Kabanata 18

14.4K 789 279
                                    

KABANATA 18

Nobyembre 4, 1951

"KINAUSAP na kita kaninang umaga sa inyo, Arc! Sinabi ko na sa 'yong mali pang magpatuloy tayo! Bakit pumunta ka pa rito?" matigas na singhal ni Victorina at itinulak si Arc palayo. "Hindi tayo magtatanan! Hindi ako sasama sa 'yo! May asawa ka at isa na 'kong hangal na pumayag pa sa relasyong ito!"

"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo!" Pagkatapos niyang talikuran si Lass, tatalikuran lang din siyang basta ni Victorina? "Akala ko ba'y mahal mo ako?"

Pinandilatan siya nito. "Matakot ka sa Diyos, Arc! Sising-sisi na 'ko sa pakikiapid! Nais kong itama na ang lahat simula ngayon. Magmamahal ako ng iba!"

Nagtagis ang kanyang mga bagang. Anong nangyayari at walang umaayon sa mga plano niya?

Kanina'y hindi niya inaasahan ang pag-amin ni Lass na mahal siya nito! Nagmamadali siyang pumunta ngayon kay Victorina kahit nakipagkalas na ito at ayaw nang sumama sa kanya. Nagmadali siyang umalis, palayo kay Lass sapagkat... sapagkat...

Goddamn it! Why is everything getting out of hand?!

"Pagkatapos ng lahat at saka mo 'ko magagawang talikuran?" sumbat niya pa kay Victorina.

"Sapagkat namulat na 'ko! Alam na ni Abel ang lahat at tatanggapin niya pa rin ako sa kabila ng lahat. Iyon ang tunay na pagmamahal na dapat kong pagtuunan ng pansin."

"Subalit tunay din kitang mahal!"

"Kung gayo'y bakit nandito tayo sa isang bawal na relasyon?! Kung totoo ang pagmamahal mo, bakit tuluyan ka pa ring nagpakasal kay Lass? Bakit hindi mo ko itinanan bago ang kasal? Bakit ngayon pa pagkatapos ng tatlong taon? Magpakatotoo ka na sa iyong sarili, Arc! Pakiusap! Gusto mo rin si Lass. Baka nga lihim na ginigiliw pa ng higit kaysa sa 'kin!"

Natigilan siya roon at hindi magawang ikibot ang mga labi para man lang tumanggi! Nakuyom niya ang mga kamay.

"Lahat ng desisyon mo nakabase sa nararamdaman mong galit kay Lass! Lahat ng iyong ginagawa, pati mga plano. Dahil lang parte siya sa tradisyong pilit mong sinasalungatan! Subalit aminin mo! Aminin mo, Arc! Kung hindi isang Salamanca si Lass, matagal mo na 'kong ipinagpalit sa kanya!"

Dinuro siya nito sa dibdib. "Aminin mo, Arc! Iyang poot at galit na nararamdaman mo kay Lass, hindi iyan dahil ayaw mo sa kanya. O dahil gumitna siya sa atin at tumaliwas sa mga nais mo. Aminin mong naninibugho ka lang sapagkat itinatak mo sa iyong isip na hindi mo dapat asamin si Lass dahil sa tradisyon. Sa tradisyon! You want her but you hate the tradition!"

Anong... Nais umiling ni Arc ngunit ayaw pa ring sumunod kahit ng kanyang katawan. He remained standing still in front of Victorina's outburst.

"Nagbingi-bingihan lang ako noong una pero wala kang ibang bukambibig kung hindi si Lass! Matagal ko nang batid, hindi ko lang din tinanggap agad! The moment you met her, I already lost you, Arc!"

Tumulo ang mga luha ni Victorina. Sunod-sunod ang bawat patak. "Kaya't pakiusap! Pakiusap, Arc! Huwag ka nang magpabulag sa galit mo sa tradisyon. Nahaharangan niyon ang hindi mo maaming pagsinta sa iyong esposa! Natanggap ko nang ang nararamdaman mo sa akin ay mababaw na lamang. Dahil sa 'yong palagay, ako ang 'kalayaan' mo."

"H-Hindi ko maintindi—"

Matapang na tumingala ito sa kanya sa kabila ng mga luhang umaapaw sa mga mata. "Kung ako ang Salamanca at itinakda ng tradisyon sa 'yo, hindi ka ba aapela katulad nang pagwawala mo ngayon? Ha, Arc? Kung si Lass ay hindi parte ng tradisyon, ako pa rin ba ang pipiilin mo kaysa sa kanya?"

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon