Chapter 11- Rewind

509 8 4
                                    

“I hope you don't mind,

I hope you don't mind,

that I put into words,

how wonderful life is,

now you're in the world.”

-=======^__^=========-

  Chapter 11- REWIND

<<< J.A. POINT OF VIEW>>>

Anong gulo ang nandito sa Company namin, daming  tao sa Lobby. Pagbungad ko pa lang dami ng guards tapos dami rin tao. Ano meron? 

‘Fansclub ng THIS BAND… Ultimate J.A. Fansclub? The Boy next door J.A. Believers… kung ano-ano pang pang fans club. Nagwave na lang ako diretso na sa elevator grabe pa rin ang hiyawan akala mo may mall tour, ei papasok lang naman ako sa opisina. Ito ang sinasabi ko sa kanila Mommy. Lalo na ngayon nag-start na ko magwork hindi lang araw-araw nandyan ang mga fans ko, gwapo ko kaya. Sa dami naming stalker ewan ko lang kung mananahimik pa itong SWGC, kawawa lang mga guards kababantay. Buti na lang nasa 10th floor ang office ko malayo-layo sa inggay sa baba.

My first day of work, feeling ko pagod na agad ako. 2 days akong puyat kakaisip sa babaeng yun.

Andyan na kaya ang Personal Secretary ko, malamang 9AM na kaya, 1st day of work late ako, Ganun talaga Boss ei..Tapos pwede rin ako mag-out anytime. Pasalamat pa nga si Mommy pumayag ako kahit super busy ako sa Banda ko. Ang napagkasunduan lang naming na hindi ko itatali ang buong oras ko sa loob ng opisina kaya anytime pwede ako mag-GO.

6 step away lang pala from my Office itong elevator. Only the two us ang magiging tao sa loob ng opisina, may mangyayari kayang kakaiba. Hmmmm,,, dirty mind upload! Langya baka magalit sa akin si Charles nito Rule #1 daw nung Saturday nya pa sinasabi sa akin un ah, pati kahapon sa Band rehearsal namin, bakit ba ano ba meron sa babae nya.

Charles: Tol, don’t forget Rule #1.

Me: (?_?) ano ba pinagsasabi mo?

Charles: Type ko Personal Secretary mo.(Biglang namula)

Me: Ahhh okey. (ano naman malay ko dun never ko pa kaya nakita ung sinasabi nyang Personal Secretary ko)

Charles: Na love at 1st sight ako sa kanya.

Me: Ugok, kailan ka pa naging Mais. Paduktor ka na, wala sa dictionary mo ang salitang LOVE di ba? (hindi mo alam kung seryoso ba ito o hindi,  mahilig kasi sa babae, pero sa tingin ko parang ngayon lang ito nagkaganito, pagbigyan na nga ng tumino naman ito)

Charles: Di ba tol, as your personal secretary pwede mo sya itusan o isama sa mga lakad mo? (tanong nya na mukha atang may binabalak ahhh)

Me: Yeah, why?

Charles: Please naman ohh, kapag may band rehearsal or my gig tayo papuntahin mo, Alam mo na para palagi ko syang nakikita. (mejo hiya pang sinasabi, pansin ko kanina pa sya silip ng silip sa phone nya)

Me: No problem, yun lang pala ei. Teka bakit di ka mapakali dyan sa phone mo.

Charles: Kanina ko pa kasi tinatawagan hindi naman sinasagot, ito nga pang 7 missed call ko na.

Me: Kunin ko nga ang number.

Charles: Bakit Tol?

Me: Syempre Personal Secretary ko dapat alam ko ang number.

MY ABSOLUTE BOYFRIEND 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon