Chapter 15

22.4K 399 16
                                    

Isang buwan na simula ng malaman ni Sir Ace tungkol sa pagbubuntis ko. Alam ni din nila Mama Grace at Papa Jed. Masaya sila kasi daw magkaka-apo na din sila.

Pero si Zia ay palage pa ding nandito, alam na din niya ang sitwasyon ko. Noong una ay nagalit ito saakin pero tinanggap niya din dahil di niya kaya ng wala daw si Sir Ace. Dapak negga! Inshort sila parin.
Nasanay na nalang din akong nandito sya.

Nagiging sweet nadin sa akin si Sir Ace. Kahit anong gusto kong kainin ay binibili niya, dun na din nila ako pinapatulog sa guestroom katabi ng kwarto niya. Para daw kung may gusto ako ay madali niya akong matanong. Sangayun din ako.

Pinaglilihian ko din sya. Gusto ko palage syang nakikita, makurot ang pisngi saka ilong nito. Gusto ko din sanang magtabi matulog palage kaya lang ay di nalang kasi may girlfriend sya.

Katulad ngayun ay kumakain ako ng hilaw na mangga na may bagoong saka mayonnise. Wierd right? Katabi ko naman si Sir Ace. Pinagbalat niya ako.

"Ansarap hmm." kanina pa ako kumakain nito pero gustong-gusto ko pa. Sinawsaw ko una sa bagoong saka lalagyan ko ng mayonnise.

"That's gross." saad nito. Inirapan ko ito.

"Hindi kaya! Ang sarap nga nito eh, gusto mo?" sabay bigay ko dito pero di niya tinanggap bagkus ay tinakpan lang bibig niya.

Gustong tumulo ng luha ko. Pero pinigilan ko ito. Kumain lang ako ng bigla syang sumigaw.

"H-hey why are you crying? Is something wrong?" nagpapanik nito kaya napaiyak ako ng malakas. Bat ba ayaw niyang kumain nito? Masarap naman ah?
Pilit nitong pinupunasan ang luha ko pero tuloy parin na nagsibagsakan.

"B-bat ayaw mo kumain n-nito? Masarap naman e-eh huhuhuhu." tuloy lang ako sa pag-iyak.

Bumuntong hininga ito.
"Okay. Kakain na ako. 1slice only." napapalakpak ako sabay kiss ko sa pisngi niya. Napailing naman ito at nag smile. Hormones again.

Sinawsaw ko na sa bagoong saka sa mayonnise. Saka nilapit ko sa bibig niya. Kukuhanin niya sana ng tinampal ko ang kamay nito.

"Ako ang magsusubo sayo okay? So open your mouth." lapad ngiting sabi ko. Inopen naman niya ng kunti. Napasimangot ako.
Parang ayaw niya talaga. Binaba ko nalang ulit ito saka nilagay ko pa ng bagoong sabay subo tapos tumayo na.

"Where you going?" sabi nito. Tumayo din.

"Sa garden lang ako."  pilit ngiting sabi ko.

Naglalakad ako papunta sa garden saka umupo sa swing. Tapos tumingala sa langit. Mukhang uulan ata ngayun.

Paano kaya kapag manganak na ako? Mamahalin na kaya ako ni Sir Ace? Hahays ang assuming ko talaga.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Alas-kwatro na pala. Inaantok ako. Dumaan ako sa kusina at pumasok sa silid namin ni Inay. Gusto ko dito ngayun matulog.

Kinantahan ko ang anak ko ng paborito kung kanta saka natulog.

Nagising ako ng mga alas-nwebe ng gabi kasi nagugutom na ako. Katabi ko si Inay. Mahimbing na natutulog habang ang isang kamay ay nakaakap sa akin. Niyakap ko rin sya I miss her hugs kapag natutulog kami.

Di man lang ba ako hinanap ni Sir Ace? Psh.

Napagdesisyunan kung lumabas para kumain. Nagugutom na ako.

Tiningnan ko ang ref kung anong pwedeng makain. Pero wala akong kahit anong gusto. I want buko. Delikado na rin kapag lalabas ako, gabi na.

Saka tulog na ngayun si Sir Ace. Pero gustong-gusto ko talaga ng buko. Cravings!

Naglakad ako paakyat saka kinatok ng mahina ang pinto ni Sir Ace. Tulog na nga siguro. Gigisingin ko na lang kaya?

Bahala na nga.

Pinihit ko ang doorknob saka tumingin sa kama, nakabukas ang ilaw. Di niya siguro napatay.

Pumasok sa silid niya at tatapikin ko na sana ito ng may gumalaw. Si Maam Zia. Magkatabi sila. Habang magkayakap na mahigpit. Nakahiga pa sya sa dibdib ni Sir Ace na tulog na tulog.

Ang sakit. Sana pala di nalang ako nagising at di nag crave ng buko. Pvta!

I wanna cry.

Nasa hagdan na ako ng naiyak na talaga ako. Ang sakit makitang magkayakap silang dalawa. Mahal ko sya pero may mahal syang iba.

Ilang minuto akong nakaiyak sa hagdanan ng napagdesisyonan kung lumabas ng bahay at maghanap ng buko. Baka may nagtitinda pa ngayon pero i doubt.

Pero gutom na talaga ako!

Kumuha lang ako ng jacket saka pera at lumabas. Ng nasa gate na ako ay may dumaan na taxi pero may pasahero.

Naglakad-lakad ulit ako ng may biglang taxi ulit na dumaan. Kaya dali-dali ko itong pinara. Buti nalang at walang pasahero.

"Manong hays thankyou po at napadaan kayo dito. May alam ka po bang may nagtitinda ng buko? Gustong-gusto ko na po kasing kumain eh. Please po Manong, magbabayad po ako kahit magkano." sabi ko dito.

"May alam po ako Maam. Dun din ako bumibili kapag gusto ng asawa ko. Naglilihi din kasi sya ng buko. " napangiti ako. Mabuti pa si Manong.

"Mahal na Mahal niyo po ano?" tanong ko dito. Ngumiti ito ng matamis.

"Aba'y oo naman iha. Sya lang ang isang babaeng minahal ko." kislap matang sabi nito.

"Swerte po pala ng asawa mo Manong. At mahal na mahal niyo po sya."

"Mas maswerte ako iha. Oo nga pala gabi na, bat naghahanap ka pa nangbuko? Naglilihi ka din?" nahihiyang tumango ako dito.

"Opo. 4months na po akong buntis." masayang sabi ko.

"Ang swerte naman ng asawa mo at ikaw ang minahal, napakaganda mo iha."

"Salamat po. Pero wala po akong asawa." magtatanong na sana ulit ito pero nandito na kami sa nagtitinda ng buko.
Bumaba ako at bumili, lima ang binili ko. Bibigyan ko si Manong. Nagpihintay nalang ako. Ng makabili ay sumakay ako.

"Sayo na po tong isa Manong." ngumiti ito saka nagpasalamat. Pabalik na kami. Maraming napagkwentuhan kung ano-ano. Ang bait niya at ang sipag-sipag. Gilbert ang pangalan niya at 48 na sya.

Ng nasa bahay na ay binayaran ko sya ng 1000 binigay ko narin ang sukli. Nagpasalamat ulit ito at umalis na.

Dumaan ako sa kusina para mas malapit nalang.

Nilagay ko agad ito sa pitsel. Pinabiyak ko nalang kasi kanina tas nilagay nalang sa plastik para mas madali.

Kumuha ako ng baso at nagsalin. Ininom ko agad ito dahil natatakam na ako.

Nakakalahating pitsel ko na ito may biglang akong narinig na footsteps pababa ng hagdan. Baka multo yun? Tulog na lahat ng tao dito. 11 na kasi ng makauwi ako. Ang layo pala.

Di ko nalang ito pinansin at uminom ulit ng buko. Ang sarap-sarap.
Uminom ulit ako ng may biglang nagsalita.
Si Sir Ace. Kaya muntik kunang mabitawan ang baso.

"Laureen it's late why are still awake? Thats not good for you and the baby." galit na sabi nito.

Ang lakas ng kabog ng puso ko.

Diko ito pinansin. At inubos lahat ng buko saka tumayo. Naalala ko parin yung pagyayakapan nilang dalawa at pagtulog ni Zia sa kwarto niya. Buti pa si Zia pwede ako hindi.

(Di ka niya mahal uy! Kaya matulog ka na!) sabi ng konsensya ko. Oo nga naman.

"San ka galing? Bat ka nakajacket?" tanong nito. Pag-alala ang nakikita ko sa mata nito. LoL! Assume pa.

"Naghahanap ng buko. Sige po Sir, Goodnight." ngiti ko dito pero ang puso ko umiiyak na.

-----------------------------------------------------------------
A/N: Nakapag-update ulit ako hahaha.

Ano na kaya ang susunod na mangyayari?
Abangan niyo po.

Please support. Comment and vote for more updates. Thankyou. Iloveyou❤

-Alexzie

The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon