Chapter VII

2.1K 38 10
                                    

       She hiccupped loudly and covered her mouth. Jayden looked up at her and smiled. Bumalik na ulit ang ngiti sa mata nito

"Iinom mo na yan ng tubig," he said.

"Ok. Ok. Sir," wika nya habang sino-sort ang student info cards sa clinic.

"Gusto mong kumaen?" maya-maya'y tanong nito.

" Libre mo?" balik nyang tanong, a smile playing on her lips.

"Kelan ba kita pinagbayad?"

"Sure ba. Nasan nga pala sina nurse Susie? "

"Meron silang seminar ngayon eh. Kaya ako lang ang mag-isa dito. Buti nga at walang masyadong pasyente."

"Poor doctor Jayden."

"At least you're here," he smiled.

"So? Saan tayo kakaen?"

" Dito na lang. Nagpa-deliver na ako kanina ng pizza."

"Sosyal."

          Ilang minuto pa dumating na ang pizza. Pinaghatian nila ang walong slice and Maica burped loudly. Ang lakas ng tawa ni Jayden habang pinupunasan ang bibig nya. She can't help but be comfortable with this man.

"Gusto mo pa?" he asked grinning.

"Tama na. Busog na ako. "

"Mukhang gutom ka pa eh."

"Tingnan mo, ang laki na ng tyan ko. Tsk!.Masama ka palang iniiwan mag-isa dito."

Tumawa lang ito.

           She likes watching him. Parang wala itong problema sa buhay. Minsan lang nya ito makitang hindi nakangiti. It's either meron itong pasyenteng malala ang lagay at kanina ng magkwento sya ng tungkol kay Dylan. It's like she wanted to be with him all the time. Parang magiging simple lang ang lahat kapag ito ang kasama nya. At saka nya lang naalala, naniniwala ito sa mga bampira. Napaayos sya ng upo at lumapit ng kaunti.

"Jayden, I want to tell you something and please..please..keep it our secret."

"Sure. I promise not to tell anyone."

"I'm..I'm a vampire."

His eyes suddenly glint with something and he smiled, "Really?"

She nodded.

"Paano mo nalaman?

"There's some incidents na nakita ko yung parang nakaraan, tapos nakita ko kung paano patayin ng ibang mga tao yung lahat ng bampira. I don't know. Tapos may nangyari last last week. A vampire bit me. Tapos may sinasabi syang kung ano-ano sakin. Parang kilala nya ako. I remember him attacking me nung magkaroon ng party dito. Sya yung nakamaskara. And fortunately, Dylan's always there," napangiti sya ng maalala ang lalakeng laging nagpapawala sa katinuan nya, "He always protect and save me from death."

Eye-dentity (completed)Where stories live. Discover now