CHAPTER 4: Pustahan

44.9K 544 19
                                    

Nathan's POV

Ipinatawag ako sa principal's office buti hindi na pinatawag si mama. Sa tatlong taon ko dito, maraming beses na akong pinatawag dito. It's basically my second classroom. Pagpasok ako, nagulat ko dahil nandoon si mama umiiyak. 

"Ma?" tumayo na sila at iniwan kami ni mama sa office. "Bakit ka umiiyak?"

"You will have to render 100 hours of community service as punishment for what you did to Zoey."

"Nag sorry na ako ma, you saw it."

"The darts incident?" Sa tatlong taon kong mga kalokohan, never akong nagkaroon ng punishment. Tapos ngayon? Nagsumbong ba siya? Kasalanan niya kung bakit umiyak mama ko ng ganito. 

"She called me monkey, she bullied me."

"Nathan, please grow up."

"And you agreed to that community service?"

"It's time for you to man up and be responsible for your actions. I told you, I cannot protect you anymore." Iniwan ako ni mama sa office. This is all her fault, alam kong nagsumbong siya. 

Pumunta ako sa cafeteria papunta sa mga kaibigan ko. 

"Pare, tignan mo 'tong binabasa ng kapatid  ko, ang corny ng love story, basahin ko daw para magka idea ako kung paano maging boyfriend." sabi ni Rick. "Eh walang kwenta naman 'to eh. Napakataas ng standards." 

"Gawin mo nalang kung ayaw mong mawalan ng girlfriend in the future."

"Gago. Mas pogi pa ako dito sa character na 'to. Tsaka ang lame ng kwento, magkagalit sila sa una tapos nagkapustahan kung maiinlove 'yung babae. Pero nagka-inlovan sila sa huli. Ha! Nakakakilabot."

"Kadiri boi, pero pwede 'yang prank ha."  sabi ni Reg. "Hoy pare! Paano kaya kung storya niyo pala ni Zoey 'yan noh? Sa huli kayo pala." tawanan sila.

"Kadiri pare. Maganda at sexy ang type ko, mga ala Gen Mercado. Wala pa sa kuko niya 'yung standards ko."

"Sus, ang sabihin mo kahit si Nathan King the Great hindi kayang mapahulog 'yang si Nerd. Mukhang wala kang binatbat oh. Hindi ka pa nananalo sa feud niyo." sabi ni Rick. 

"Ako? Hindi ko kaya? Ha! Kahit na kaya ko, ayoko. Iniisip ko palang na hahawakan siya nandidiri na ako." 

"Sabi nga ng mga bata, the more you hate the more you love." tawanan ulit sila.

"Mga tarantado kayo ha. 'Wag niyo akong sinusubukan." 

"Ewan ko kasi hindi talaga si Zoey 'yung tipo ng babaeng kayang paikutin ng kahit sino kahit pa man ikaw." sabi ni Reg.

"Ano ba naman pare! Akala ko ba magkaibigan tayo, sige pustahan tayo! Kapag hindi ko siya napasagot before Graduation,  may 10,000 ibibigay ko sa inyo EACH. Kapag ako nanalo, ako bibigyan niyo EACH. 

"Parang lugi kami non." sabi ni Rick.

"Ano? Deal?" 

"Talaga ba Nathan? Gago. Paglalaruan mo talaga 'yon? Baka ma expel ka ha?"

"Bakit ako mae-expel? Wala naman akong nilabag na school policy? Ano? Deal?"

"Oo na, bahala ka. Kailangan namin ng results." Eto na ang ultimate revenge ko. Tignan lang natin kung hindi ka matinag dito. 

Kailangan kong mag-plano. Kailangang kapani-paniwala lahat. 

"Hoy Ung- ..." tawag ni Zoey pero hindi ko siya pinansin. Siguradong nag-iisip na 'yon kung bakit hindi ko siya pinansin. Tapos iisipin niyang sumuko na ako. Hindi ko lang siya papansinin hanggat sa ma-miss niya. May isang taon ako para i-accomplish 'tong plano ko.

