twitter - 16

994 36 10
                                    

!!PLEASE READ & PARTICIPATE!!

Naalala nyo dati yung nagpa-#AskVSG ako dito sa story ko? It will happen ulit, pero this time #AskKARA na siya dahil si Mika at Ara na dito sa story ko (and sa future, kapit lang). Please participate guys hehe, you can message me here or dm me sa twitter para sa questions nyo sa KaRa, yung related sa story dito ah. \

Thank you!!

twitter: pakwanlifetime

----

Ara's POV

8 months after

"Huy bruh, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kim. 

"Kinakabahan talaga ako, Wafs." sagot ko sakanya. Pinagpapawisan na nga ako pero naka-aircon naman tong venue. Andito kami sa isang private resort sa Batangas. Yes, kela Kim to. Dito ko naisip na i-set up yung monthsary surprise ko for Mika.

Oo, 8 months na kami and going strong padin. Natapos nadin yung UAAP Season at naibalik na namin ang korona sa Taft. Sila Mika naman ay hindi nag-succeed but nakatanggap sya ng award na Best Blocker and sobrang proud ako sakanya. Ilang months nalang din ay g-graduate na kaming dalawa kaya itong surprise ko, medyo pang-future nya. Siya kasi yung gusto kong makasama sa future ko eh.

"Daughter F, andyan na sila." biglang lumapit sakin si Ate Aby na nakasilip sa pintuan kanina pa. Siya kasi ang look out kung malapit na ba si Mika dito sa venue. Ang sumundo kay Mika ay si Cienne at Didit. Umayos na kami sa pwesto at hinihintay na pumasok sila Mika sa pinto.

"Nasaan ba kasi tayo, Didit at Cienney?" narinig ko na si Mika at di nagtagal bumukas na yung pintuan. Naka-blindfold sya, ginu-guide ni Cienne at Didit. 

"Andito na tayo, Yeyerz. Teka may ikakabit lang ako sa bewang mo." sabi ni Didit at kinuha yung palda na parang gown para ikabit sa waist ni Mika. Mukha na syang naka-gown at sobrang ganda talaga nya.

Sumenyas sakin si Cienne ng 3...2...1 bago tinanggal yung blindfold ni Mika, hindi nya agad nakita yung set-up dahil naga-adjust pa yung mata nya. Nang ma-realize nya yung nasa paligid nya, napatakip sya agad sa bibig nya. Naluluha pero alam mong nakangiti sya.

Nagsimula ng tumugtog yung Torete, nagsimula ng maglakad si Mika papalapit sakin. Ako? Nakangiting naghihintay lang dito.

Sandali nalang,

maaari bang pagbigyan.

Aalis na nga,

maaari bang hawakan ang

iyong mga kamay?

Sana ay maabot ng langit

ang 'yong mga ngiti

Sana ay masilip.

Nakatingin lang kami sa isa't isa habang naglalakad siya. Nung medyo malapit na sa kalahati si Mika, inabot sakanya ni Mowky yung bouquet. 

Wag kang mag-alala

di ko ipipilit sayo,

kahit na lilipad 

ang isip ko'y torete sayo.

Nakadating na sa harap ko si Mika, at hinawakan ko agad ang kamay nya bago siya inalalayan sa altar na naka-set up dito sa garden (garden sya but naka-close kaya may aircon, may garden wedding talaga na nagaganap dito) ng resort nila Kim. Dumating naman ang nagkunwaring pari na si Kiefer. Oo, naging close na samin si Kiefer kahit na isa pa syang agila at rivals ng school namin. Mabait naman ito at harmless.

twitterWhere stories live. Discover now