Chapter 9

25K 414 9
                                    

BUMANGON agad ako para pumunta sa kusina at nakita ko dun si Inay na nagluluto. 7:30 pa ang pasok ko is 9.

"Goodmorning Inay." sabi ko dito. Bumati din sya saakin at pinagpatuloy ang ginagawa. Nagtimpla ako ng kape saka kumuha ng tinapay.

"Inay sino po ang nagdala sakin dun sa kwarto? Ikaw po ba?" tanong ko.

"Ay naku si Ace. Binuhat ka niya kasi nakatulog ka daw sa sasakyan. Saka di kita kayang buhatin anak" tumatawang sabi ni Inay.

"Di nga?! Totoo ba yan Inay?" ulit kong tanong. Iniisip ko palang na binuhat niya ako ay kinikilig na ako. Eeeeeehhhh!

"Aba'y totoo ang sinasabi ko." tumingin sa akin si Inay. "Bat ka namumula anak? May sakit kaba?" sunod na sabi.

"W-wala po Inay. Sige po maliligo na ako." agad akong pumasok sa kwarto namin , ni lock ko ito at napatalon-talon. Kinikilig ako eh bakit ba? Hehehe *-*

Pumasok na ako sa banyo nagsimulang maligo. Pagkatapos ang nagbihis at naglagay ng pulbo at lipstic. Wala akong ganang mag make-up.

Lumabas na ako at nagpunta sa kusina para magpaalam kay Inay.

"Inay aalis na po ako. Ingat ka po dito, wag ka masyadong nagpapagod at baka mapano kayo." paalala ko dito. Minsan na kasi itong nadala sa ospital kasi wala syang pahinga buong maghapon palage nalang nag-iikot sa bahay at gumagawa ng gawain.

"Sige mag-ingat ka rin. Wag masyadong magpagabi at delikado sa daan." tumango lang ako at hinalikan sya sa pisngi at lumubas ng kusina.

Ng nasa sala na ako ay napatingin ako sa kwarto ni Kuya Ace. Umalis na kaya sya? Hmm bahala na nga mag-tataxi nalang ako.

Ng binuksan ko na ang pinto ay syang nakarinig ako ng footsteps galing sa taas kaya napalingon ako.

Si Kuya Ace.

Ang gwapo gosh! Messy ang kanyang hair na blonde. Blue ang kanyang polo, pero walang necktie, nasa kamay pala nito, mukhang di pa niya na suot.

Ng nasa baba na sya ay tiningnan niya lang ako.

"Goodmorning po Sir." bati ko dito. Tumango lang sya. At naunang lumabas.
Sumunod na ako at naglakad papuntang gate para buksan ito. Pinaandar niya ang kotse saka nilabas. Naglakad agad ako dahil alam ko naman di na niya ako pasasakayin.

Saka walang taxi dito kaya maglakad ka talaga papuntang guardhouse hays.
Nakailang hakbang lang ako ng tinawag ako ni Sir.

"Get in." sabi nito na nakatingin lang sa daan.

"A-ah kasi Sir magtataxi lang po ako."
Tiningnan niya ako ng masama. Kaya napasakay agad ako takot ko lang sa kanya psh. -_-

Nagsetbealt ako saka nilagay ang gamit ko sa paanan ko. At nagdrive na sya.

"Kumain ka na?" tanong nito kaya napalaki ang mata ko. Hanggang ngayun kasi di ako sanay na nagtatagalo sya.
Tinaasan ako nito ng kilay ng makita niya ang reaction ko. Tumikhim ako at tumuwid sa pag upo.

"Nagkape na po ako Sir." sabi ko dito.

"Okay." sabi nito at huminto ng may madaanan kaming jollibee. Sinuot niya ang necktie pero nahirapan sya.
Umusod ako ng kunti para maabot ko sya at kinuha ang necktie. He sniffed.

"Ako na po Sir." saka ko ito sinuot sa kanya at ngumiti.

"Thanks." sabi nito kaya napatulala ulit ako. Nag t-thank you talaga sya?! Omygosh!

"W-wala po yun Sir." sabi ko. Pagkatapos kung sabihin yun ay bumaba na ito. Kaya sumunod ako. Pumasok sya sa jollibee kaya pumasok din ako.

"Goodmorning Maam, Sir" bati ng guard sa amin. Ngumiti lang ako.

The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon