Chapter 24

20.7K 392 13
                                    

"My Deddy huhuhu I miss you po." umiiyak na sabi ng anak ko. Gulat naman ito.

Tss siguro di niya talaga kami pinapahanap at ganyan ang kanyang reaksyon.

Tiningnan ko si Zia. Ang sama ng tingin niya sa akin na parang gusto na niya akong mamatay. Inirapan ko ito at lumapit sa mag-ama ko. Mag-ama. Ang sarap pakinggan kaya lang ay may hadlang.

"Anak." unsang salitang lumabas sa bibig ni Sir Ace na umiiyak din.

Tumingin ito sa akin na parang gusto niyang e-explain ko sa kanya kung bakit may anak sya. Seriously? Di ba niya alam na may anak kami? E kaya nga kami umalis ay dahil sa ginawa ng Zia nato sa baby ko.

Nanumbalik naman ang galit ko sa kanya ng tinulak niya ako sa hagdan. Tiningnan ko ito ng masama. Akala ko ay napatawad ko ito sa kanyang ginawa dahil tatlong taon na din naman ang lumipas pero ngayung nakita ko ito ay bumalik ito.

Flashback.

Pababa na sana ako ng hagdan ng biglang bumukas ang pinto ni Sir Ace. Limabas dun si Maam Zia. Nandito na naman ang gaga. Wala atang plano tong umuwi sa kanila.

"Magandang gabi Maam Zia." pilit ngiting bati ko dito. Naiinis ako sa kanya.

"Anong maganda sa gabi?" mataray na sabi nito. Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagbaba. Ayaw ko ng dagdagan ang inis ko sa kanya. At baka mae-estress pa ako. Makakasama sa baby.

Nasa gitna palang ako ng hagdan ng hinablot nito ang kamay ko at sinampal ako ng malakas. Namanhid ang pisngi ko.

"Wag na wag mo akong tatalikuran habang kausap mo ako. Remember this bitch, anak kalang ng katulong dito na nagpabuntis sa amo. Pathetic!" tinuturo pa ako nito. Mahina lang ang boses niya. Siguro ayaw niyang marinig ng iba ang totoo niyang ugali.

Di ako kumibo, nanatili akong nakayuko habang hawak ko ang aking pisngi na alam kung namamaga na sa lakas ng sampal nito.

"Alam mo, kung ako sayo ay umalis kana sa bahay na ito. Di ka mahal ni Delo. Ako ang mahal niya. Ako lang. Naiintindihan mo ba ha? Kaya lang sya nagmamalasakit sayo ay dahil may anak siya sayo. Kaya wag kang ambisyosa na mamahalin ka niya. K? Bye bitch!" sabay tulak nito sa akin sa hagdan.

Narinig ko lang malakas na sigaw ni Inay.

"Memmy, are you okay?" napalingon ako sa anak ko. Nakasampa sya sa tiyan ni Sir Ace. Habang kumakain ng apple. Wala na din pala dito si Zia. Ganon ba kataas yung nasa isip ko? At diko namalayang wala na sya? Di ko manlang nasabunutan.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"I said are you okay?" nginitian ko lang ito at tumango.

"Yes baby. Alis ka dyan sa tiyan ng deddy mo at masakit pa siguro ang katawan niyan." sabay kuha ko sa anak ko pero sumiksik ito lalo. Napailing nalang ako.
Tumingin naman ako kay Sir Ace na walang emosyon.

Umupo nalang ulit ako sa sofa malapit sa bed nito. Nakaupo din si Mae na panay ang pagcecellphone.

Narinig ko namang andami nilang pinag-uusapan ng anak ko. Panay ang kwento nito kay Sir Ace.

Himala at napakadali nilang nagkasundo.

Tiningnan ko ang cellphone kung may nag-tetext ba.
Itatago ko na sana ulit ito pero bigla nalang itong nagring.

Julius Hon Calling....

Sinagot ko naman agad ito at tumayo malapit sa bintana.

"Hello?" sabi ko.

"Hi Hon. I miss you so much. Saan ka ngayun? Are you busy?" sunod-sunod na tanong nito kaya natawa ako.

Tumingin ako sa mag-ama na nakatingin na din pala sa akin. Umirap ako kay Sir Ace. At bumalik ang tingin sa labas ng bintana.

"Ah yeah. I miss you too. Kailan ka uuwi?" tanong ko.

Narinig ko naman ang binulong ni Kei kay Sir Ace.

'It's Julius guy. I don't like him Deddy cause he's always at the house.' bulong nito kahit dinig ko naman.

'Kaano-ano sya ng Memmy mo?' sagot nito.

'He is Memmy's boyfriend. Ewwww!' bulong ulit nito. Angry was written in Sir Ace face.

"Hon? Still there?" napakurap ako.

"A-ah? Oo haha sorry. Bye I have to go na." sabi ko.

"Okay. I love you. And say Hi to Kei." he chuckled.

"Okay bye."

"Wait, where's my I love you too?" tanong nito.

"I love you too bye." natatawang sabi ko sabay patay.

Sumigaw naman ang anak ko dahil sa sinabi ko. Ayaw na ayaw niyang nag-a I loveyou ako kay Julius. Para lang daw sakanya, sa Deddy niya at kay Inay, Itay ang Iloveyou ko. Hindi daw kasali si Julius.Ang OA talaga ng baby ko hahahaha.

Umirap ako sa mag-ama.

Narinig ko naman nag 'Tss' si Sir Ace kaya tumingin ako.

Selos ang nakikita ko sa mata nito. Di nga?

Geez.

-----------------------------------------------------------------
A/N: Sorry guys, bitin ulit ito. Tamad si Author.

Happy 25k+ reads guys. Thankyou💖

Comments and Votes for more updates.

-Alexzie

The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon