side story

3.3K 62 3
                                    

Naglalakad papasok ng OMG bar si Andy at Andrew, wala sa kanila ang kumikibo simula kanina habang papunta pa lang sila hanggang ngayon. Andrew asked a favor to Andy, sabi nya kakalimutan na daw nya ang pagsampal na ginawa ni Andrea kapag sumama ito sa pakikipagkita kay Angel. Nung una, nagdadalawang isip si Andy na pumayag pero eto sya ngayon, kasama ni Andrew para ipagpatuloy ang pagpapanggap nilang dalawa bilang magkasintahan.

"Andrea, yung mga sinabi ko sayo ah, wag mong kakalimutan. Promise last na to." nasa sa bar tender area sila habang hinihintay si Angel. 

"Oo na. Alam ko na yon" walang buhay na sagot ni Andy. Haaay. bakit ko ba kasi to ginagawa?. HIndi ba muka akong sira ulo? gusto ko sya, pero nagpapagamit ako sa kanya para sa babaeng gusto nya. Haaay. buhay, parang life -___- 

"Hey! there you are!" napatingin si Andy sa katabi nya ng may biglang pumulupot na ahas sa mga balikat nito at humalik pa sa pisngi..  tsk.. landi mong babae ka. pagrereklamo ni Andy sa isip nya habang nakatingin kay Angel. 

Tinanggal ni Andrew ang mga braso ni Angel sa kanya. Amoy na amoy ang alak sa katawan nito. "Kanina ka pa umiinom?" halatang concern si Andrew sa tono nito. Inalalayan nya ito para makaupo sa kabilang bakanteng upuan. 

"No" papungay pungay na sagot ni Angel. 

Ano bang silbi ko dito? tsk.  naiinis na tanong ni Andy sa isip nya habang nakatingin sa dalawa. Nasan ang mga sinabi mong ayaw mo na sa kanya? Na galit ka sa babaeng yan? Nakakainis ka talaga Vergara!!! 

"A, please come back.. Sorry kung akala mo pinaglaruan lang kita. I missed you... So much" Angel held his face with her both hands. Pero tinanggal naman ito ni Andrew, pero hindi nya binitawan.. 

"Lasing ka na Angel, ihahatid na kita" 

"No. ayoko. Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo maayos." 

"Wala na tayong dapat ayusin Angel. May girlfriend na ko. Kaya please lang, tumigil ka na. Pinaglaruan mo man ako o hindi, hindi na mahalaga sakin yon. That's part of the history at alam mong kahit kelan hindi ako nagkainteres sa nakaraan" 

Hindi maiwasan ni Andy na maapektuhan sa mga sinabi ni Andrew. Girlfriend? ako ba yon? bakit ganito, feeling ko totoo lahat ng mga sinasabi nya, I shouldn't feel this way. Wala lang sa kanya to, pero bakit sakin.. parang sobrang big deal ng sinabi nya na may girlfriend na sya at wala na syang pakialam sa kung ano man ang namagitan sa kanila ng babaeng yan. Hay.

Tumingin si Angel kay Andy. Para bang kinikilatis ng mga tingin nya ang pagkatao ni Andy.

"Where's your standard Drew?" 

biglang nag init ang ulo ni Andrea sa sinabi ni Angel pero hindi na lang sya nag react, tutal hindi naman sya ang kausap nito. Pero nanggigil sya sa inis at gustong gusto na nyang sabunutan ang babaeng amoy alak sa harap nila. ARGH!

"I don't know.. Kahit ako, yun din ang unang naisip ko ng malaman kong may gusto na ko sa kanya" 

mas na high-blood si Andy sa sinabi ni Andrew!! >.< 

"She's beyond my standard, napansin mo rin pala" ngumiti si Andrew kay Angel. then He looks at her 'girlfriend' sabay wink.

napanganga ng di oras si Andy sa sinabi ni Andrew. 

what the??? A-anong sinabi nya? beyond his standards??? OMG. *u*

Andrea.. Andrea, wag kang magpadala sa mga sinabi nya. That was just for the show. walang ibang ibigsabihin yon. Wala! Kaya kung ano man ang iniisip mo, drop that! 

She shakes her head. Wala yon, wala lang yon. Don't mind that.. Wala yon. she keeps on chanting on her mind. Kasi hindi nya talaga maiwasang maapektuhan sa mga sinasabi ni Andrew. Normal lang sa kanya yon, Andrea parang hindi mo naman kilala si Andrew, magaling sya magpakilig, mambola at pagpainlove ng mga babae.

Hindi na rin nagtagal ang usapang iyon, umalis na si Angel at naiwan naman si Andrew at Andy sa pwesto nila. Tahimik.. maliban sa mga tugtugan sa loob ng OMG bar.

"Thanks Andrea" tumingin si Andy kay Andrew. His wearing his most attractive expression. Deep and serious look. 

"w-wala naman akong ginawa" her heart is pounding. 

"Let's go? hatid na kita" tumayo na si Andrew, she's out of her mind para magresponse agad sa mga nangyayari..

"Andrea?" and by that, natauhan na si Andy at tumayo na rin. Tahimik pa rin silang naglalakad palabas ng bar hanggang sa makarating sa kotse ni Andrew.. Nagpatugtog lang si Andrew sa kotse nya at wala na silang pag uusap na nabuo hanggang sa makarating sila sa condo na tinutuluyan ni Andy.. Tumigil si Andrew sa tapat ng condo at hininaan ang volume ng stereo. 

Ngumiti si Andrew kay Andrea habang nakatingin ito dito, 

"Sorry ah, kung nadamay pa kita. Last na yon, hindi na kita guguluhin ulit. Salamat ng marami sayo" He leans forward.. Hindi nakagalaw si Andy sa pagkakaupo nya ng biglang nilapit ni Andrew ang muka nito sa  kanya. He gives a thankful kiss on her cheek. 

She blushes.. "wala yon. Sige ah" agad na lumabas ng kotse si Andy at tumakbo papunta sa entrance ng condominium. Habang tumatakbo sya, hindi mawala sa mga labi ang ngiti na kanina pa nya pinipigilan.. 

I Got Caught [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara