twitter - 21(two)

858 37 2
                                    

Ara's POV

Congrats, Victo! :) Matanda ka na talaga, isa ka ng pabigat sa Pilipinas. Hanap agad trabaho ah. Hahahaha. Sorry pala di ako nakapunta ha? Busy lang talaga. Bawi ako soon, basta punta ka sa graduation ko next week ha? May sasabihin ako sayo. 

Kakabasa ko lang ng text sakin ni Mika, kakadating lang namin dito sa bahay. Dito kasi yung reception, parang family reunion nadin namin kasi yung mga kamag anak ko sa Pampanga, lumuwas pa talaga para maki-celebrate sakin. Wala pa yung Lady Spikers kasi may training pa sila hanggang 6pm kaya panigurado gabi na makakapunta mga yon at nangangamoy overnight nanaman sila dito dahil magkakatamaran nanamang umuwi. Ganun yung routine namin tuwing napupunta sila dito sa bahay namin sa QC. 

Pagtapos ng walang katapusang thank you sa lahat ng nag-congrats sakin, nagpaalam ako kay Mama na magpapahinga lang muna ako sa kwarto, at tawagin nalang ako kapag andyan na ang team. Nagbihis ako ng casual na damit at humiga na sa kama. Hay! Ang sarap talaga humiga sa kama, pero mas masarap sana kung katabi mo yung taong mahal mo. Speaking of taong mahal ko, magrereply na muna ako kay Mika.

Okay lang yun, Ye! Syempre pupunta ako sa graduation mo. Ano ba yang sasabihin mo? Hmmm. Oh, wag mo kalimutan na magpahinga padin kahit na madami kang ginagawa ha. Take care always. Xx.

Tinabi ko na muna yung phone ko at pumikit.

-

--

---

----

-----

"Wafs? Gising na andito na kami ng mga bata." narinig kong boses at tinatapik tapik ako sa pisngi. Pagdilat ko, nakita ko agad si Kim. Bumangon naman ako sa kama at umupo. Nanatili syang nakatayo kaya nagtanong ako sakanya.

"Kanina pa ba kayo andito?

"Kani-kanina lang, wafs. Pinagising ka sakin ni Tita."

"Tara baba na tayo. Para makakain ka na."

Pagkababa namin sinalubong agad ako ng Lady Spikers at may gift silang mga binigay sakin, yung iba daw galing sa fans. Nag-note nalang ako mentally na magt-thank you ako sakanila pag nag-twitter na ako. Niyaya ko na silang kumain at dumiretso kami sa may bakanteng table sa may garden. Mga pinsan ko nalang na ka-age ko yung natira, nagkakantahan sila. Yung mga ibang kamag anak ko ay nasa taas na at natutulog. Mag-10pm nadin kasi at alam nyo naman sa probinsya, maaga matulog ang mga tao don.

Panay kwentuhan at tawanan kami sa table dahil nagsisimula nanaman silang mag-asaran. At ang topic? Ayun, KimCy. Nagsimula nanaman kasi si Kianna na pansinin yung mga maliliit na bagay kay Kim at Cyd.

"Bossing, nakita ko yon." sabi ni Kianna habang taas-baba ang kilay.

"Ano nanaman yon, Kim Kianna Dy?" asar na tanong ni Kim.

"Yung dalawang hipon na binalatan mo, hindi mo kinain tapos binigay mo kay Ate Gurl." sinadya ni Kianna na lakasan yung boses nya kaya narinig ng teammates namin.

"KimCy is real!"

"It-tweet ko nga to. Hahahaha."

"Layag, KimCy!!!"

Yan ang reaksyon ng mga teammates namin. Walang kibo si Cyd at tumatawa tawa lang. Lagi yang ganyan, walang sasabihin pero sa twitter hugot naman ng hugot. Halata padin. Di nalang kasi umamin! Hahahaha

"Didit, may napansin ako sayo." sabi ko kay Cyd kaya napatingin naman sya sakin.

"Ano yun, Arabells?" tanong sakin ni Cyd habang busy kumain ng hipon 

"Yung necklace mo. Ang ganda. Kanino galing yan? Kianna, tignan mo oh. Ganda ng necklace ni Didi----ARAY!!!" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil sinipa ni Kim yung paa ko sa ilalim ng mesa. Pero too late, napansin na ni Kianna.

Yung necklace na suot ni Cyd, bigay yan ni Wafs. Sinamahan ko pa nga sya mamili nyan eh, at goal ko talaga ngayon na paaminin silang dalawa. Tinignan ko ng nakakaloko si Kim at nakita ko itong umirap. Taray, te? Hahahaha

"Oo nga, Ate Gurl. Ang ganda, bago to no? Ngayon ko lang napansin. Patingin ako." sabi ni Kianna at lumapit kay Cyd para hawakan yung pendant. Nakita ko si Kim na di mapakali dahil sa oras na ibaligtad ni Kianna yung pendant, makikita yung naka-engrave na letter K.

"OH MY GOD. SABI NA NGA BA!" sigaw ni Kianna, at nakuha nya ang atensyon naming lahat. Nakita ko si Kim na napatakip nalang ng mukha nya.

"Kianna, bakit?"

"Gurl, anyare sayo?"

"YUNGPENDANTSANECKLACENIATECYDMERONGLETTER'K'SALIKOD." mabilis na sabi ni Kianna at kilig na kilig pa. Kawawa si Dawn, niyugyog ba naman ni Kianna.

At ayun, nagsigawan at kinilig na mga teammates namin. Si Cyd naman tumatawa nalang. Bigla namang nagsalita si Kim.

"Oo na. Oo na. Nililigawan ko si Cyd."

Mas lalong umingay yung table namin at hindi na sila mapigilan sa mga hampasan sa isa't isa. Lalo na si Kianna at Aduke. Jusko kawawa si Dawn sa gitna nila, panay iwas sa mga palo na pwedeng tumama sakanya.

Nakatanggap naman ako ng batok mula kay Kim. 

"Aray! Para saan naman yon, Wafs?

"Gago ka. Pinaamin mo ko ng wala sa oras."

"Eh ano naman? Deserve nila malaman yon. Tsaka, tignan mo. Lahat sila masaya para sainyo ni Didit."

"Oo na, wala naman ako magagawa. Inamin ko na eh. Oo nga pala, balita sainyo ni Mika?

"Wala, ganun padin. Pero may plano na ko sa graduation nya. Nagtext din sya kanina na meron daw syang sasabihin sa mismong araw na yun eh."

"Ready ka na ba, Vic?"

"Para kay Ye. Oo naman. Ang dami kong narealize eh. Mali na hindi ko man lang sya pinakinggan muna. Nagpadala kasi ako sa galit at sakit masyado."

"Basta ang importante, aayusin mo na. Mahal mo, diba?"

"Oo naman, Kim. Mahal na mahal."

Naging masaya yung gabi, nagkantahan kami. Sumayaw pa sila Aduke at syempre hindi padin nakaligtas sa asaran si Kim at Cyd. Sayang wala si Mika, alam kong miss na nya ang teammates ko. Pero soon, makakasama na ulit nya mga to.

---

Author's Note:

May isa pang update mamayang gabi. Abangan nyo ha! HEHE. Bukas ip-post ko yung last chapter ng story na to. Pinagiisipan ko pa kung gagawan ko ng Book 2 eh. 

Sorry pala, di nakapag-update agad. Pero ito na! Happy reading mga ka-pakwan!!!

twitter: pakwanlifetime

twitterΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα