Chapter 35- One sided LOVE

141 1 0
                                    

CHAPTER 35- One sided LOVE

Julian POV

One month na rin ang nakakalipas ng namatay si Summer, marami na ang nangyari wala na rin si Joyce. Mula noon at hanggang ngayon hinahanap- hanap ko pa rin siya, madalas ko siyang itanong kay Belle na pinsan nya, wala rin itong masabi kung nasaan na nga ba si Joyce. Gustuhin ko man ngayon na hanapin siya hindi ko rin magawa naging busy na rin ang banda sa pagpromote ng new album at busy na rin sa Company namin. Ang dating napapanaginipan ko na Night ang pangalan na lalaking kamukha ko hindi na rin siya nadadalaw kasabay ng pagkawala ni Joyce.

 

"Bro, tulala ka na naman?" si JP

 

"Alam ko na kung bakit? " Si Patrick

 

"Wag ng magtanong? Baka lalo lang masaktan." Si Charles

 

Hindi na ko umimik, kung alam lang nila kung gaano ko hinahanap-hanap si Joyce.

 

"Wala tayong Gig  this coming Friday to Sunday right?" tanong ni Charles

 

"Yeah. Why? Any plan?" si Patrick ang nagtanong. Busy na si JP sa PSP nya. Ako naman nagbabasa ng documents na binigay ng secretary ko.

 

"Yap, out of the country."

 

"Really? With whom?" si JP na nagtanong.

 

"None, all by myself."

 

 

"Again? Mukhang napapadalas na pag-alis mo." tanong ko, curious din kasi ako kung san madalas pumupuntang bansa itong si Charles na dati naman  hindi niya ginagawa. 

 

 

"Secret." sagot na lamang niya. Hindi na ako nagtanong, mukhang di ko rin mapipilit si Charles na sabihin ang totoo.

 

 

"I go 1st mga bro." si Charles ang nagsalita, mukhang  di nga namin sya mapipigi na umamin sa amin. Nag-okey sign na lang ang dalawa, busy na sila sa kani-kanilang ginagawa.

 

 

Isa-isa na rin silang nagpaalam. Eto na naman ako nag-iisa. Binitiwan ko na ang hawak kong documents. Sinariwa ko na naman ang alaala na panahong nakikita at kasama ko si Joyce. Epic nga yung first time ko siyang nakita, nag-walk out  ata ako nun. Nung time na nagkasakit ako, siya ang nag-alaga sa akin, ung time na natake-advantage ako kay Joyce nagkunwari akong tulog ng maramdaman ko ang halik nya. Hanggang ngayon na papaisip pa rin ako, minahal nga rin ba niya ako. Nakakaramdam na naman ako ng pagkirot sa puso. Ito pala ang tinatawag nilang broken-hearted. Nasaan na nga ba siya ngayon? Nag-hire pa ako ng private detective para mahanap lang siya pero until now wala pa rin. One month na yun pero ang pakiramdam ko isang decade na ang nawawala. Matagpuan ko lang siyang muli hindi ko na sasayangin ang pagkakataon kahit hindi niya ako mahal, kahit ako lang nagmamahal hindi ko na siya pakakawalan. Mahal na mahal ko si Joyce.

 

 

Pangatlong bote ko na ito ng whiskey, hindi pa rin ako tinatablan. Gusto kong makalimot kahit sandali lang. Siya at siya ang laging laman ng isip ko. " JOYCE GUAN.. JOYCE GUAN.. JOYCE GUAN..." paulit-ulit kong sinisigaw ng malakas ang kanyang pangalan. Naiisip rin kaya niya ako ngayon. Nababanggit din kaya niya ang pangalan ko. Joyce nasaan ka na? Joyce bumalik ka na?

 

-=---=--=--

 

" Number 10." sabi ni Ana nabulunan kasi ako.

"Letter J." sabi ko na lang. 

"Sino si Letter J?" tanong niya

"Hmmm di ko alam." sagot ko, pero isa sa bahagi ng isip ko si JULIAN ang sinisigaw. Naalala kaya niya ako. Nababanggit kaya niya ang pangalan ko. Isang buwan na rin ang nakakalipas magmula ng umalis ako ng Pilipinas. 1 month ko na siyang namimiss at pang hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Worse feeling my ONE SIDED LOVE.

 

 

"Uyy Xiaofei natulala ka na naman diyan. Malamang kilala mo kung sino si Letter J noh? Ayaw pang umamin."

 

 

"Wala nga akong kilalang Letter J." Magmula ng dumating ako dito sa Hongkong si Ana na ang madalas kong nakakausap. Half-pinay siya may dugong Chinese, mabilis ko siyang nakagaanan ng loob kasi pareho sila ng personaliity ni Belle. Hindi na ako bumalik ng Taiwan, hindi ko na rin nalaman ang gustong sabihin sa akin ni Wuwu. Tsaka na lang kapag nagkaroon na ako ng lakas uli ng loob. Sa YM ko na lang nakakausap si Belle, kahit sa kanila hindi ko sinabi kung nasaan na ako ngayon. Ang alam lang din nila na bumalik ako sa Taiwan. Wala sa plan ko ang pumunta dito sa Hongkong on the last minute nagbago ako ng flight, that time flight to Hongkong lang ang may available, after kong umalis ng Pilipinas walang kasiguraduhan ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

-----

Akala ko, pagdating ko dito sa hongkong madali ko na lang makakalimutan ang lahat hindi pa pala. Until now i feel the pain, sakit na hindi dulot ni Night sakit ng puso na dulot ni Julian.

Past 12 na nakakainis naman hindi ako dalawin ng antok. Ganito na lang lagi kaya nga mas gusto ko na lang na mag-overtime sa office kesa naman ganito naaalala ko lang si Julian. Hoy, Joyce Guan makiuso na nga.. move on move on din kapag may time. Nadadalas na rin itong pagkausap ko sa sarili ko, naku naman baka bukas makalawa sa Mental na ako pupulutin. Makapag-open na nga lang ng old Ymail ko.

Buti tanda ko pa ang password it means di pa pang mental ang brain ko. (^_^) Ngiti-ngiti din kapag may time kahit na sa sariling joke ko ako natatawa...

100 unread messages.

Ganito na pala karami baka naman puro advertisement na naman ang mga ito. Konting scan muna sa unread messages ko.

I saw something na nagpabilis ng tibok ng puso ko...

Wuwu message me hindi lang isa kundi 99 messages pa with the same subject in his email... pero ang weird bakit ganito ang subject.

'Night is alive'

Prank joke na naman ba ito ng buhay ko....

---

A/N:

The Next 3 Chapter The Real Night Tenjo Untold Story. Ginawa ko po siyang Private dedicated to all my followers. Thank you sa patuloy na support Chingus kahit na sobrang tamad mag- update ng writer dito. 1 year na pala story ko na ito at hindi pa rin tapos pero feeling ko sobrang lapit na talaga.

Ciao... :)

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon