Chapter X

2K 32 1
                                    

      Mainit pa din ang ulo ni Liza hanggang sa pagpasok nya sa school. Kung maka-preno naman kasi ang driver ng bus na sinasakyan nya eh..wagas.. Namumula tuloy ang noo nya at nagbabanta ang isang bukol.

"Badtrip. Kasira ng umaga ah.. Isa pa tong si Maica, talagang halatang may inililihim sakin. Hmp!!"

      Pagpasok nya sa gate..si Nico agad ang bumungad sa kanya at nag-inspect ng gamit nya. He frowned when he notice the red spot on her forehead...kinapa nito ang bulsa nito at may kinuha. Kinuha nito ang kamay niya at may inilagay..sya naman ang napasimangot.

"Piso?"

He grinned and nodded.

"Para san toh?"

"For the incoming bukol sa noo mo."

"Aanhin ko to sa bukol?"

"Ilagay mo yan sa bukol mo tapos medyo diin-diin mo..mawawala din agad yan.."

Diskumpyadong tumingin sya dito, "Effective ba?"

"oo naman! Si lola ang nagturo nyan sakin. At tingnan mo naman..kahit lagi akong nagkakabukol noon, gwapo pa din."

Her look remained blank.

He winked.

She blushed.

"sige na. Pumasok ka na. Baka ma-late ka na."

"Uh..sige. Salamat sa piso."

       Nico just smiled at her and crumpled her hair bago bumalik sa trabaho. She tried to hide her smile hanggang sa makarating ng room pero agad naman syang napansin ni Maica. She tried to ignore her bestfriend dahil sa dami ng atraso nito sa kanya. Madami na itong hindi sinasabi at pati ang dahilan ng pag-absent nito kahapon ay ayaw sabihin...but she knew something's different. Pati ag pakikitungo nito sa kanya.  Umupo sya sa upuan nya at hindi pinansin ang sumusunod na kaibigan.

"oi..Liza..bakit naman ang aga-aga ganyan mukha mo? Kanina pagpasok nakangiti ka..tapos ngayon nakasimangot ka na."

"hmp!!"

"May bibigay nga pala ako sayo."

"What?"

       Naglabas ito ng isang brown envelope at ibinigay sa kanya bago bumalik sa upuan nito. Dumating na ang prof nila and he started discussing matters about English communication. Habang nagdi-discuss ito..unti-unti nyang sinilip ang nasa envelope and she...

>Aaaahhhhh!!!!!<

"What is it, Elizabeth?" sita ng prof nila.

Napayuko na lang sya habang namumula ang mukha, "N-Nothing, sir. I'm sorry."

Eye-dentity (completed)Where stories live. Discover now