update. ^_^

7.6K 262 53
                                    


JED's POV

hindi na naman ako makatulog. =_=

paikot, ikot, ikot, ikot, ikot na naman ako sa kama ko... 

geez..! 

matutuwa ba ko? o kakabahan?

tumayo ako sa kama, lumapit ako sa may study table ko para sana iklaro ang lahat, Kaso. Kukunin ko na lang eh, may kung anong pumipigil sakin na gawin yung kanina pa gumugulo sa isip ko. 

"argh! tiis lang Daniel... dadating din tayo dyan, may isang salita ka... at nagpromise ka tandaan mo yan" para akong baliw na kinakausap ang sarili habang palakad-lakad sa kwarto ko.

napabaling ang tingin ko sa kama at nakita ko ang phone ko.

"tama! itetext ko na lang sya." agad naman akong nagpunta sa kama at dumapa...

type..type... type....

sent to: 

browse to contacts.

.

.

.

.

.

.

.

"Aish!! ano ba yan?! Sa dami ng pwedeng makalimutan bakit yon pa??" tumihaya ako sa pagkakahiga at ginulo yung buhok ko... Paano ko sya itetext kung wala naman akong number nya? Ang adik lang! 

Haay.....

Napatingin na naman ako sa may study table ko at nakita ko na naman yung yellow paper na nakapatong dito..Kanina ko pa pinagdidiskitahang basahin yung sulat sakin ni Jessica pero ayoko namang sirain yung pangako ko sa kanya....

Tama. Alam ko na na sa kanya galing yung sulat, sa totoo lang, nung nabasa ko palang yung pangalan na ginamit nya sakin may pakiramdam na ko, sya lang kasi ang tumatawag sakin sa second name ko na Jed. 

Nakatingin lang ako sa ceiling ng room ko habang iniisip yung mga nangyari kanina... Mixed emotion talaga ako ngayong araw.

:l

Flashback:


para patunayan na wala talaga sakin yung sulat na natanggap ko, pinunit ko yun isa-isa sa harap mismo ni Jessica, hindi ko pa nga nababasa yung mga yun eh, bukod dun sa isa na binasa ni sir camba sa harap ng buong klase. Sa totoo lang ha, syempre may parte sakin na gusto kong malaman yung laman ng sulat na natanggap ko, pero binaliwala ko na lang para naman ma-goodshot agad ako kay Jessica, ayoko kasing isipin nya na pwede pa akong maapektuhan ng ibang babae sa paligid ko, gusto kong patunayan sa kanya na seryoso ko at sya lang ang babaeng gusto ko. Tamis diba? pero totoo.

"Jed" bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa ko sa pangalan kung para kanino yung sulat... Hindi ko namalayan na unti unti na palang lumuluwag yung pagkakaipit ko sa libro ni Jessica, 

"Jed???" binasa ko ulit, hindi ko alam kung tama ba yung naiisip ko,, Jed...jed,,,jed.... 

O___O

Jed..

tumingin ako kay Jessica, wala akong masabi, ilang minuto rin yata kaming nagtititigan dito sa daan papunta sa bahay nila.

she pursed her lips tsaka tumingin sa ibang direksyon...  namumula sya.. tama nga yata yung naisip ko... sya nga yung gumawa nitong sulat na hawak ko??

Dahil sa nalaglag yung mga libro, kinuha ko ito at inipit ulit sa mga braso ko. pagkatayo ko ng maayos, biglang nagsalita si Jessica at medyo malakas ito. 

I Got Caught [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon