Chapter 11: Field Trip 1

39K 590 54
                                    

Nathan's POV

Hindi muna kami nagpansinan ni Ram matapos nung paguusap namin. Dehado ako kasi hindi ganoon kadaling lumapit kay Zoey. Sobrang sweet nila sa isa't isa, parang may relasyon na. Hindi ako magpapatalo.

"Zoey oh! " Binigyan ko siya ng tubig, ubos niya na yung isang litrong tubig na binaon niya Masyado namang dehydrated to oh. 

"Ako? Hindi mo ako bibigyan?" tanong ni Dani. 

"Kay Reg ka humingi." sagot ko. Kukunin na ni Zoey 'yung tubig pero umepal si Ram.

"Eto nalang Zoey oh, buko Juice ako pa mismo ang kumuha niyan dun kay aling mameng." sabi ni Ram

"Yehey! Sorry Nathan, sayo  nalang yan! Uy daming buko. Ikaw nalang uminom niyan, dried nadin lips mo." Napatunganga ako at bumalik sa kinauupuan ko. Ngumiti si Ram sa akin habang umiinom sila ng Buko Juice. 

Ininom ko ang tubig, siguro nga kelangan ko to  para bumalik lakas ko. Ako naman ang babawi mamaya. 

Zoey's POV

Anong nakain nung dalawa? Bakit biglang naging gentleman at nag offer ng tubig? Hindi na ako nagtaka kay Ram kasi gawain niya yun pero kay Nathan?

Nakinig muna ako ng music, at saktong 'yung kanta ni Katharine Mcphee na Terrified ang nag play. Nakakasenti. Naalala ko si Nathan. Bakit nga ba hindi ko siya bigyan ng chance? Mukhang nagbago na siya, hindi naman na siya gaano masungit sa iba at sa akin.

Nagulo ako sa pag-iisip ko nang nagising si Dani.

"Nasaan na tayo? Baguio na ba?" tanong niya. 

"Wala pa, pero malapit na." sagot ko. Tinignan niya ang oras at tumulala. "Huy, kamusta na pala kayo ni Reg? Lover's quarrel nanaman?" 

"Medyo pero okay lang. Magbabati naman na kami mamaya. Be, sa tingin mo ba masyadong mabilis na naging kami?" tanong niya sa akin.

"Para sa akin hindi, kasi crush niyo na ang isa't isa matagal na eh. Siguro, timing lang. Tsaka ano nang score dun kay Carol at Rick?"

"MU na ata." sabi ni Dani na may tawa.  "Ewan ko nga parang si Carol na yata ang magpapa amo kay Rick eh. Ang bait niya na ngayon. Kinausap niya pa nga yung mommy ni Carol eh at pinayagang siyang manligaw, kaya nanliligaw na si Rick ngayon.  Ano 'to tayo tayo nalang magkaka-inlovean?" tumawa nalang kami ni Dani. 

" Sa tingin mo si Reg na ang makakatuluyan mo?" tanong ko kay Dani.

"Girl, hindi kasi ganyan ang pananaw ko sa buhay, ang sa akin, take it easy. Ang bata pa namin para malaman kung siya na ang papakasalan ko. Tignan natin, sa college siguro." sabi niya. "Alam kong ikaw gusto mong 'yung susunod siya na diba?" tumango ako. 

"Ayoko na kasing magpaulit ulit lang nanaman sa cycle." sabi ko.

"Gets ko, pero i-enjoy mo lang 'yang mga ligaw ligaw na ganyan sa ngayon. Nasa'yo pa din naman kung papasok ka sa relationship eh. " sabi niya. Nag-usap pa kami hanggang sa makatulong uli. 

Nagising kami sa announcement na malpapit na kami sa Baguio. 

"Ok students, malapit na tayo sa destination natin dederetso muna tayo sa hotel nila Mr. Mercado. So 'yung mga seatmates niyo din ang mga ka room mates niyo ah." 

"Yes ma'am." sabi naming lahat. Nakarating na kami sa Baguio at di nagtagal sa hotel na tutuluyan namin. Pumasok kami sa hotel at laking gulat ko nang nakita ko ang  malaking family picture namin sa lobby! Dahil nga family themed, house eto, mukhang isang malaking mansyon ng pang-pamilya. 

Kinuha na Bellman ang maleta ko at tumitig siya sa akin sa parang may iniisip. One thing na standard nila ay alamin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng owners. Mukhang nag profiling ng mabuti eto si Kuya. "Ma'am, may kamukha ka." ngumiti lang ako at iniwas ang mukha ko sakanya. Lumapit ang lahat sa malaking picture namin. 

"Ito ang family picture ng mga Mercado this is Mr. and Mrs. Mercado together with their two children. Zo-I mean Gen Mercado and Carlo Mercado." sabi ni Ma'am Sanchez sabay tingin sa akin. That means alam niya. 

"Uy Zoey kamukha mo si Gen oh! Parehas pa kayo ng apelyido." sabi ni Nathan. Nagtinginan kaming apat nila Dani. 

"HA?! HINDI! HINDI NOH!HINDI KO SILA KAANO-ANO." napasigaw ako, pinagtinginan ako ng mga tao.

"Oh, Zoey, relax joke lang 'yon." sabi ni Nathan. Not everyone knows that my whole name is Zoey Genesis. Habang nagsisigawan yung mga babae dahil sa picture ni kuya Carlo. Ang bata niya pa diyan ha. 

"Ahh!Si Carlo!!! Ang cute niya talaga! Sana nandito siya!" tili nung ibang babae. 

"Students, nandito nga talaga siya." Huh? Nandito si kuya? Oo pala eto yung sinabi niyang aasikasuhin niya dito. What's new siyempre hindi ko nanaman alam. 

"Hello, Im Carlo. Call me Kuya Carlo nalang para masaya. So all of you are High School students right?"

"Yes Kuya!" with their ridiculously high pitched voice. Hindi ako nakikinig sa kanya, pinagmamasdan ko yung hotel. Napaka cozy and warm, bagay na bagay sa ambiance. 

"Right Zoey?" nabigla ako nang tawagin ako ni kuya. Sinenyasan ko si kuya ng mukha kong galit.

"Y-yes kuya? Paano niyo po nalaman pangalan ko?" Kunyari kong sabi  dahil nagtatanong na 'yung mga kaklase ko..

"Friend kita sa Facebook." Napaka-pangit ng palusot. Ngumiti lang ako at hindi na tinignan ang mga nagtitinginang mata. 

"Ok, I will personally tour you in our hotel for an hour and after that you can take your lunch. Pinapasok ko na yung mga gamit  niyo sa kanya kanyang rooms kaya dedereto nalang kayo mamaya." Kinindatan niya ako, could you be more obvious kuya? 

"Uy, crush ka ata nung Carlo na yun ah!" sabi ni Nathan na sumulpot nanaman kung saan. 

"Ano ba?! Kung saan saan ka na lang sumusulpot!"

"Eh kanina ka pa niya kinikindatan eh, naiinis ako." sabi ni Nathan. This man never failed to make me cringe and at the same time feel these butterflies in my stomach. Ugh. 

"Wala ka kasing alam." sabi naman ni Ram. Isa pa 'tong biglang sumululpot bigla. Nagulat ako nang hinila ako bigla ni Ram papuntang garden.  

"Ano 'to drama? Sakit ha." sabi ko habang hinhimas 'yung wrist ko sa lakas ng pagkakahawak niya. 

"Zoey..." 

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon