twitter - 7.2

1.5K 53 8
                                    

Mika's POV

"Hi Ye." bati ni Ara pagbaba nya ng kotse. Ang tagal bago nagprocess sa utak ko na andito talaga si Victonara Galang sa harap ko. Siniko ako ni Jessey, kaya nabalik ako sa wisyo.

"Hello Ara. Uhm, ano ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Lumingon ako kay Jessey na nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Di man lang nya ko inabisuhan na si Ara pala yung susundo na sinasabi nya.

"Uhm, sinusundo ka? Gusto sana kita ihatid pauwi. May ibibigay din kasi ako sayo." sagot ni Ara. Ha? Ihahatid nya ko pauwi at may ibibigay sya sakin? Sana puso nya. Ay char. Ang harot mo, Mika!

"Sabay kasi kaming uuwi ni Jessey eh. Next time nalang? Tara na, Bf." sabi ko at nilingon si Jessey. Oh? Saan nagpunta yon? Aish!! Hindi ba obvious, Mika? Iniwan ka para sure na sasama ka kay Ara. Pero di po ako prepared!! Huhuhuhu. Narinig kong tumawa ng mahina si Ara, malamang kanina nya pa alam na umalis na si Jessey. Hindi ko napansin na nakalapit na sakin si Ara, naramdaman ko nalang yung kamay nya na hinawakan ako sa wrist at hinila papasok sa sasakyan nya.

Tahimik kaming pareho, di ako nagsasalita kasi wala naman akong sasabihin. Di rin sya nagsasalita at nagf-focus lang sa pagmamaneho. Napansin kong alam nya yung daan papunta sa bahay namin. Bigla kong naisip yung dala ni Jessey kaninang mga pagkain. Itanong ko kaya? Kaso, pano kung pinagt-tripan lang pala ako ni Jessey? At hindi naman si Ara may dala non? Eh di napahiya pa ako.

"Nagustuhan mo ba yung mga peach mango pie na dala ni Jessey?" pagbasag ni Ara sa katahimikan. Okay, di ko na kailangan magtanong kasi andyan na mismo yung sagot.

"Oo, salamat nga pala. Di mo naman kailangan bumili ng ganon karami na pagkain." sagot ko sakanya at ngumiti lang ito tsaka tumango pero nakatingin padin sa daanan.

"Sabi kasi ni Jessey, pagkain binibigay nya sayo tuwing napipikon ka sakanya eh. Kaya bumili ako ng mga gusto mo, diba napikon ka sakin? Sorry pala dun, Yeye ah. Di ko na uulitin. Promise." malambing na sabi ni Ara at hinawakan pa yung kamay ko, para lang ma-assure na sincere sya. Nakaramdam ako ng kuryente nung hinawakan nya ko. Tumango nalang ako at hindi nakapagsalita kasi parang anytime sasabog na ko sa kilig.

Nakarating kami sa bahay, nandito na si Mikole, Miko at Mama. Hindi ko na kailangan ipakilala si Ara dahil kilalang kilala na ito ng pamilya ko. Duh? Forever crush ko si Ara Galang at alam ng pamilya ko kung gaano ako ka-die hard fan. Binigay nadin pala sakin ni Ara yung mga groceries na binili pa nila ni Jessey, nalaman ko nadin na finollwback nya ito at nag-dm para humingi ng tulong sa pags-sorry sakin. Ang sweet, kinilig ako. Akalain mong mage-effort ang isang Ara Galang sa fan na si Mika Reyes? Hahahaha. Habang nagk-kwentuhan sila Ara at Mama sa sala, umakyat ako sa kwarto para magpalit ng damit dahil may pupuntahan daw kami ni Ara, nagpaalam naman sya kay Mama at pumayag ito. Ibabalik din daw nya ako bukas ng mumaga dahil may training kami sa tanghali. Kinuha ko lahat ng mga kailangan ko, pati yung phone ko na kanina pang umaga nakacharge.

Pagkababa ko, inaya na ako ni Ara umalis at nagpaalam na kami sa pamilya ko. Si Papa naiwan sa Bulacan dahil may inaasikaso pa. Sumakay kami ulit sa kotse nya, pero ngayon hindi na gaanong awkward kahit na tahimik. In-on ni Ara ang radyo na naka-connect sa bluetooth ng phone nya kaya sya namili ng kanta.

Intro palang nung kanta, napangiti na ako. Favorite ko to eh! Favorite din to ni Ara?

"Alam mo, gustong gusto ko tong kanta na to." sabi nya habang nakangiti.
Nginitian ko sya pabalik at sumagot "Ako din, ringtone ko nga to eh." at sabay naming kinanta na parang theme song namin tong dalawa.

Sandali nalang,
maaari bang pagbigyan?
Aalis na nga,
maaari bang hawakan ang iyong mga kamay.
Sana ay maabot ng langit ang yong mga ngiti,
sana ay masilip.
Wag kang magalala, di ko ipipilit sayo.
Kahit na lilipad, ang isip ko'y

"Torete sayo." sabay naming kanta, napansin kong tumingin sakin si Ara kaya tumingin din ako sakanya. Nginitian nya ako, at pucha. Kahit sinong ngitian ni Ara for sure mai-in love agad sakanya. Nawala na yung awkward silence saming dalawa at nagsimula na kaming magusap. Niyaya ko syang magpicture sa phone ko, para itweet sana. Pumayag naman sya at sinabi sakin na gamitin ko din daw twitter nya at i-retweet yung tweet ko. Sa pags-scroll ko sa twitter, nagets ko na kung anong trending yung sinasabi ng teammates ko, #MikaReyesForgiveAraGalang at sino pa nga ba ang pasimuno? The one and only, Jessey De Leon.

@mikareyesss: off to idk ayaw sabihin ni @VSGalang kung saan kami pupunta. 😂

Napansin ko na nasa Tagaytay na kami, nagpark si Ara sa isang tahimik na lugar tapos naglatag sya ng pwedeng higaan at pinatabi ako sakanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napansin ko na nasa Tagaytay na kami, nagpark si Ara sa isang tahimik na lugar tapos naglatag sya ng pwedeng higaan at pinatabi ako sakanya. Nakatingin lang kami sa mga bituin sa langit, sinusulit ang tahimik na paligid at dinadama ang preskong hangin. Tinignan ko si Ara at nagp-phone ito. Biglang may nagnotif sa phone ko.

@VSGalang: stargazing with @mikareyesss maganda yung stars, pero mas maganda ka 😍🍉
@mikareyesss: @VSGalang bolera 🙄 pero, anong connect ng pakwan? 😂
@VSGalang: @mikareyesss napindot ko lang talaga yan by accident 😂
@mikareyesss: @VSGalang maybe 🍉 will be our always? 😂😂😂
@VSGalang: @mikareyesss 🍉?
@mikareyesss: @VSGalang 🍉. pero bakit pa tayo naguusap magkatabi lang naman tayo 😂

Hinintay ko magreply sa tweet ko si Ara pero napansin kong nakaharap sya sakin, umayos ako sa pagkakahiga at humarap din sakanya. Ang tagal na naming nagtititigan, walang nagsasalita, walang umiiwas ng tingin. Pakiramdam ko kaming dalawa lang tao sa mundo.p, at ang tanging naririnig ko lang yung malakas na kabog ng dibdib ko.

"Mika." pagbasag nya sa katahimikan, hindi ako sumagot dahil hinihintay ko kung anong susunod na sasabihin nya. "... gusto kita." nung narinig ko iyon, automatic na napangiti ako. Nilapit nya yung mukha nya sakin ng dahan dahan, nakatingin lang ako sakanya, ayoko gumalaw kasi baka magising ako at malaman kong nananaginip lang pala ako. Pero, napatunayan kong totoo ang nangyayari nung naramdaman ko ang labi nyang nakalapat na sa labi ko.

---
Author's Note:
Kinikilig ako habang tinatype ko to, KaRa fan fics nalang talaga nagpapakilig sakin. Sana totoo tong ganap na to eh no? Mygad. #TeamPAKWAN

Btw, credits sa mga pictures na gagamitin ko simula sa mga susunod na chapter, kung magamit ko man sainyo please tell me para mabigyan ko kayo ng credits. Nakuha ko lang kasi to sa fan accounts ng KaRa sa twitter.

twitter: pakwanlifetime

twitterWhere stories live. Discover now