Chapter 12: Field Trip 2

36.3K 515 26
                                    

Zoey's POV

"Zoey.", seryosong sabi ni Ram. 

"Bakit ang weird mo ngayon, may sasabihin ka ba?", gumagalaw 'yung labi niya na may parang gustong sabihin pero walang lumalabas na tunog. "Do you want to poop? May tissue ako dito." seryoso ko ding sabi.

"Zoey, Ram! Tara na!", tawag ni Dani. 

"Pag-isipan mo uli 'yang gusto mong sabihin ah, usap tayo ulit mamaya." tumakbo ako papasok uit ng hotel at pumunta sa mga kumpol ng estudyante. Nagt-tour pa din si kuya Carlo sa mga students, well more like nakikipag-kwentuhan nalang. 

"Kuya!" sigaw nung mga babae. "May itatanong kami pwede?", sabay hagikgik at kurot at kilig. 

"Yeah, sure. Ano 'yon?" sagot ni Kuya Carlo.

"Uhm, may GF ka na ba?"

"Yes, meron na at engaged na kami.", mahinahon niyang sabi. What?

"Aw, sino po 'yung girl?", hindi sinagot ni kuya 'yong tanong pero ngumiti lang siya. 

"Ano?! Enganged ka na?!", sabi ko na hindi ko namalayang nalakasan ko ang pagkakasabi. Nagsitinginan sa akin 'yung mga estudyante. "I mean, ha? Engaged ka na?" tanong ko ulit na may mas mahinahong boses. 

"Yes Zoey? May problema ba doon?", tanong niya sa akin habang nakangiti. Mean. Humanda ka sa akin mamaya kuya.

"Ay wala naman, nabigla lang ako.", sabi ko habang awkward na nakangiti. Nagbubulungan sila na parang gusto akong hampasin. 

"Ok, doon naman tayo sa may mini zoo.", sabi niya. Huminga ako ng malalim. Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na engaged na sila?!

"Mini zoo?! May elephant ba?" Elephant?! Ang stupid naman nitong mga babeng to. Tumawa lang si kuya at kumindat sa akin. Inirapan ko lang siya at naglakad. Nagsasalita salita siya doon pero tingin siya ng tingin sa akin na parang tinatanong kung okay lang ako at nagso-sorry. 

Tinignan ko siya at bumulong ng "Im happy for you." Ngumiti lang siya at tinuon na ang mga pansin sa bwisit kong mga kaklase. 

"Uy, crush mo siya noh? Kaya ganyan ka maka react? 'Yun ba 'yung 'di ko alam nagseselos na ako ah!" pang-aasar ni Nathan sabay dutdot sa braso ko. 

"Bakit ka ba nagseselos eh ikaw naman ang gusto ko?", bulong ko kay Nathan. Nawala 'yung ngiti niya sa sa mukha at napalunok siya. 

Nathan's POV

Tangina. Hindi ako makahinga.

"Talaga? Gusto mo ako? Wala nang bawian ah!", sabi ko, pero alam kong nanginginig ang boses ko. Totoo ba 'to o sinabi niya lang para tumahimik ako. 

"Shut up! Nakikinig ako!", sabi niya na parang hindi siya nagtapat ng feelings niya sa akin. Gusto ko siyang yakapin bigla pero alam kong hindi niya 'yon gusto. Ang saya ko pero may halang guilt.

Diba pustahan lang 'to? Pwede ko namang bawiin eh, wala namang kwenta 'yon tsaka samin samin lang tatlo 'yon. Alam naman nila 'yong feelings ko so technically void na 'yon.  

Lumapit sa akin si Ram na nakangiti pero parang nang -aasar. 

"Narinig mo 'yon? Ako gusto niya. ", maangas kong sabi. Inakbayan niya ako. "Masaya ka pa diyan eh talo ka na nga! Ha-ha!" Pang-aasar ko.

"Oo,alam ko eh kung sisimangot ba ako, may magbabago? Magiging masaya nalang ako para sakanya. Hindi ito kompetisyon na kung matalo ka magmamaktol ka. Basta masaya 'yong mahal mo. Maiintindihan mo din pag nag-mature ka na.", sabi niya ng nakangiti. Loko to ah. "At kung sakaling maging kayo nga, don't ever break her heart or I'll break your bones." Anong kakornihan 'yon? Sapakin kita eh.

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon