Chapter III

2.8K 43 2
                                    

       Maica's mind is flying...wala sa dini-discuss ng prof nya ang isip kundi sa bagong doctor. He bowed in front of her as if she's superior than him. Buti na lang at mukhang hindi naman naging big deal yon sa mga nakakita. Para pa ngang hindi napansin ng lahat ang ginawa nito. Napadpad ang paningin nya sa bakanteng upuan ni Kiel. As their president, nagulat silang lahat ng bigla itong um-absent. Masyado siguro itong madaming nainom kagabi.

            Naramdaman na ni Dylan ang pagbabago sa balanse ng kapaligiran. Somehow..sometime..the university's atmosphere shifted into something that will create a big transformation in their world.  Agad nyang pinatawag ang mga kasama at lahat ng security guards na nagta-trabaho sa agency nila. At sa kanilang office...

 

" The first wave of unknown vampires is now settling in the Philippines. Naramdaman ko na ang pagdating nila. I want you all to synthesize your power within the university premises. Siguradong dumating sila sa ating bansa para sa nag-iisang elite na nakuhang malampasan ang mga lason natin. We will keep our eyes close to this elite hangga't hindi pa sya tuluyang nagiging bampira."

 

" But you know well na hirap kaming kontrolin ang sarili namin lalo na at malapit lang ang elite,"Nico said.

"Kaya kayo ang dinala dito dahil kayo ang may pinakamatibay na kontrol sa sarili. Ngayon,lumabas na ang lahat ng hunters dito na hindi kaya ang ipinapagawa ko."

       Minsan lang ginagamit ni Dylan ang boses ng isang master hunter and fortunately..effective pa din kahit hindi pa sya ang pormal na master hunter. Pagkatapos ng meeting nila..tinawagan sya ng papa nya at pinapunta sa office nito. Pagdating na pagdating sa opisina nito...nagulat sya ng salubungin sya nito ng ngiti at paupuin sa sofa. Nagpadala pa ito ng kape para sa kanilang dalawa. And the fact that he smiled at him made his heart start thumping hard against his chest.

"I now have here some facts about cursed elites. May mga articles about them na pinilit itago but well..i have some...sources na talagang mapagkakatiwalaan. Cursed elites were at their weakest in their total transformation. Sa pagitan ng pagpapalit ng anyo ng isang cursed elite mula sa pagiging tao, doon sila nawawalan ng kapangyarihan. At tumatagal lang iyon ng tatlong segundo, Dylan. We only have three seconds to kill her.  Yon na lang ang tanging paraan natin para patayin ang huling pag-asa ng mga bampira. And I want you to court her."

"Court her?? You're telling me kung paano patayin ang elite tapos ngayon paliligawan mo sakin??"

"Dylan...for once..gamitin mo naman ang itsura mo. I can see na nakapag-establish ka na ng magandang relationship sa babaeng yon—-"

Muntik ng mapabuga ng hangin si Dylan because, " I just ruined it earlier this morning."

"Kaya I want you to take advantage of that. Mas malapit ka sa kanya..mas mabuti. Sabi nga nila..make your friends close..your enemies..closer."

"Pero—"

"No buts, Dylan. Kapag napatay mo na ang elite,bababa na ako sa posisyon at ikaw na ang magiging master hunter. And if you fail... Justin will take your place and I will disown you."



"Justin??!!"

Eye-dentity (completed)Where stories live. Discover now