Nakasalubong ko nanaman siya pero wala man lang death glare or pang-aasar na naganap. Talagang hindi na rin ako papansinin? Magaling 'tong magpanggap ha. 

"Hoy pre, hindi naman umeepekto 'yang pa-miss effect mo. Mukhang wala talaga siyang pakialam kung pansinin mo siya o hinde. Tignan mo oh, mas masaya siya ngayon." sabi ni Reg.

"Ganyan siya ka galing magtago ng feelings."

"Anong feelings pinagsasabi mo?

"Hindi niyo ba nage-gets? May gusto na 'yan sa akin." natigilan sila at tumawa.

"Bro, may tama ka na sa utak." Pinalipas ko ang isa't kalahating buwan para buuin ang image ko na hindi siya inaasar. 

Zoey's POV

Nasa Canteen kami nang lumapit sa amin 'yung grupo nila Nathan. Tinaasan ko sila ng kilay habang sila mukhang inosenteng umupo sa tabi namin. Umupo si Rick sa tabi ni Carol, si Reg naman sa tabi ni Dani at si Nathan sa tabi ko.

"Is this some kind of a joke? Akala ko tumigil ka na Monkey?" pinagtitinginan kami ng mga tao. "What do you want?" sabi ko pero nakatitig lang siya sa akin at nakangiti. Iba 'yung ngiti niya sa akin ngayon, may halong pagpapa-cute. Yuck. 

"Gusto sana kitang makausap." sabi ni Nathan

"Wala tayong dapat pag-usapan. Hindi tayo friends, wala tayong similarities. Kaya if you don't mind, we want to eat peacefully away from those glaring eyes"sabi ko sakanya at tinulak siya papalayo pero lumapit uli siya sa akin. 

"Sige na." sabi niya na may ngiti. 

"Anong gusto mong sabihin? Na may kalokohan ka nanamang gagawin?! Na kukunin mo nanaman 'yung mga picture ko at gagawin mong target?" 

"Sorry." sabi ni Nathan. Sorry?! Halos mabilaukan si Dani at Carol sa narinig nila.

"Ikaw? Nagso-sorry?" sabay nilang tanong.

"Sorry? Anong nakain mo? Ano ba nanamang kalokohan 'to?" sabi ko. Nagbubulungan na 'yung mga tao sa paligid namin. Nakita ko na mukhang nag-aalala na din si Dani at Carol pero kinakausap naman nila si Rick at Reg. 

"Seryoso ako, pwede mo ba akong bigyan ng second chance?" I'm confused. 

"Anong akala mo sakin? And I never gave you a first chance to begin with."

"Sana maintindihan mo, nagsisisi na ako sa lahat." sabi niya na parang naiiyak. Does he really think I'm gonna fall for this? Knowing him, may niluluto nanaman 'yang kalokohan sa utak. 

Pero nakakainis bakit ganun, parang sincere yung mga mata niya? Ah hindi! Hindi ako maniniwala, this is the very thing he expects! I'm not gonna fall for that. 

"Magkita tayo mamaya, sa likod ng school hihintayin kita." sabi niya ng pabulong at tumayo na sila at kumindat si Reg at Rick kila Carol at Dani. Ew. Pero nag blush pa tong dalawang gaga! 

At ano daw? Kami magkikita? Bakit? Anong kalokohan nanaman to? 

"Pupunta ka ba?" tanong ni Carol.

"Hindi. Sino siya para utusan ako?" 

" Mukha siyang sincere, ngayon ko lang nakitang ganyan si Nathan, Zoey. I mean, is it really possible that he likes you?"

"Paano ka nakaabot sa conclusion na 'yan Carol?" 

"Well, ganon sa mga movies diba? Pag biglang bumait ibig sabihin pinatino mo siya, oha!"

"That doesn't happen in real life silly, If you based your personality changes on people you like, that's not real change. If that person betrayed or hurt you, you will go back to the same damn person that you are. But if you changed because you really want to change, that's something real." sabi ko. 

"So ano nga? Pupunta ka ba?"

Pupunta ba ako? 

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon