Kabanata 1

122K 2.8K 415
                                    

KABANATA 1

Year 1951

GUSTO na lang maiyak ni Lass sa sinabi ng doktora. Hindi pa rin siya buntis. Tatlong taon na nilang sinusubukan ni Arc ngunit wala pa rin. Napakalakas ng tibok ng puso niya habang pauwi ng mansyon. Anak na nga lang ang tanging susi upang manatili sa kanya ang asawa ngunit bigo pa rin siya!

"Huwag ka nang malungkot, Lass. Puwede pa naman niyong subukang muli," sabi pa ng Mama niya na sinamahan siya sa doktor kanina.

Napailing siya. "Mama, batid mong hindi normal ang pagsasama namin ni Arc. Alam mong pinilit niyo lang ang pagpapakasal niya sa'kin dahil isa akong Salamanca."

Napakunot-noo ito. "Aba't tradisyon iyon ng pamilya nila at pamilya natin. Ang mga Salamanca at mga Valleroso lang ang puwedeng magka-isang dibdib at bumuo ng pamilya. Kayo ang tunay na itinakda."

Pinagpawisan nang malapot si Lass nang matanaw na ang mansyon nila. Batid niyang nakauwi na si Arc mula sa ospital. Isa itong doktor sa puso sa "Provincial Hospital of Monte Amor".

He had taken care of hearts for years since he became a licensed doctor. Kinagigiliwan ito ng mga tao ng Monte Amor. Lalo na siya...

However, Dr. Gottfried Archelaus S. Valleroso was always breaking her heart since their marriage began. Kung gaano ito kagiliw sa mga pasyente ay ganoon ito kalamig sa kanya. Ang pagkakaroon lang ng anak ang natatanging pag-asa upang manatili silang kasal nito. Yet, three years had passed but... Lass can't give him a child.

"Hija..." dalo ng ina sa kanya nang magsimula na siyang humikbi. Ilang beses na siyang nabigong magdalang-tao. "Sa palagay ko naman ay hindi magagalit si Archelaus. Maiintindihan ka niya basta't sabihin mong hirap ka sa pagbubuntis."

Iyon pa ang isa. Wala kay Arc ang problema. Nasa kanya! Lalong magkakaroon ng rason si Arc para ituloy ang pagbubuwag nila.

"Mama..." nasambit niya na lang. Hindi niya masumbong rito ang mga kondisyon ni Arc. Oras na hindi siya nabuntis ngayon ay may dahilan ito upang sumama kay Victorina at hiwalayan siya.

Arc Valleroso can break his family's rule just to be with the one he truly loves. At siya? Hirap na sa pagkakaroon ng anak at iiwanan pa ng asawa!

Ginawa naman ni Lass ang lahat para kay Arc ngunit wala pa rin! Talo pa rin siya sa bandang huli!

"Punasan mo ang mga luha mo, Lieselotte. Magpaliwanag ka nang mabuti kay Arc. Doktor siya kaya't maiintindihan ka niya. At esposa ka rin niya, hindi siya susuko sa'yo..." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Mayroong itinakdang oras sa lahat ng bagay, anak. Siguro ay hindi pa ito ang panahon upang magkaanak kayo."

Tumango na lang si Lass. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng bestida at pinunasan ang mga mata. Isahang pagluha na lang mamaya sa oras na sinabi ni Arc na maghiwalay na sila.

"Mag-iingat ka, anak."

Bumaba siya ng auto at pilit nginitian ang ina. "Maraming salamat, Mama..."

Pagkaalis ng auto ay humugot siya nang malalim na hininga. Sinalubong siya ng mga katulong at kinuha ang kanyang sombrero't kalupi. Binuksan ng mga ito ang napakalaking pinto ng mansyon na gawa pa sa narra.

"Dumating na ba si A-Arc?" tanong niya sa mga ito.

"Nasa hapag na po ang Senyorito at nag-umpisa nang maghapunan."

"M-May dumating bang bisita rito kanina?"

"Si Madam Victorina po."

Napabuntong-hininga siya, nagsikip muli ang dibdib.

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Where stories live. Discover now