Chapter 33- The Wedding Part 1

169 3 0
                                    

" The hardest thing to do is to watch the one you love, marriage to someone else."

-------

CHAPTER 33- The Wedding

JOYCE POV 

Ngayon ang araw ng kasal ni Sir Saavedra. After the engagement last month. Super bilis ng mga pangyayari. Biglang natapos ang love story ng puso ko. Sa pangalawang pagkakataon para akong namatayan. Inaamin ko sa sarili ko na mas mahal ko si Sir Saavedra kesa kay Night. Sorry Night minamahal din naman kita pero ung nararamdaman ko kay Sir Saavedra na pagmamahal hindi ko rin maipaliwanag. Mas nasasaktan ako ngayon, sa araw-araw lagi akong umiiyak. Naiisip ko pa lang na ikakasal na siya para akong mamatay. Sabi nga ni Belle ang tanga-tanga ko daw bakit ko iniiyakan ang isang tao na kailanman hindi naman ako kayang mahalin. Ni hindi nga ako pinapansin di ba, sa araw-araw na ginawa ng diyos sa opisina hindi man lang niya ako pinapansin, ni tignan hindi nya ako matignan. Isang buwan na rin ang nakakalipas ng nagbalik si Summer at sa isang buwan na iyon, dun lamang umikot ang mundo ni Sir Saavedra.

Getting stronger na rin ang relationship ni Belle with Zongshi, sa tingin ko nag-matured na si Belle. Si Zongshi naman lumipat na ng bahay, alangan naman daw na sa iisang bahay pa sila ni Belle sa kanilang status sa buhay hindi pa naman sila kinakasal para magsama sa iisang bubong, ginagalang niya ang pinsan ko. Yan ang nagustuhan ko sa bestfriend ko. Minsan nakapag-usap kami, about our status, he still love me but in a bestfriend way, tanggap na niya ang lahat katunayan nga nagpasalamat pa siya sa pagsunod niya dito sa Philippines sa akin dahil dito nya pala makikilala ang kaligayahan niya. They both inlove, i'm happy para sa kanilang dalawa, nagbunga din ang pangliligaw ni Belle. And infairness to them pareho nilang 1st ang isa't-isa. Belle first bf and Zongshi 1st gf. Minsan nagkakatampuhan sila pero madali lang naman naayos. Wish ko lang na sana sila na ngang dalawa. Kapag nangyari yun ako na ata ang pinakamasayang Bestfriend and Cousin sa buong mundo. 

Hmmm... about my status in life, I fill my resignation letter and today effective na iyon. Tonight ang flight ko sa Taiwan, akala ko hindi na ako magbabalik dun pero may isang bagay pa pala ako na kailangan pa palang ayusin dun. Wuwu calling me a few weeks ago, may kailangan daw ako malaman about Night, may tao daw na kailangan akong makausap. About me and Night i know book closed na sa amin ang lahat pero may isang bahagi ng pagkatao ko na gustong malaman kung ano yun.

About Charles Perez, he still courting me. Exclusively dating na rin kami. Ramdam ko naman na mahal na mahal niya ako. Kung kaya ko lang sana turuan ang puso si Charles na talaga. Alam naman ni Charles kung ano ang status ng puso ko about him. Handa naman daw siyang maghintay hanggang marealize ko na siya pala ang mahal ko. Hindi siya nagtatanong about sa lalaking minamahal ko, alam ko na alam niya na may lihim akong minamahal. Tanggap niya kahit rebound lang daw siya basta huwag lang daw ako mawawala. Sa madalas namin na magkasama may mga oras na parang hindi siya si Charles, medyo weird pero may mga pagkakataon na tumititig siya sa akin na parang hindi siya. Hindi ko maexplain pero sa mga pagkakataon na iyon para akong natatakot.

Si cute na makulit na Aica naman na mahilig sa KPOP ayun, nasa South Korea na ngayon. Kuya na lang daw talaga ang pagtingin nya kay Charles masyado na daw matanda si Charles para sa kanya. Kaya naman pala mabilis mag-give up dahil may bago na pala siyang mahal. Si Mark Tuan ng GOT7, kwento pa nya binasted nya daw un nung High School siya. Tapos nangako pala itong si Mark na kapag sumikat siya at naging Kpop mag-ON na sila. Si Aica naman na sobrang adik sa Kpop nagpunta ng Korea para magkita sila ni Mark at tanggapin na ang pag-ibig nito. Goodluck na lang kay Aica balita ko hanggang ngayon hindi pa rin pala sila nagkikita ni Mark dahil busy ito sa mga gigs ng GOT7. Sa pagkakakilala ko kay Aica madiskarte ang batang yun, aabangan ko na lang ang susunod na kabanata ng makulit na lovelife niya.

Kamusta naman ang chapter ng puso ko? Katulad nga ng sabi ko, ngayon ang araw ng pagkamatay nito. Sorry Charles, hindi ko rin masabi sa iyo na si JULIAN SAAVEDRA ang minamahal nito, na bestfriend mo.

Hindi ko na rin gusto pang dumalo sa kasal ni Julian at Summer, napakatanga ko naman para panoorin ang lalaking mahal ko na ikakasal sa babaeng mahal niya pero iba ang sinisigaw ng puso ko bakit ba madalas na magkakontra itong isip at puso, sino ba ang dapat ko sundin, sabi ni puso ‘ tanga ka ba kung pupunta ka pa, masasaktan ka lang lalo baka magngangawa ka pa dun, nakakahiya ka hindi ka naman mahal nung taong iiyakan mo ’ sabi naman ni isip, ‘ pumunta ka, ito na ang last change na Makita mo pa siya, baka hindi ka na makabalik at makita siyang muli, sa huling pagkakataon magpaalam ka sa lalaking mahal mo, baka sa pagdalo mo sa kasal niya matanggap mo sa sarili mo na, wala na talaga siya.” Di ba ang tatalino ng puso’t isip ko pinapagalitan ako. Sino ba ang susundin ko?

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Author's Note:

Hi readers! Part 2 posted later :)

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon