Chapter 17

23K 439 18
                                    

3 years later.

Im here at my office busy doing some papeless.
Sobrang hassle pala mag-manage ng company. Sana si Kuya Jared nalang ang ginawang CEO ni Itay. Kaya lang di yun maaasahan dito. Utak non? Bar, babae, trabaho niya. He's a professor.

Sana nasa bahay lang ako ngayun habang binabantayan ang napakacute and adorable kung anak.

Si Kie Del Lopez, 3years old na sya. Kaya lang wala syang nakuha sa akin, lahat nakay Ace. Yung kilay na makapal, matangos na ilong, kissable thin lips, pati buhok nitong blonde ay nakuha din, saka ang napakaborito ko sa lahat yung mata nitong gray. Gwapo din katulad ng ama.

Ang nakuha lang siguro nito sa akin ay ang ugali ko. Malambing, makulit, madaldal.
Namiss ko na tuloy ito kahit 3 oras palang kaming di nagkita. I wanna go home and hug him all night.

Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko.

Julius Hon Calling....

Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello Hon. Are you in the office?" tanong nito. Ngumiti ako. Napakasweet ng boses niya. Naiinlove tuloy ako lalo.

"Yes po. Doing some papeless. You?" i said.

Nakarinig ako ng katok kaya lumapit ako sa pinto. Ba't di kaya ako tinawagan ni Mariz, kumatok pa talaga eh may telepono naman.

Ng buksan ko ito ay tumambad sa akin si Julius na may dalang flowers and plastics of foods.

"Hey! Suprise?" nakangiting sabi nito. At inabot sa akin ang bouque of flower. Aw my favorites. He give me a kiss in the cheeks. Kaya namula ako.

"Thankyou. I thought you can't come because you have a business trip?" nilapag ko sa lamesa ang flower at kinuha ang supot na dala nito saka binuksan.

"Naah. Pina-cancel ko na ito. I want to spend this day with you. Cause 1 week akong mawawala. Sasamahan ko si Mom sa America para ipa-process yung mga naiwan ni Dad." mahabang sabi nito at niyakap ako nito ng mahagpit.

He's sweet as always. Kulang nalang langgamin ito hahaha. Julius Bermodery, he's my boyfriend for almost 1year. Unang kita namin is nong pasakay kami nang bus ni Inay.  Umalis kami sa Mansyon ng di alam ng pamilya Silvantes.

At dahil wala kaming matutuluyan ni Inay noon ay tinulungan niya kami. Nakatira pala sya sa Laguna pero meantime lang dahil ang mama nito ay nasa US.

Binigyan niya ako ng trabaho. At dun ko din nakilala ang Ama ko. Pauwi ako non ng may biglang nagtakip sa mukha ko at sinakay sa van.

Ng magising ako ay nasa isang silid ako na napakalaki. Buntis ako non, 5months na si baby.

Nagpalinga-linga ako ng may biglang kumatok na kasambahay. Kaya binuksan ko ito.

"Maam Laureen? Pinapatawag po kayo ng daddy niyo sa library." nagtatakang mukha ang pinapakita ko dito.

Pero ang sabi nito ay sundan ko lang sya. Ng nasa tapat na kami ng pinto ay kinatok nito. Ng sumagot ang nasa loob ay saka nito binuksan at pinapasok ako.

Napakalaki di ng library 'daw kuno'. May nakaupo sa swivel chair na nakatalikod.

"Ah hello? Sino po kayo?" tanong ko. Bigla itong humarap sa akin kaya natulala ako. Kamukhang-kamukha ko ito.

"A-anak ko. Ikaw nga. I miss you. Sorry sa nagawa ko, sa inyo ng Inay mo. Sorry kong iniwan ko kayo. Pinagsisihan ko iyon anak. Napakamaling desisyun iyong iwan ko kayo. Patawarin mo ako." iyak na sabi nito habang yakap-yakap ako. Kaya naiyak na din ako.

Kahit gulong-gulo ako ay di ko non napigilan na yakapin din ito. Namiss ko rin ito. Madali ko naman syang napatawad. Okay nadin sila ni Inay.

Nabigla nga ako non eh ng may kumatok at pumasok si Inay na iyak ng iyak. Niyakap niya agad kaming dalawa ni Itay. At dun kami na buo.

Mabuti nalang at umalis kami sa Silvantes. Siguro way din yun ni God, para makita na namin si Itay.

Dun na din kami pinatira ni Itay sa bahay niya na sa akin na ngayun dahil saakin niya ipinangalan. May anak si Itay sa labas at yun si Kuya Jared pero tanggap namin sya at tanggap din niya kami.

Hanggang sa kabuwanan ko na. Nanganak ako sa bahay na kami lang dalawa ni Aleng Goring ang nagtutulongan para mailabas si Baby Kei. Walang ibang tao non sa bahay kundi kaming dalawa lang dahil pumunta sila Inay sa ibang bansa para magbakasyon at yung ibang katulong ay pinagbakasyun din lati narin ang mga driver.

At sa awa ng diyos ay maayos naming naipanganak ang anak ko. Im so happy that time dahil sa wakas ay nayakap ko na ito at nakikita. Malungkot din dahil kong di sana kay Zia ay di kami aalis ni Inay. Sana kasama pa namin si Ace. Pero dahil tinulak ako nito ng hagdan. Aynagising ako sa hospital. At ang sabi ng doktor ay muntik na daw mawala ang baby.

Kaya napagdesisyunan nalang namin ni Inay na umalis ng di nila alam.

Akala ko noon ay wala ng problema dahil masaya na kami pero bigla nalang inatake si Itay sa puso at di nito nakayanan. Namatay ito ng ibinilin lahat ng responsibilidad sa akin, pati na ang company.

I get back to my senses ng bigla akong hinalikan ni Julius sa pisngi na ikinagulat ko.

"Nakatulala ka na naman Hon. Any problem?" tanong nito pero umiling lang ako saka pilit na ngumiti.

"Let's eat na? Im hungry." sabi ko dito.  Masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan. Ng matapos ay lumabas na kami at mag-dedate daw kami. Pupuntang mall, manonod ng sine, kakain and etc. Like what other lovers do.

Ng maghapon na ay natapos namin lahat ng pinaggagawa namin. Nakalimutan ko ng saglit ang problema sa kompanya.

Pauwi na kami dahil  na miss ko na ang baby ko. Ang hirap lala kapag masyado kang dikit sa anak, kahit isang oras mo lang itong di nakikita ay mamimiss mo agad.

Ng nasa tapat na kami ay pinagbuksan ako nito ng pinto saka kami pumasok sa loob.

Nakita ko agad ang anak ko na nanonood ng favorite nitong spongebob. Tuwang-tuwa ito. Aww so cute.

"Hey you my dear baby boy!" napatingin ito sa gawi ko kaya mabilis na tumakbo.

"My memy is home. I mish you memy" cute na sabi nito.

"Memy miss you too very much." sabay pugpog ko dito ng halik na ikinatawa nito ng malakas. Hay im so contented with my baby.

-----------------------------------------------------------------
A/N: At dahil ang kulit niyong mag-update na ako so heto na po hahaha.

So hope you guys enjoy it.

Please support. Comments and Votes for more updates. Iloveyou❤

Follow niyo din po ako😊

-Alexzie

The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon