...

“anong plano mo??” pagkaraan ay tanong niya...

Tiningnan ko siya, titig na titig lang siya sa harapan, malalim ang iniisip...

“I want to explain my side, I want to clear everything... mali ang pagkakaintindi niya sa mga nakita niya...” sagot ko.

“ewan ko, Malabo ata yang gusto mo, sobra syang galit sayo... hayaan mo na muna sya Bro, kapag lumipas na ang galit niya, saka mo na lamang siya kausapin... mahirap na, baka kung ano pa ang masabi niya...”

 

“naintindihan ko naman siya Bro, miski ako ee, kung nakita ko kayong naghahalikan, baka ganun din ang maramdaman ko...”

 

Bahagya siyang natahimik... wari’y nag-iisip ng sasabihin niya... ngayon ko na lang nakitang ganito kaseryoso si Jacob... at... ngayon ko nlang ulit siya nakitang masyadong malapit sa isang babae... sa babae pang mahal ko... hindi naman ako nagseselos sa kanya, na-iinggit lang ako, dahil siya, kahit anung oras niya gustuhin... makakalapit siya kay Yassie... samantalang ako?? Alam ko... sampung metro pa lang ang lapit ko sa kanya, ipagtatabuyan na niya ako...

“may nangyari ba sa inyo??” tanong niya, saka siya humarap sa akin...

Nabigla ako sa tanung niya... bakit niya biglang naitanung iyon...?? may alam na ba siya sa mga nangyari??

Teka....

Galit kaya sya sa nangyari?? Db... girlfriend niya si... DAN?

“galit ka ba sa akin Bro?? Maniwala ka, hindi ko talaga alam ang mga nangyari noong gabing iyon... at yung sinasabi mong nangyari sa amin ni Danica... sa totoo lang... wala akong matandaang kahit ano, nagising na lang ako na nasa iisang kwarto kaming dalawa at suot niya ang damit ko...”

 

Umikom ang kamao niya, naghihintay ako na suntukin niya ako, pero... hindi niya ginawa...

“alam na ni Yassie na may nangyari...”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko... alam na ni Yassie?? Teka... hindi ko pa nga alam kung may nangyari talaga ee... nakainom ako noon kaya paanong may mangyayari sa aming dalawa?? Bakit ni katiting wala akong matandaan??

LOVING MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND!!~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon