Kabanata 16

15.7K 818 257
                                    

KABANATA 16

Manila, Philippines

Year 1942.

"AT ANG napiling kumatawan para sa klase ngayong taon ay si..."

Nais din ni Arc na siya ang mapili. Ang pagre-representa sa klase ay isang napakalaking pribiliheyo. Magkakaroon ng paligsahan sa labas ng unibersidad. Matindi ang pagnanais niyang makuha ang posisyon. Nag-aral siyang mabuti para roon. He did not even play with any women for weeks! However, when he learned about Roy wanting to represent the class, too... Arc backed out.

"Ang napiling kumatawan para sa Paaralan ng Medisina ay si Roysten Mallari."

Napakalaking ngiti ang sumilay mula sa matalik niyang kaibigan. Halatang nagulat ang karamihang nakasanayan na kung sino dapat ang kinatawan.

Nanguna sa malakas na pagpalakpak si Archelaus. "Kaibigan ko 'yan!"

Sumunod sa pagpalakpak si Hakob. Ang isa pa nilang kababata at matalik na kaibigan ni Roy. "Mananalo si Roy para sa ating lahat!"

Mas inigihan ni Arc at Hakob ang pagpalakpak. Nagsunuran na rin ang lahat ng kamag-aral nila. Roy shyly smiled and stood up in front of the whole class.

"Buong akala ko ay ikaw ang mapipili," bulong ni Hakob sa kanyang tabi.

Ngumiti lamang si Arc at nagkibit-balikat.

Tatlong araw na ang nakakaraan nang kinausap siya ng propesor. Parehas sila ng nakuhang marka ni Roy sa pagsusulit. Ngunit mas ninanais ng ibang propesor na siya ang isali kaysa sa kaibigan. Arc has a pleasing presence while Roy appears too plain to make an impression. Tinabangan si Arc sa rasong iyon. Pipillin siya dahil mas lamang siya sa itsura? Roy should get it since he's more hardworking than he is. One more thing, Arc knows how much his best friend wanted to join the competition, too.

Ayaw ni Arc na maging itsapuwera si Roy. Mula pagkabata ay magkasama na silang dalawa. Parehas palagi ang eskuwela at klaseng napapasukan nilang dalawa.

At sa tuwina, si Arc ang laging napipili para sa kung ano-anong posisyon o paligsahan na nais din ni Roy maging bahagi. Noon, wala siyang magawa sa tuwing siya ang napipili. Nakalulungkot na ipinagtatapat sila ng kaibigan sa mga ganoong bagay at si Arc ang sa tuwina'y pinipili ng mga guro. Dahil maliban sa matalino ay hindi raw matatawaran ang kanyang itsura. Mas pinapaboran siya dahil sa kanya panlabas na anyo? What kind of reasoning is that? He's not joining a beauty pageant, is he?

Mabuti na lamang at likas na mabait si Roysten. Ayos lamang dito kung si Arc lagi ang napipili sa klase kahit na magkasing-husay lang sila. Subalit hindi manhid si Arc upang hindi maramdaman na matindi rin ang pagnanais ng kaibigan sa mga bagay na ibig niya ring makamtan. Kaya naman ngayong mas matatanda na sila, may kakayahan na siyang tumanggi at ipaubaya kay Roy ang nararapat din naman para rito.

"Nakagugulat na hindi isang Archelaus Valleroso ang kakatawan sa ating klase!" patuloy na wika ni Hakob habang pinapanood nila si Roy na kinakamayan ng propesor at ng mga kasama nila sa pag-aaral ng medisina.

Itinaas ni Arc ang mga braso at nag-inat. "Mabuting si Roy na ang napili sapagkat tatamarin lamang akong mag-aral hanggang sa kompetisyon. Mas masipag at matiyaga naman siyang tunay."

"Ang sabihin mo ay nais mo nang balikan ang mga babae mo!" kantiyaw ni Hakob, nakangisi.

Nagkatawanan sila ng kaibigan. Kung si Arc at Roy ay magkasundo sa pag-aaral, ito namang si Hakob ang katuwang niya sa paghahanap ng mga babae.

Pagkatapos ng klase ay magkasabay nilang nilapitan si Roy. Tuwang tuwa ito!

"Hindi ko 'to inaasahan! Ang nasa isip ko ay si Archelaus ang pipiliin."

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Where stories live. Discover now